ReLIEtionship 6

21 1 0
                                    

Kristopher Nathan's POV

"Yuck.!!!!!!" biglang sumigaw si Hannah

"Problema mo .. ikaw yata yung abnormal eh .. sigaw ng sigaw ng walang dahilan .." tanong ko

"kadiri .. Direct Kiss .. yuck .. Kadiri .. Yuck.!!!!" sagot nya

"Wow ha .. hiyang hiya ako sayo .. ako nga dapat ang mandiri kasi ikaw yung ka direct kiss ko .. good news pa nga yun sayo kasi maraming babae ang sabik na mahalikan ako sa labi .. eh ikaw nakuha mo sobra sobra pa kasi may saliva ako dyan .. parang french kiss din .."

"Yuck.!!! tumigil ka na .. parang hinalikan na rin kita .. eww .. kadertdert.!!!"

"akin na nga yung kutsara .. kung ayaw mong kumain dahil ayaw mo akong ka direct kiss edi wag .. kakain na ako .." sabay hablot ko nung kutsara nya

"Akala ko ba kadiri yung pagkain ko .. eh halos inubos mo na eh .. kalahati nga lang nakain ko .. nakakahiya sayo ah .. baon mo to eh .."

"mamimili pa ba ako .. eh ito na yung nandito .. tsaka talagang dapat kang mahiya sakin dahil direct kiss mo na ako .. of all girls, ikaw ang pangalawang nakahalik sakin .."

"Pangalawa.? sino yung una.?"

"Si B--- wala .. gutom pa ako .. penge pa nga .."

"Wala na naubos na .. napakatakawan mo kasi .."

"kuha mo pa ako.."

"wala naubos na .. bilisan mo na yan .. baba na tayo .. baka magstart na klase .. teka ano ba course mo.?"

"Medicine .. ikaw.?"

"Pharmacology .. tara na .."

"mamaya na .. dito muna tayo .. busog pa ako eh .. dito ka muna samahan mo ko .. upo ka dito .."

"Umalis ka nga .. akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo kanina sa PE Uniform ko .. bayaran mo yun .."

"Oo na bayaran na kung babayaran .. dyan ka lang .. mahihiga ako .. kwentuhan muna tayo dito .."

"Anong kwentuhan .. e magti-time na .. baka ma5 na naman ako sa subject ko pag hindi ako pumunta .."

"madali lang yun .. ako bahala sayo .. maiwa1 mo yan lahat .."

"parang professor ka ah .. dyan ka na nga .. bahala ka dyan .. mag-aaral pa ako .. babush .."

tinanggal nya yung ulo ko sa hita nya at umalis .. sa hindi ko mawaring bagay ay pinigilan ko sya .. hinawakan ng aking kamay ang kanya at hinigit ko sya pabalik ..

"bitawan mo nga ako .. ano ba .. manyakis ka .. MANYAKIS.!!!"

"Ahh" inuntog ba naman yung ulo nya sa ulo ko .. sht ang sakit nun ah .. naalog yata utak ko dun sa ginawa nya.. pag ako nabobo .. lagot ka sakin ..

porket pinakain nya ako .. .. hindi yun sapat no .. tapos inuntog pa nya ako ngayon ..

"Hoy san ka pupunta.?"

"FYI lang Mr. Manyakis .. pumasok ako sa school na to para mag-aral .. hindi para manyakin mo .."

"Manyakis ka dyan .. ayan ka na naman .. kanina Siraulo .. Ngayon naman manyakis .. ano sunod Murderer.?"

"Bahala ka dyan .."

Hannah Cassandra's POV

Bwisit na lalaking manyakis na yun .. inubos na nga yung pagkain ko .. tapos hinawakan pa yung kamay ko ..

Kainis .. my precious hands pa talaga .. grrrr ..

"Nakita mo ba si Fafa Nathan.?" tanong sakin ng isang babae ..

"Nasa rooftop .. nagtatago dun .."

"Talaga.? salamat.!!!" sabi nung babae tapos tinawag nya yung mga kasama nya

Ay lagot na naman ako dun .. ang kulit ko rin eh .. sabi ni Nathan wag ko da ipagkalat na nadun sya sa rooftop pero pinagsabi ko pa rin at sa fans club pa talaga nya .. lagot ako pag nalaman nya ako ang nagsabi nun .. takbo-

"Hoy babae san ka pupunta.?" tanong ni Jackie

"Ha.? ah .. sa classroom natin .." sagot ko

"Bat ka dyan pupunta.? eh sa kabila yung classroom natin.? Pang MedTech yang way mo .. dito yung sating mga Pharmacologist .." sabi nya

"Ah talaga.? tara .." Sabay hatak ko kay Jackie

Naglakad na kami ni Jackie papunta sa classroom namin .. kinukwento ko sa kanya yung mga nangyari sakin this past few minute dun sa rooftop.? hour yata eh .. ng may bigla akong nabangga ..

"Ouch .." nasabi ko na lang nung napaupo ako sa sahig ..

"Are you ok miss.?" tanong sakin ng lalaking nabanga ko

"O-oo naman .. Salamat .." sabi ko sa kanya nung nakatayo na ako

"I'm Matthew Alexander Montero .. you are.?"

"Ca-Cassandra .. Cassandra Villarca .."

"Oh i have to go .. sorry Casey .. catch you later .. Bye .."

Oha .. may nickname agad .. Ang GWAPO NG FAFA.!!! Kaso englishero .. pero kahit na gwapo pa rin sya ..

[ Matthew Alexander Montero on the side → ]

"Hoy.? anong inaarte arte mo dyan at todo ngiti ka.? at anong kamalasan ba ang meron ka ngayong araw.?" sabi ni Jackie "nung umaga binato mo si Nathan .. ngayon naman binangga mo si Matthew .. sino susunod.? si Micheal o si Renz.?"

"Ha.? dont say kasali sya sa 4 trouble makers.?" tanong ko na medyo kinikilig pa

"Obvious ba.? Tara na nga .. baka kung lalo ka pang malasin .. first day na first day mo mukha kang tanga .." sabay hatak ni Jackie sakin

"Wow ha .. maka tanga lang ha .. matalino ka best.?" - Ako

"Oo mo na lang .. =________= V.." Nainis .. Ahaha

ReLIEtionship .WTëärs. ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon