ReLIEtionship 19

6 0 0
                                    

Hannah Cassandra's POV

This is it.

This is really is it, is it.

Now is the time

"Pinatawag ko kayong lahat...." pagsisimula ni Nathan. Tapos at tumingin sakin at hinawakan yung kamay ko.

"...Upang formal na ipakilala sa inyo ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Si Hannah." Pagpapakilala sakin ni Nathan sa pamilya nya.

Alam ko kilala na nila ako dahil nga nakikitira ako dito sa bahay ng lolo ni Nathan.

Nakangiti ang lahat dahil sa balita ni Nathan... hindi pala lahat dahil nagtataka ang expression sa mukha nung isang babae at sa Papa nya.

Nakita kong nag-usap yung papa ni Nathan at yung Babae tapos ay tumingin ito sakin.

"Luci, go play with Ate Hannah. Nathan. Mag uusap tayo" madiing sabi nung babae.

Sumunod naman si Nathan dun sa babae at yung papa nya ay sumunod din.

Nakita kong nag apir ang kuya ni Nathan na si Tristan at Ethan.

'Abnormal tong magkakapatid na ito. Buong pamilya pala nila.' Sabi ko sa sarili ko

"Bang Bang Bang!!!!" May biglang may sumipa sakin at sinusuntok ako sa likod.

"Aray." daing ko.

Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko ang isang bata. Siya siguro yung Luci. Basag ulo amputs. Ano ba pinapakain dito? Akala mo bakal kamay eh.

Umupo ako sa harap ng nya. Nginitian ko sya.

"Hi. Ako nga pala si Hannah. Ikaw si Luci di ba?" Tanong ko

"Walang ibang bata dito di ba? Syempre ako yun. tanga mo naman." Sagot nito.

Aba ang sama ng dila ng batang to ah.

'Magtiis ka Hannah, bata lang yan. Wag mong patulan' sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim

"Kaano ano mo si Nathan?" Tanong ko

"Baka anak nya ko. Bobo mo naman, syempre pinsan. Wala akong balak na maging kapatid o tatay yung abnormal na yun. Adik yun eh" sagot nito

Ay potek. Bata ba talaga tong kausap ko? Pero go. Totoo yung sinabi nya abnormal si Nathan. Ahahaha

"Ilang taon ka na?" Tanong ko ulit

"20? 80? 200? Mukha ba kong matanda? Sa cute kong to mukha akong matanda?" Naiiyak na sagot nito.

Kristopher Nathan's POV

"Hoy tarantado kang bata ka. Sino yung babaeng yun?" Batok agad sakin ni Tita Claire nung dumating ako sa kusina.

"Aray ko Tita masakit yun ahh." Sagot ko.

"*batok* mali sagot mo. Sino yung babaeng yun?" Tanong ulit nya

Mabobobo ako sa Tita kong to eh. =____=

"Girlfriend ko. Obvious ba?" Sagot ko.

" *batok* Abnormal ka talaga. Magpapalusot ka na lang eh di mo pa galingan. Dito nakatira yung babaeng yun di ba?" Tanong ulit nya

"Hindi. Sa kalsada. =___=" sagot ko ulit. Alam kong babatukan ulit ako kaya umiwas na ako. Pero heck. Sinikmuraan naman ako. =_____=. Sadistang pamilyang to. Lintek.

"Anong balak mong gawin sa kanya, Claire? Ikaw ng bahala kay Nathan saka kay Hannah. Wala na akong magagawa sa abnormal na yan." Plain na sabi ni Bro tapos ay umalis na.

Nakita kong ngumisi si Tita Claire. Yung ngising akala mo gutom na demonyo. Ganun. Isang alam kong ibig sabihin nun. Oh fck. This can't be.

"Tita, inaanak mo ko di ba? Pwede wag. Please" pagmamakaawa ko.

"Sorry inaanak pero walang kamag anak ngayon. Kailangan kong gawin to." Sabi nya...

Narinig ko yung signal ng plano ni Tita Claire. Sabi ko na nga ba eh kasabwat dito si Lucifer. Potek. Lalong lumawak yung ngiti ni Tita. Nangangahulugang magagawa nya yung plano nya.

Agad na lumabas si Tita papuntang sala. Putakte. Amazona si Tita pati si Hannah. Gera to!!!!

Hannah Cassandra's POV

Bigla na lang umiyak si Luci. At hindi ako magaling magpatahan ng bata. Omg anong gagawin ko?

"Luci, luci, luci, big boy ka di ba? Tahan na." Sabi ko sa kanya

Pero lalong lumakas yung iyak nya. Omg. Paano ko to patatahanin.

Pinunasan ko yung luha nya gamit yung panyo ko.

"HOY! IKAW! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?" Biglang sumugod yung babaeng tumawag kay Nathan kanina.

"Ahh. Wala po. Bigla na lang po sya umiyak." Sagot ko

Nandito pa rin yung mga kuya ni Nathan kasama yung forver nila. Si Nathan ayun nasa likod lang.

"She said I look old." Hagulgol ni Luci. Ay potek. Tinanong ko lang yung edad nya ah. Sinungalin tong batang to.

"Mukhang matanda si Luci? He's 7 for crying out loud. So ano gusto mong palabasin? Uugod ugod na ako dahil ako ang mommy nya?" Pag aaway sakin nung babae.

"Hindi po. Tinanong ko lang po yung edad nya. Yun lang po." Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Hindi iiyak yan ng ganyan kung wala kang ibang ginawa. Sinaktan mo sya kaya sya umiyak ng ganyan. Hindi ko nga yan mapalo at pinapagalitan tapos ikaw paiiyakin mo ang anak ko. Sino ka ba sa tingin mo? Girlfriend ka lang ng inaanak ko. Isa ka lang dumi." Sabi nito sakin.

Ramdam ko ang pamumuo ng luha saking sariling mga mata. Hindi dahil sa pamamahiya nya sakin. Kundi sa pagmamaliit nya sakin.

"Ano iiyak ka dahil totoo. Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo? Siguro kaya ka pinalayas sa inyo dahil wala kang kwenta." Pagpapatuloy pa nito

Pinilit kong tumayo sa aking pagkakaupo noong pinantayan ko nf height si Luci. Pinunasan ko muna yung mga luha ko sa mata saka ako sumagot.

"Wag nyo pong idadamay dito ang magulang ko dahil kahit hindi ko sila nakasama ng matagal ay alam kong minahal nila ako. Pinalayas ako samin dahil pinagbintangan lang ako sa kasalanang hindi ko ginawa. Hindi ko kasalanan kung umiyak si Luci. Hindi ko po sya sinaktan, tinanong ko lang sya."

"Sumasagot ka pa? Akala mo ba maaawa ako sayo? Ang kapal ng mukha mong sagutin ako sa pamamahay namin. You're a disgrace in your family." Sabi ulit nito at sinampal ako.

Hindi ko inaasahan yung sampal nya sakin. Nagulat ako at hindi na ako nakakilos pagkatapos nun. Naramdaman ko na lamg ulit ang pagdaloy ng luha ko sa aking mukha.

Ilang minuto pa ang lumipas at naglakas na ako ng loob na magsalita.

"Aalis na po ako."

"Dapat lang." Sabi nito sakin

Hindi ko Tinignan yung babae bagkus tinignan ko si Nathan. Blanko ang emosyon nito sakin. Mukha wala sya balak na pigilan ako. Bat nga ba nya ako pipigilan di ba.

Pero may deal kami di ba? Ano na mangyayari don? Wala na?

Ang galing lang ah.

What a night!

ReLIEtionship .WTëärs. ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon