-MAXINE's POV
Naalimpungatan ako dahil sa ingay. May naririnig kasi akong bulungan at pagflash ng mga camera. Ang sakit sa mata, nakakasilaw. Kaya pagmulat ng mga mata ko ay bumungad silang lahat sa akin. Kaniya-kaniyang kuha sa aming dalawa ni Blake. Wait ni Blake?
Omay gash! Oo nga pala kainis!
"Tigil niyo nga 'yan," inis kong sabi habang pinipilit bumangon pero dahil sa bigat ni Blake ay hindi ako nagtagumpay.
"Huli ka na. For sure nasa School Board na ang picture niyo," natatatawang sabi ni Kuya Zeid habang nagpipindot sa phone niya. Argh nakakainis mukhang pinagkakaisahan nila ako.
"Hmm.." rinig kong ungol ni Blake at kinukusot ang mata.
Nang maimulat niya ang nagulat siya sa mga nasa harap niya. Lumingon din siya sa gawi ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ang pogi niya grr! Aish ano bang iniisip mo Maxine? Hindi siya pogi!
"Kaya pala ang sarap ng tulog ko," sambit niya at mas hinigpitan ang pagyakap sa akin. Imbis na tulungan ako ng mga ugok pinagtawanan pa ako at sige picture.
Ang gwa-- gwanda ko. Oo ang gwanda ko 'yon. Nakakainis naman nababaliw na ata ako. May sakit na rin siguro ako sa puso dahil sa bilis ng tibok nito. Imposible namang dahil 'yon kay Blake, imposible talaga. Magpapatingin talaga ako sa doctor pagtapos ng Swimmer Trip.
"Tabi nga. Bumangon ka na d'yan!" inis kong sabi pero hindi ko mapigilan ang ngiting gustong lumabas. Nakakainis siya pero may part sa akin na kinikilig ako. Ihh kese nemen!
"Ayaw," parang batang sagot niya kaya napatampal ako sa noo ko.
"Aalis ka o ngayon pa lang busted ka na?"panghahamon ko at mabilis pa sa alas kwatrong bumangon at pumunta sa sarli niyang banyo. Mabilis naman pala kausap, pinahirapan pa ako.
"Alulululu" alulong ni Jake at pumasok na rin sa banyo niya. Lahat sila ay nakaayos na ang gamit at kami na lang ni Blake ang hindi.
"Nasa School Board na!" sigaw ni Kuya Zexien nang makapasok. Saan kaya nagpunta ang Kuya kong 'to? Ngayon ko lang napansin na siya lang ang wala kanina.
Alin ang nasa School Board?
"Alin ang nasa School Board?" tanong ko sa kanila pero wala akong nakuhang sagot.
Sabay sabay silang umalis sa harapan ko at nag-ayos na. Ano kaya ang ginawa na naman nilang kalokohan. Nag-ayos na rin ako ng gamit at naligo na pagkatapos. Sabi kasi ni Kuya Zexien baka 1 week ang Swimmer Trip para daw makapagpahinga para sa interhigh. Hindi naman kami player, nakikisali lang kami.
Nang matapos na ako magayos ng sarili ko ay lumabas na kami. Naghihintay na daw kasi sa parking lot ang ibang Swimmer. All black ang ootd ko. Black hoodie and a black shorts, black sock and black converse shoes.
"Ako na magdadala niyan," sabi ni Blake at kinuha sa akin ang bag ko. Hindi na rin ako umangal dahil tinatamad rin ako magdala.
"Sa Davao raw ang Swimmer Trip," sambit ni Marc at doon ako nasiyahan. Naeexcite na tuloy ako makarating doon. "Pearl Farm Beach Resort raw," dugtong niya.
Argh sobrang ganda doon. Mafefeel mo talaga ang kaginhawaan. Akala mo nasa ibang bansa ka sa sobrang ganda. Buti na lang may dala akong swimsuit, handang-handa. Masusulit ko na 'to hindi katulad nung University Trip.
Yuhoo! Davao wait mo kami.
A/N: Pearl Farm Beach Resort was once home to a pearl farm, where precious pearls were nurtured and cultivated as the ocean's most beautiful gems. Today, it is Samal Island's jewel; an exceptional destination just off the coast of the bustling Davao City.
BINABASA MO ANG
Falling For Her (Delmundo Siblings 1)
Novela Juvenil(UNDER MAJOR EDITING) ~Delmundo Siblings #1~ Maxine is a Clint Benedict University student. She is sweet and lovely, perhaps a beauty with a brain. Maxine is everyone's favorite because of her beauty and pure heart. Blake is Maxine's childhood frien...