ReLIEtionship 1

83 2 0
                                    

Bagong buhay .. Bagong Bahay .. Bagong Kapit-bahay .. syempre bagong bahay nga e edi bagong kapit bahay talaga ..

ako nga pala si Kristopher Nathan Herrera .. Nathan for short .. pero madalas akong tawaging ng mga kaibigan ko ng 'Nat Nat'

[ Picture of Nat Nat on the side → ]

Ako ang bunso sa tatlong anak ng aking magulang .. GWAPONG CUTE .. alam nyo na baby face e .. may dimples pa .. wala kayong magagawa .. habulin pa nga babae .. naks .. pasensya na proud na proud lang talaga ako sa sarili ko .. gwapo ko kasi talaga e ..

bagong lipat kami dito sa province nila Daddy Bro .. kasi naglagay sya ng branch dito sa kanila .. maliit na restaurant sa gilid ng bahay .. parang ganun .. pero may bahay pa din naman kami sa Manila .. sadyang umepal lang ako para masama ako dito .. kasi dapat nasa manila kaming lahat .. e napakainit kasi dun kaya ayoko .. tapos lagi pang nakasunod yung mga babae .. kahit sa gym sumusunod .. kulang na nga lang pati sa banyo e sundan na din nila ako ..

Heartthrob kasi e .. Gwapo kasi ako .. Cute pa .. titigil na ako .. masyado ko ng pinupuri yung sarili ko .. baka pati kayo ma inlove na sakin .. hehehe ..

Summer ngayon .. init na init nga ako e .. ang may strange hobby ako na laging tinatanggal yung damit ko .. not to show off my sexy 6 pack abs .. hindi dahil d

un ah .. kasi feeling ko nasasakal ako pag may damit ako e .. saka pag ako lang mag isa nagtatanggal talaga ako ng damit .. nasanay na siguro ako ..

buti na lang at may wifi dito sa province ni Dady Bro .. kaya nasa bahay lang ako .. sa kwarto ko to be exact .. kaya as expected shirtless ako .. presko kaya .. tapos malamig pa yung hangin kasi puro puno sa paligid ng bahay ..

nakikinig lang ako dito sa kwarto ko ng music .. nagwawala at nasasapian lang naman ako .. e ganun ako pag nakakarinig ng kanta e .. sinasapian ng espiritu ng music ..

ganun lang ako maghapon .. kakanta .. sasayaw .. magwawala .. ay nag eexercise din pala ako .. nagpapapawis .. ganun lang .. tapos kakain sa gabi tapos uulit ulit yung cycle hanggang sa napagod ako .. saka ako matutulog ..

ang ganda ng buhay ko dito sa province no.? .. hindi ako pinapatulong sa maliit na restaurant kasi marami na sila dun .. lalabas lang ako ng kwarto pag kakain ako o kaya naman pagmaliligo ako ..

" - • - "

kakagising ko lang .. nandito ako ngayon sa banyo nagaayos ng sarili .. actually wala akong balak gumising .. tinatamad ako e .. kaso ginising pa din ako ni Daddy Bro e ..

naghilamos muna ako saka ako nagpalit ng damit .. sando at boxers .. kasi sa kwarto lang naman ulit ako tatambay .. ng may narinig ako ingay sa restaurant

'ang aga aga ang ingay sa restaurant ..' sabi ko na lang sa sarili ko tapos nadinig ko yung pinapanood nila ..

'even God himself can't sank this ship .. its unsinkable ..'

tama ba yung nadidinig ko.? Titanic yun di ba.? TAKBO.!!!!

"Wag nyong ililipat.!!!" sigaw ko

"Titanic nga.!!!!" sigaw ko ng makarating ako sa restaurant .. not completely aware that I'm only in my sando ang boxers ..

"AHEM!!! .. Nathan .. mahiyaka sa suot mo .." sabi ni Daddy Bro sakin

saka ako natauhan na ganun yung suot ko kaya nagtatakbo ako sa kwarto ko at binuksan ko yung TV dun ..

ang tanga ko din e .. meron nga palang TV sa kwarto ko tapos sa Restaurant ako nagtatakbo .. not to mention napakadaming costumers .. buti na lang sinabi agad ni Daddy Bro yun .. kundi viral na yun picture ko sa FB, Twitter, IG at kahit sa Tumblr .. kasi maiinlove sila sakin .. pati kayo maiinlove na din .. hehehe

sa kwarto ko na lang ako nanood .. at hapon na ako lumabas ng kwarto kasi pinanood ko pa yung Romeo and Juliet at Warm Bodies sa HBO channel ..

ang pakiramdam ko tuloy para akong nasa dream world pagkatapos kasi sunod sunod yung favorite ko na movies ..

