| Sold |
📜 Isabella Avery Brimner 📜
"Please Mr. Carson.
Don't do this, Im begging you Pauwiin niyo na po ako ".Nakaluhod kong pagmamakaawa kay Mr. Carson habang hinahawakan ng kanyang dalawang tauhan ang magkabilang braso ko at pinipilit na patayuin.
"Your dad should pay his debt. And you are his payment "
Walang ano mang bakas ng emosyon na makikita sa mukha niya habang sinasambit nito ang mga kataga ganun din ang mga mata nito.
" My dad cant do such thing to me. I know he wants me back so please let me go. I wanna go home. ".
Humagulhol ako ng iyak dahil parang kahit anong pagmamaka-awa ko di siya natitinag. I feel hopeless.
16 years old palang ako at nararanasan ko na eto. Yung mapayapa ka pang nakahiga sa kama mo then bigla kang pinatawag sa ilalim at straight to the point na sasabihan ka na.
" Im selling you my daughter".
Oh! Diba ansaklap na surprise ako ng sobra dun Grabe. Di nga ako naka-pagreact ng hinila na ako ng mga langyang bodyguards ni Mr. Carson.
" Bring her upstairs. Alam niyo na kung saan ang kwarto niya ". Utos neto sa mga maids.
Dahil wala na din akong magawa at kahit anung protesta ang gawin ko, di ako makakawala. Kaya nagpakaladkad nalang ako pataas ayaw ko magsayang ng force ano.
Habang naglalakad kami ng maids di ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung favorite color ba ni Mr. Carson ang black, all black kasi lahat ng makikita ko dito pati uniforms ng mga maids na parang sa mga anime black din.
Nakaabot na kami sa taas. Ngayon ko lang na realize na malaki pala tong mansyon nila, Victorian style.
" Completo na po ang gamit niyo sa loob Young Mistress"
Magalang na saad ng isang maid.
Nag-bow muna sila atsaka ako iniwan.Young Mistress? Pwedi na din.
Feeling senyorita ako dito.Nilibot ko muna ang buong kwarto at isa-isang binuksan ang ang cabinet pati ang walk-in closet na puro gothic dress ang laman. May plano ba na gawin akong cosplayer ni Mr. Carson
well ok lang gusto ko din naman.Gaya ng sa labas gothic themed din dito kaya siguro sobrang puti ni Mr. Carson kasi saradong sarado ang mga bintano natatakpan pa ng makakapal na mga curtains.
Sobrang laki ng kwarto na to. Napa-upo muna ako sa Velvet colored queen size water bed at nag-muni muni.
" Totoo kayang ibenenta ako ni Daddy kay Mr. Carson. Malamang echos niya lang sakin to April ngayon siguro nakikiuso sa yun. He cant fool me. Pero uwaaaah kainis siya how can he do this to me panu kung.... Panu kung totoo nga huhuhu"
Sinipa-sipa ko yung bedsheet pero tumayo din naman ako at inayos pabalik. Nagmumukha na akong baliw dito, kainis mag-isip kong joke lang ba ni Daddy to or talagang totoo.
Siguro matutulog na lang ako para pagkagising ko baka andito na si Daddy at iuwi na ako.
--
Naalimpungutan ako,dahil sa sobrang gutom. Di pa pala ako nakakain kinidnap lang nila ako pero di manlang ako pakakainin. Di naman yata tama yun.
Medyo naka-move on na din ako. Siguro kukunin din ako pabalik ni Dad. Mahal ako nun eh!
" Gutom na talaga ako!!! Wala nang atrasan to I'll invade their kitchen ". Sambit ko sa sarili.
Hinay-hinay akong lumabas sa kwarto, timing namang walang bantay. Pero ang problema ko ngayun is .....
Di ko alam kung saan ang daan papuntang kusina
Paktay.Sobrang laki kase ng bahay. Tinahak ko nalang yung right side.
Utakan lang kase to. Logic kung baga pag-gusto mong pumunta sa pupuntahan mo ng 100% na makakarating ka talaga edi sa RIGHT ka pumunta.
Ok KorniHabang naglalakad ako sa hallway marami akong paintings na nakikita.
Pero sa kadulu-duluhan na painting ang gumulat sakin."Ako ba toh? "
Di naman sa assumera or feelingera pero kamukha ko talaga pero mas mahaba at maalon lang ang buhok ng sa painting.
Hahawakan ko na sana ang painting na kamukhang-kamukha ko but a cold voice interrupt.
" Who are you? ".
Napa-igtad ako ng di-oras. Katakot naman kase ng atmosphere dito tapos manggugulat siya bigla.
"Waaaa! Nakaka gulat kanaman! "
Bulyaw ko dito habang hawak-hawak ang aking dibdib.
"Im asking you. Who are you? Are you a mortal? "
Jusq! Katakot naman nitong magtanong pero bakit gwapo siya sinalo ba niya lahat nong nagpaulan si Lord.
Gusto niyo bang idescribe ko?
Sege mapelet keye eh.Jeje.
Mataas sya at soooobrang puti seryoso inubos ba niya yung foundation ng mommy niya. His eyes is icy gray that you'll surely struck when he'll look at you.
Napa-english pa ako.
Nakasuot sya ng gray V neck shirt at boxshorts O_OLuhh! Na t-tempt ako.
"A-ah wala lang ako rito Hihi ". Nautal kong sambit nanjejelly na po yung tuhod ko, pilit ko pang di mapunta ang mga sinful eyes ko sa kanyang t**t.
"(Smirks) stupid human, I can feel your fear from here".
Oo fear. Fear that I can't hold myself at ma-rape kita ng di-oras dito. Hihi
Malandi na ba ako?
Teka mapagtanungan nga ang isang to.
" Mr. Cold ayyyy este Sir!!! Asan po pala ang daan papuntang kusina. Kanina pa kasi ako nagugutom".
Tanong ko sakanya.
Bahagya pa siyang napatawa dahil dun. Isama mo pa tong traidor kong tiyan at mga bulate sa loob nag-iingay.
" Follow me"
Nagsimula na siyang lumakad kaya sumunod din ako.
Yung tungkol sa painting pala." Sir, sino po ba yung sa painting kanina? Medyo kamukha ko po kase,pero wala naman akong naalala na naging model ako sa mga ganun"
Napahinto siya sa tanong ko at malamig na tumitig sakin.
Err?" Nevermind that. Isipin mo nalang na hindi mo yun nakita"
Napa-oo nalang ako.
Bakit kaya ayaw niya sabihin, ewan basta ang importante makakain na din ako.[ EDITED ]
Baekhyunee_Harteu
Copyright™
BINABASA MO ANG
Sold To A Vampire [ INCOMPLETE ]
Vampiri📜 Isabella Avery Brimner 📜 Was sold to a Vampire Family by her father. Unlocking all the secrets within her and becoming the bride of the Vampire Prince