Junior High School

11 0 0
                                    

Prologue..

They say what's the point of reminiscing, when you can't have what you've been missing?

But your love, my love,  still haunts me every day, and every night.

In memory of my bungoy..

I miss you.






YEAR 2012-2013

Chapter 1 - First Crush?

(Althea's POV)

Dear notepad,

             Can't believe it high school na ako bukas! Hindi ako excited -_- Feeling ko hindi ako bagay sa St. Matthew High School na yun. Ugh! -_- makatulog na nga! Goodnight notepad...

9:54 PM

Sunday, June 3, 2012


 Bago ako natulog, sumulat muna ako sa notepad ko, nakita nyo naman siguro diba? Ngayon maghahating gabi na, di parin ako makatulog!! Nakakabwesit!! First day of high school life ko pa naman bukas! Hays.. Oh, by the way I am Althea Franchesca S. Edrich, weird ng aplyedo ko no? May rich, pero hindi naman kami mayaman! Sakto lang ;D Siguro yung mapapangasawa ko mayaman! Bwahahahahhah XD Joke lang -_- 

Bukas mag ha-high school na ako, first year high school. Sinulat ko sa notepad ko kanina na hindi ako excited pero sa totoo lang super excited ako! Makikita ko kasi si DB; my first and last crush charot hahaha siya si Felix Andrew T. Cuizon! "DB" tawag ko sa kanya kasi "Dream Boy" hahahha laswa fren no? Matangkad si DB, tsaka maputi, ang cute ngumiti nakakakiliti, yung tipong nakaka star-struck, tsaka bes, parang anghel T_T tangna gwapo talaga bes eh hulog ng langit para sakin charot. Anyways alam ko kasing sa SMHS siya nag-aaral since elementary, eh ako sa Central School lang kaya long distance </3 Kaya nag e-expect din ako na sa SMHS sya mag ha-high school, or high school na ba talaga siya. Di ko alam eh matangkad kasi diko ma determine kung anong year na siya. Baka second year na or third year? O baka ga-graduate na? Huwag naman sana Lord :((

Hays, kaya siguro hindi ako makatulog, kakaisip sa kanya... bagay talaga kami eh alam nyu yun.. yung tipong ano eh bagay talaga eh hahahha. Hoy excuse me ha maganda ako, may tiwala ako sa aking sarili ;D Kaso natatakot akong magka love life so walang munang love life Althea ha! Crush lang! Crush crush crush crush DB   DB   DB    DB    DB  DB    DB  . . . . . . . . . . . . . . . . . . 


"Althea! Gumising kana dyan!! First day ngayon baka ma late ka!!"


Takteeee umaga na pala T.T kaya pala ang ingay na ni Lola T.T ilang oras lang ba ang tulog ko? Bwesit naman tong takteng buhay na to oh! Kainis inaantok pa ako T^T

"Althea!! Gigising ka ba jan o ako hihila sayo!?" Lola

"Oo na eto na nga eto na oh madam gising na oh diba gising na" ako

Bumangon na ako at dumiretso sa CR. Naligo ako tapos nagbihis, at kumain tsaka nag tooth brush. Kung tinatanong nyo kung bakit lola kasama ko hindi mama, eh nasa Vietnam eh. Doon sya nag teacher kasi mas malaki sweldo, tsaka tutor rin mama ko.  Parang typical na filipino family lang, yung pupunta ng ibang bansa ang mga magulang tapos sa lola o lolo iiwan ang mga anak. Mga ganun. Tsaka may kapatid rin ako, si Rhea Dennisse: grade 4 pa siya kaya sa Central School ka muna mag aral bes, hahahaheheh

I WillWhere stories live. Discover now