"Uy, lumabas ka ng kwarto mo .. himala .." may biglang lumabas na multo sa harap ko ..

"kelan ka pa dumating dito.?" tanong ko

"ngayon lang din .. bakit may angal ka .." sagot nya sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa .. nakakainsuto yun ah ..

"Ano bang ginagawa mo dito.!!!" sigaw ko sa kanya

"Aba matapang ka na ngayon ah .. ano ba problema mo .." tanong naman nya sakin

"pwede ba bumalik ka na lang sa States .." sabi ko sa kanya

"Pinauwi ako dito ni Daddy Bro .. kaya sa ayaw at sa gusto mo dito nandito na ako .. babalik din naman tayo sa manila next week .. may kailangan tayong ayusin dun .." sabi ba naman nya ..

"Ewan ko sayo .. epal ka .." inis na sabi ko

sya si Kuya ko .. Kuya Tris .. for Tristan Edmond Herrera .. pero tinatawag din sya minsan na Edmond .. kasi pare-parehas kaming may TAN sa first name namin .. biruin nyo naman .. Kuya ko TrisTAN, Sangko ko EThAN .. tapos ako NaThAN .. o diba .. pinaglihi kami sa TAN .. TANdang .. ahaha uy joke lang yun ah .. =^____=^ ..

nasa States na sya for 5 years .. minsan na lang magpakita .. kaya ayoko sa kanya .. hindi ayoko as in ayoko .. asiwa lang ako sa kanya ..

imbis na atupagin ko si Kuya Tristan ay pumunta ako sa restaurant .. gabi naman na kaya sure akong konti o wala ng tao sa restaurant .. kaya ok na yung suot ko ..

" - • - "

"Bro, ano yung sinasabi ni Kuya Tris na kailangan kong bumalik sa manila next week.?" tanong ko kay Daddy Bro

"May kailangan kasi kayong ayusin sa business natin .. tutal magtatapos ka na .. ikaw ang mag mamanage ng isang kumpanya natin .." sagot ni Daddy Bro

"Tinatamad nga ako e .. ang init init sa manila e .." reklamo ko

"pagnatapos nyo na ayusin ang mga kailangan nyong ayusin ay tumuloy ka na sa university mo para mag enroll .." sabi ni Daddy Bro sakin

hehehe .. nakalimutan kong sabihin .. Ako, si Kuya Tristan, at si Kuya Ethan .. ang pinakamatalino sa university .. kaya nga nakuha sa States si Kuya Tristan nung grumaduate sya .. si Kuya Ethan naman ayun .. minamanage yung company namin sa manila .. at ako .. eto nagtatago sa mundo .. xD ..

ok lang sakin na hindi na tapusin ang college ko dahil tinatamad na akong pumasok .. e alam ko na kasi yung dini-discuss e .. mas matalino pa nga ako sa prof ko e .. pano nung bata pa kami .. araw araw kaming nakakulong sa library .. edi nakabisado namin yung halos 50,000 books .. 5 books in a day .. tapos paulit ulit papabasa ni Daddy Bro .. edi nakabisado namin .. mula 6 years old - 15 years old .. yan ang gawain namin .. dugo na utak namin ..

"oo na .. basta ba pabalikin mo Bro yung damuho sa taas sa states .. epal yun e .." sabi ko na lang .. dahil alam kong pipilitin din naman ako sa bandng huli para pumayag ako ..

"hindi pwede .. dahil kailangan nyong imanage yung mga kompany natin .." sabi ni Daddy Bro

"eeeeehhhhh .. bahala na nga .. Bro Tulog na ko ah .." sabi ko kay Daddy Bro at saka ako pumanik ..

"Nat Nat dito ako sa kama mo ah.." sabi ni Tristan sabay lock ng pinto

sa kama ko.? as in sa kwarto ko.? e san ako matutulog.?

"hoy, buksan mo nga tong pinto ng kwarto ko .." sigaw ko sa kuya ko habang kibakalampag yung pinto ..

at nangyari nga ang pinaka ayaw ko .. tulog na sya .. hindi na kasi binuksan yung pinto e ..

Ang ganda ng araw ko .. bigla na lang sira na .. dahil sa letcheng Kuya ko .. napaka letche talaga ni Kuya Tristan .. =_________= ..

ReLIEtionship .WTëärs. ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon