EPISODE ONE (1)

2 0 0
                                    

NARRATOR'S POV

"LIGHT STATE UNIVERSITY" Basa ni Tanya sa pangalan ng school na papasukan nya.

Sa pagbasa nya ng pangalan ay bigla naman syang kinabahan.

RELAX lang Tanya. 'Di ka kakainin ng tao dyan.
Dapat taas noo lang. Wag titingin sa baba wag titignan ang mga tao!  - Ani Tanya sa sarili

Tama! *tango* Tama! *tango*

Dapat 'confidently with a beautiful heart' ako. -Ani nya uli sa sarili at nagsimula ng maglakad na taas noo.

Syempre bago makapasok sa school dadaan muna sa guard.

"Hi kuya!  Good morning!" Bati nya sa guard.

"Good murning din pati!" Balik bati ng gwardya sa kanya.

Kinuha ni Tanya ang I.d nya at ini-slide nya sa machine.
Nag green ito, ibig sabihin ay pede na syang makapasok.

May ibinigay ang guard na papel.

"Ano po ito?" Takang tanong nya sa guard.

"Papil pati" sagot ng guard. Jusmeyo pati guard pilosopo-,-

"Eh? Ano pong gagawin ko sa papel na ito?" Tanong nya uli.

"Basahin mo pati" -guard.

Sinunod nya ang utos ng guard at binasa nya. Pagkatapos basahin ay tinignan nya ang guard.

"Oh? Ano na pong gagawin ko?" Tanong nya sa guard. Tinigil ng guard ang pagbabasa at tinignan sya na parang naiirita na sa kanya.

Ang nakalagay kasi sa papel ay ang 'Rules and Regulation' ng L.S.U (Light State University), pero dahil nga sa tanga si Tanya, Hindi nya maintindihan kung bakit binigyan sya ng ganon nung guard.

"Kainin mo" sabi ng guard sa nakakairiting tono.

"Ahh" sabi ni Tanya.

AT DAHIL NGA SA TANGA SYA, ALAM NYO NA KUNG ANO ANG GINAWA NYA-,-

----------------------

TANYA'S POV

"OH? ANO na pong gagawin ko?" Tanong ko kay kuyang guard. Huminto si manong saka tumingin sa Akin. Nagtaka naman ako dahil sa tingin na binibigay nya.

Ibang tingin... Hindi ordinaryong tingin...
Hala!  Wag mong sabihin na--

"Kainin mo" pagputol nya sa naiisip ko at pag sagot nya sa tanong ko kanina.

Kakainin? Panong kakainin? Hindi naman ito pagkain ah? Haist kasali ba ito sa patakaran ng school? Haist wala naman akong nabasa ih. Haist hayaan na nga baka lag di ko sinunod ma kick out agad ako dito.

"Ahh" sagot ko kay manong saka pinunit punit ang papel. Napatingin sa Akin si manong na nagtataka.

"Anong? Bakit mo pinupunit yan?" Tanong ni manong pero di ko na sya pinansin at sinimulan ko ng kainin ang papel na ikinagulat ni manong.

"Anak naman ng! Bakit mo kinakain yan?!" Gulat na tanong ni manong na nagpahinto sa Akin. Tinignan ko sya ng kangtatanang-look. (Basahin nyo ng baliktadvpara maintindihan). Umayos ako ng tayo at pinakatitigan sya.

"Baliw kaba kuya?" Tanong ko. Nangunot naman ang noo nya.

"Ano? Ako? Baliw? *turo nya sa sarili nya at napailing iling* baliw" ani nya. Napatingin naman ako sa likod ko at andami ng tao-na nagpipigil ng tawa?

Tawa? Nagpipigil ng tawa?  Nanlaki naman ang aking mata. DON'T TELL ME--

"WAHHHHHHHHHHHH! MGA BALIW!" Sigaw ko.
Nataranta naman ang mga taong nasa paligid ko.

"Hoy! Pati! Tumigil ka!" Awat sa Akin ni manong guard. Kaya huminto ako.

"Ano bang pinagsasabi mo huh? Nakaka-iskandalo at nakaka-abala kana" gigil na sabi ni manong guard.

"Eh? Sabi nyo 'baliw' kaya tumingin ako sa likod at sila *tinuro ko yung mga taong nasa likod ko* nagpipigil sila ng tawa! Diba ang mga baliw tumatawa na Lang ng walang dahilan. Kaya tumili ako kasi baka mamaya mahawa ta--"

"Tumigil kana pati! Ikaw ang nagmumukhang baliw dahil sa mga ginagawa mo! Kung di ka ba naman kasi siraulo!" Sabi ni manong na gigil Pa din.

Siraulo? Sira ang ulo? Wahhh don't tell me, sira ang ulo ko? "Kinapa-kapa ang ulo* hala ano itong mahabang bukol na nasa ulo ko?  May malagkit! Wahhh don't tell me sira talaga ulo ko?!

"WAHHHHHH! HUHUHU! HUHUHU! SIRA ANG ULO KO! TULONG DAHIL NYO KO SA HOSPITAL! HUHUHU!" Napaupo na lang ako dahil sa takot at wala na akong nagawa kundi ang humagulgol ng humagulgol.

"HAHAHAHA!"

"TANGINA! SAKIT MO SA TYAN MISS! HAHAHAHA!"

"HAHAHAHA! ANG TANGA MO NAMAN! HAHAHAHA!"

Imbis na lapitan nila ako at tulungan ang narinig ko lang ay ang mga tawanan nila.

"WOAH! LODI NA KITA! HAHAHAHA!

"SAYANG GANDA MO MISS! HAHAHAHA!"

"PUTEK! KRASS NA SANA KITA KUNDI KA LANG TANGA EH! HAHAHAHAHA!"

Nakakaasar sila! Ayaw man lang nila akong tulungan! Isa Pa itong guard na ito! Hindi man lang ako tulungan! Hmph! Magrereklamo ako sa principal! Manda sila!

Tumayo na ako at pinunasan ang making mga luha at tinignan ng amasam-look ang mga taong nasa likod ko at inikutan ko ng mga mata.

Tumingin naman ako kay manong guard at binigyan sya ng lagot-ka-humanda-ka-look at inikutan ko din ng aking mga mata at pumasok na sa loob na taas noo Pa rin.
--------------------

#UnangKatangahan
#SanaNaGustuhanNyo
#LTsiTanya
#NoToAmag
#795words

Reyna Ng Katahangan [RNK] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon