~*Meet Him*~
***
Sa kwarto...
Nakasuot na ako nang pantulog na naka lagay sa cabinet na punong puno nang mga mamahaling damit
Bukas na mag sisimula ang first day ko sa isang pangmayaman na paaralan,bakit ba lahat nang masasabi ko ay puro may salitang mahal?
Kasi yun po ang totoo =__=''
*stomach growling*
Geez~ang bilis ko talagang gutumin,kakakain ko lang ginugutom nanaman ako
Tumayo ako at lumabas sa isang mala prinsesang kwarto
Nag lalakad ako sa isang madilim at malaking hallway "Geez~" saad ko at tumakbo papunta sa kusina
Kumuha ako sa fridge nang gatas at cookies,may isang mini bar malapit dun at may isang medyo mahabang lamesa na gawa sa bato ang nandun
May 3 mahahabang single chair sa magkabila nun,nag tungo ako dun at dun ako kumain
"So ikaw pala si Vhalerie"
Napatingin agad ako sa likod,isang lalaking naka jacket na black at naka jogging pants na grey "O-Oo ako nga" kabadong saad ko
"Anong ginagawa mo at kinakain mo ang cookies ko?" nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin sa kinakain ko
"C-Cookies mo toh?" tanong ko
"Ganun na nga" saad nya at lumapit sakin "Bakit mo kinakain ang pagkain ko?" tanong nya
"Eh sa ito ang nakita ko eh...gusto mo?" tanong ko at tinapat sakanya ang cookies na hawak ko
Kinagat nya ito kasama ang daliri ko "Aah!!!" sigaw ko at nasipa sya,buti naka paa ako "Geez~ano bang problema mong lalaki ka?!" sigaw ko at kumuha ulit nang isa pang cookies
"Wala lang..." saad nya "Humanda ka sakin bukas" pagbabanta nya
"Mag hahanda talaga ako" matapang na sabi ko
Napangisi naman sya at umalis "Ano kaya ang pakuli nang lalaking yun bukas?" bulong ko sabay kagat nang cookies,ang sarap eh...
***
"ARAY!!!" napasigaw ako nang biglang may nagbato nang bola sa tyan ko,nagising tuloy ako galing sa bangungot ko "Ano nanaman bang problema mo?!!" sigaw ko sabag bato nang bola,pero dinilaan nya lang ako at binato ulit ang bola patungo sakin
Tumayo na ako at hinabol sya palabas nang kwarto "ANO BANG PROBLEMA MONG LALAKI KA HA?!!!!!!!!!!" sigaw ko at pinilit na hinabol sya
Hanggang sa tumalon ako sakanya at nag piggyback ride,imbis na sa balikat nya ako kumapit sa buhok ako kumapit at sinabunutan sya "A-aray...aray ano ba!!!!" sigaw nya
"Maka aray ka kala mo di masakit yung pagbato mo sakin!!!!!!!!!" sigaw ko
Nagulat ako nang magtungo sya sa pool at biglang tumalon,Oh no!!!masyadong malalim sa tinalunan nya "Ano bang ginagawa mo?!iahon mo nga ako dito!!!" sigaw ko
Pero nakita ko ang pag ngisi nya at bigla syang lumusong,pinilit ko parin ang mag stay sa taas ang ang ulo dahil hindi ko talaga maramdaman ang tiles sa paa ko
Hahawak na ako sa bato pero may humila sakin pababa "ahmphmmmmm!!!!!!" ungol ko sa ilalim nang tubig at pilit na tinatanggal ang kamay sa paa ko
Nakakalunok na ako nang tubig dahil sobrang lakas talaga nang kiliti ko sa paa,medyo nagiging blury na ang paningin ko "*blug blug*" yan nalang ang naririnig ko sa bibig ko
Huling hininga ko na ba yun?
Naramdaman ko ang katawan na lumalangoy pataas "*cough cough cough cough*" pag ubo ko sa balikat nya
"I told you to be prepared for today...hindi lang toh ang dadanasin mo" saad nya
"A-ang sama mong demonyo ka *cough cough* hah hah hah" nanghihinang saad ko
"Thanks for reminding me" saad nya at inahon na ako "bilisan mo,malelate na tayo" parang walang nangyaring saad nya at iniwan ako
Ano bang klaseng tao ang nakilala ko?!mas masahol pa sa demonyo ang ugali!
To be continued...
Riley:Yow!wag nyong kalimutang i-vote at i-comment ang chapter natoh,yun lang😘

BINABASA MO ANG
A Kiss From The Devil
Roman pour Adolescents"Your my Angel and Im your devil,baybeh"-Riley