Chapter 4:Fans?

634 23 2
                                    


~ZEXIEN's POV~

Kapapasok lang namin pero wala pa din si Blake. Simula nung umalis siya kahapon hindi siya nagparamdam sa amin. Walang Blake na nagparamdam sa amin kahit text wala.

Nagpunta na naman sa bar yon tsk.

"Papasok kaya yon si Blake?" Herbert asked because our professor was about to arrive and he wasn't here yet.

"HIndi ko siya macontact kagabi," sabi naman ni Marc  na sinang-ayunan namin. Hindi namin siya macontact baka nakaoff ang phone niya kagabi kaya gano'n.

"Tinawagan ko si hipon nasa bar daw kasama niya. Ayaw pa nga sabihin sarap sabunutan," naiiritang kwento ni Jake habang pinapakita sa amin kung paano niya sana sasabunutan si Bea. Napatampal na lang kaming lahat sa kakulitan niya.

Siraulo talaga.

Dumating na ang prof namin kasabay niya si Blake. Tinanguan niya lang kami at naupo na sa upuan niya.

Broken ang tropa.

Our prof started teaching but I didn't pay attention to him. I just looked outside because he was so boring. When I looked at Blake, his head was down on his desk and I think he was sleeping.

Jake was teasing Maxine who was seriously listening to what our prof was saying and was obviously disgusted by what her best friend was doing. Marc and Herbert are making a paper kite and then they will fly it.

At ang isa 'ko pang kapatid na si Zeid ayon nakikipaglandian sa katabi niyang babae.

Napailing na lang ako sa kanila.

Mga isip-bata .

When he finished teaching, he went out immediately so we all stood up. We were the only ones left in the room when some male freshmen came in. They brought flowers, teddy bears and chocolate.

Napakunot ang noo ko sa kanila.

Anong ginagawa ng mga 'to dito?

"Hoy anong ginagawa niyo dito mga unggoy," maangas na sigaw sa kanila ni Zeid. Siraulo talaga 'tong si Zeid. Binatukan ko ang loko kaya napahawak sa ulo niya habang mangiyak-ngiyak na nakatingin sa akin.

Bagay sayo yan.Karma.

"Ibibigay namin kay Maxine." Lumapit 'yung may kulay ang buhok at inabot kay Maxine.

"Para kay Maxine," ani Jed at nakangiting inabot ang dala sa kapatid ko. Kilala ko siya, lagi ko siyang nakikita na nakamasid sa kapatid ko at kilala rin bilang playboy.

'Yan ang mga tipo na ayaw ko maging boyfriend ng kapatid ko. Kung magkakaboyfriend siya dapat 'yung whole package na.

"Ibibigay lang namin kay Maxine" saad naman nung isa.

Sunod-sunod na sagot nila pero isa lang ang ang ibig sabihin at para lahat 'yon kay Maxine.

Ganda talaga ng kapatid ko. Haba ng hair nagrejoice ka ba gurl?

Nginitian naman sila ni Maxine at kinuha lahat ng mga dala nila at nagpasalamat. Tumingin ako sa gawi ni Blake at hindi maipinta ang mukha. Napailing na lang ako habang nakangiti.

Selos ang loko, ayaw naman gumalaw.

"Ganda ng bestfriend ko penge chocolate," pang-uuto ni Jake kay Maxine at handa na sanang  batukan siya pero naunahan ako ni Herbert. Napa-okay sign naman ako sa kaniya dahil do'n.

"Ikaw talaga nangbola ka pa para humingi." Naiiling na sabi ni Maxine at inabutan nito si Jake ng chocolate. Naghingian din naman sina Zeid, Herbert at Marc. Nang makalabas na kami ay muling umingay ang paligid.

"Ang ganda talaga ni Maxine,"

"Nakakainlove sobrang bait pa niya,"

"Ang gwapo ni Zexien at Zeid,"

"Ghorl ang bango ni Jake umaalingasaw yung pabango niya,"

"Ang gagwapo mahihimatay na ata ako,"

"Waa si Herbert ang pogi,"

"Kahit nakakunot ang kilay ni Blake ang pogi pa din,"

"Anakan mo ko Marc,"

Natawa kaming lahat nang marinig namin 'yon kaya napakamot naman ng ulo si Marc. Iba talaga ang kapogian nito gustong magpaanak sa kaniya ng mga babae.

Anakan ampotek!

Nang makarating kami sa cafeteria ay may mga lumapit na naman kay Maxine para magbigay ng letters at cookies. Tinanggap naman niya 'yon at syempre nagpasalamat.

~ZEID's POV~

Nang matapos magbigay kay Maxine ay nagsimula na kaming kumain. Sobrang ganda talaga ng kapatid ko daming nagkakagusto sa kaniya like me.

Alam kong mahangin, may bagyo kasi.

"Ang daming mga pasimpleng nagpipicture kay Maxine," natatawang sabi ni Herbert habang sumusubo ng pagkain niya.

Napakaganda ba naman ng kapatid ko, sino hindi magkakagusto dito. Whole package na, wala ka ng hahanapin pa.

"Inggit ka naman wala kasing napopogian sayo pre," sabi ni Jake habang punong-puno ng pagkain ang bibig kaya tumatalsik ito sa kaharap niyang si Marc. Hindi naman maipinta ang mukha ni Mark, halata ang pandidiri sa kaharap.

Sala-ola, napakababoy naman nawawala kapogian niya. Buti na lang hindi talaga siya pogi kaya walang mawawala.

"Baboy mong walang hiya ka,"sigaw niya at binatukan si Jake. Nagtawanan naman kaming lahat dahil do'n.

"Bar tayo mamaya." Pag-aaya ni Blake sa amin kaya napalingon kami sa kaniya. Ano kayang naisipan nito at niyaya kami?

Kailangan ko na atang magpamisa.May himala. Sabi ni Nora Aunor wala daw himala, scam naman pala 'yon.

"Libre mo?" tanong ni Kuya Zexien dito at tumango naman si Blake. Aba ayos to, libre inom na naman.

Nagagawa nga naman ng brokehearted. Broken hearted moments. Dapat stay single pero ready to mingle. 

"Sa wakas! Niyaya mo din kami hayop ka," sabi ko sa kaniya at natawa naman siya. Well totoo yon ngayon na niya lang kami niyaya.  He goes to the bar alone and doesn't even invite us.

"Ehem may kapatid kayo dito," nakataaas kilay na sabi ni Maxine habang nakatingin sa aming dalawa ni Kuya Zexien. Napakamot naman kami ng ulong dalawa.

"Sumama ka na lang samin bestfriend babantayan kita do'n," magiliw na sabi ni Jake at nakatayo pa ang loko habang kumikindat-kindat kay Maxine. Napangiwi naman si Maxine sa kaniya at tumango na lang din.

She knew he was going to tease her until she agreed. Kuya and I just nodded because we knew she was safe because we were with her. After we finished eating, we returned to the room for the rest of our class.

Lahat ng dumaang klase namin ay hindi ako nakikinig dahil nga tinatamad akong makinig at mas gusto ko pang nagsusulat kahit mahaba pa 'yon. Kahit naman hindi ako nakikinig ay mataas pa din ang mga grado ko kaya chill chill lang ako. 

Don't panic, its organic.

Agad kaming lumabas nang matapos ang klase at pumunta sa kaniya kaniya naming sasakyan. Sinabi ko na lang na dumaan muna sila sa bahay para sabay-sabay kaming pupunta sa bar. Sa van kami nakasakay nina kuya Zexien at Maxine. May kaniya-kaniya kaming kotse pero dahil tinatamad ang bunso namin gusto niya sabay daw kaming papasok.

Namis ang kagwapuhan namin ni kuya.

Napakaliit na bagay, hindi na dapat pinapalaki.

Nakarating kami sa bahay kaya nagmeryienda muna kami pagkatapos ay nagbihis at hinintay ang mga kupal na dumating.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon