Chapter 2

888 37 7
                                    

Baekhyun's Pov

Hindi na ako sumabay papasok ng opisina kay Kyungsoo, kasi gusto kong ma confirm kung tama ba ung hinala ko. Pupunta ako sa drug store para bumili ng pregnancy test. Wala naman mawawala kung susubukan ko eh. Kasi nabasa ko sa internet ung mga signs and symptoms ng isang buntis at lahat ng iyon ay nararanasan ko.

Pagdating ko sa drug store lumapit ako sa babaeng nasa counter.


"Miss may pregnancy test ba kayo?" Bago sumagot si ate tinignan nya ako. Nako baka akalain nya may jowa akong babae at para sa kanya to. "Inutusan kasi ako ng kapatid ko na bumili nito" palusot ko.

"Ano pong klaseng pregnancy test?"

"Kahit na anong brand. " binigyan nya ako ng pagpipilian mga 4 na piraso ng pregnancy test ang inilapag nya sa akin.


"Alin po dito?" Hindi ko naman alam kung ano ang magandang brand at ang sinabi ko na bibilhin ko lahat ng klase. 

Pagkatpos kong magpunta ng drug store pumasok na ako sa opisina at inilgay ko muna sa drawer  ko ung mga pregnancy test na binili ko. At nagsimula na ako mag trabaho.

Pag patak ng alas dose tamang tama at lunch break nilapitan ako ni Luhan at ni Kyungsoo para sabay sabay kami mag lunch. Pero pinauna ko na sila sa canteen. At nag tungo ako sa bathroom tamang tama naiihi na rin ako kaya nilabas ko na yung mga pregnancy test na binili ko at pinatakan ko ito ng ihi. Mga ilang minuto lang at lumabas ang resulta.

Dalawang guhit ibig sabihin buntis ako.. Patay kang bata ka. Paano ko sasabihin sa nanay ko ito at mas lalo kay sir Chanyeol. Bakit kasi nagpadala ako sa init ng katawan huhuhu....

After kong mag pregnancy test dumeretso ako sa canteen at umupo sa tabi ni Luhan.

"Buti naman at dumating ka na baket ang tagal mo mag cr?"sabi ni Kyungsoo

Gusto kong maiyak sa harapan nila pero di ko magawa. Unang una ang daming tao dito nakakahiya ngumawa. Pangalawa baka pag sinabi ko sa kanila may makarinig sa amin.

"Hay nako Kyungsoo pabayaan mo na yan si Baekhyun. Oh eto kumaen ka na ilang minuto na lang at matatapos na yung lunch break" binigyan naman ako ni Luhan ng favorite kong pork steak kaso parang ang sama ng amoy naduduwal ako at agad agad akong nagpunta sa cr. Ramdam ko na sumunod ung dalawa sa akin.

Nagduduwal ako sa may sink habang  hinahagod ni Luhan ung likod ko.

"Bakla anung nanyari sayo baket ka nagsuka? Masama ba pakiramdam mo? May nakaen ka ba?" Tanung sa akin ni Kyungsoo.


Sinara ko naman ung gripo at nagtungo sa may pinto upang ilock iyon,tinignan ko din kung may ibang tao bukod sa amin sa loob. At nang makasiguro akong wala saka ako napasandal sa pader at umiyak. Agad naman silang lumapit sa akin at niyakap

"Baekhyun what happen? May sakit ka ba? Gusto mong dalhin ka namin sa clinic?" Sabi sa akin ni Luhan

Hindi ko na kaya kailangan ko nang sabihin tong problema ko.


"Buntis ako...."


"WHAT?!?!" Sabay nilang tanong sa akin. Pinakita ko ung mga pregnancy test na ginamit ko.

"Teka teka paanong nangyari yun? At saka sino ang ama?" Takang tanong ni Kyungsoo sa akin.  At kinuwento ko ko ung nangyari sa amin ni Mr. Park last 2 weeks ago.


"Anong gagawin ko? Natatakot ako?"


"Wag kang matakot isipin mo na lang na may anghel sa tyan mo. Diba mahilig ka naman sa bata" sabi ni Luhan


"Oo nga bes blessing yang batang yan. "


"Pero paano ko sasabihin kay mama at lalo na kay Mr. Park na buntis ako. Baka hindi nya matanggap kasi ganito itsura ko."


"Dapat niyang malaman yan. Anak din nya yan"

"Paano kung di nya tanggapin?"


"Bakit di mo muna sabihin sa kanya wag ka muna mag conclude. Kung di man nya tanggapin kaya mo naman na palakihin yung bata andito kame ni Luhan para tulungan ka. Simula pagkabata magkaibgan na tayo at nagtutulungan sa panahon na may nahihirapan sa atin diba. Ang mahalaga nainform mo si Mr. PARK na may anak kayo diba?"

Tama si Kyungsoo. Pero di ko alam kung paano ito sasabihin sa kanya. Natatakot ako.


"Maraming salamat sa inyong dalawa. Kung wala kayo di ko alam ang gagawin ko."

Chanyeol's POV

"Chanyeol apo mukhang di ko na nakikita na pumupunta dito sa bahay si Nana may problema ba kayo?" Halos maibuga ko ung iniinom ko kumakaen  kame ni mamita suho ng dinner.

"We broke up 2 weeks ago mamita."

"What? What happen?" Kinuwento ko ung nangyari sa amin ni Nana



Flashback

I received a txt from Nana na mag kita kame sa may restaurant malapit sa company. May misunderstanding kasi kame.


"Good evening sir." Bati sa akin ng isang emplyado na nakasabay ko sa elevator. Tumango lang ako at bumalik ung atensyon ko sa cp. Pag kabukas ng elevator pumasok ako agad sa kotse at pinaharurot.


Pagdating ko sa restaurant na sinabi ni Nana nakita ko sa sa isang sulok ng restaurant. Niyakap ko sya mula sa likodan pero laking gulat ko ng inalis nya ito. Umupo ako sa kanyang harapan at binigay yung  roses na binili ko.

"Kanina ka pa ba babe, tara order n…" 

"Lets breakup CHAN"

"What?"

"Mag break na tayo"

"Why? Dahil ba ito sa tampuhan naten last week?? Iam sorry babe. Please wag mo naman gawin to sa akin. Kung may problema ayusin naten."

"Hindi na ako masaya Chan. Isa pa pangarap kong pumunta ng paris para sa modeling career ko. At alam ko hindi mo ako papayagan na magpunta doon."


"Kung yun ang gusto mo sige sasamahan kita sa Paris para tupadin yung pangarap mo:"

"Hindi yun kadali Chan. Paano yung company ng lola mo diba ikaw ang magmamanage nun? Ang for sure pipigilan ka ng lola mo. Ayaw ko naman na mag LDR tayo di ko kaya."

"So eto yung nakita mong solusyon ang mag break tayo. Please Nana don't do this" hinawakan ko yung kamay niya.

"Oo Chanyeol. Dahil etong relasyon na ito ang sagabal sa pangarap ko." Tumayo sya at umalis ng restaurant at naiwan akong umiiyak. For almost 5 years minahal ko siya pero mapupunta din sa wala ng iyon.

And that night nagpakalasing ako at may naka one night stand na ang akala ko ay si Nana.




Present....

"Im sorry to heared that. Pero Chanyeol matanda na ako gusto kong makita yung magiging apo ko sa tuhod.  And our family need a heir. Para di mawala yung kumpanya na pinaghirapan ng lolo kris niyo na tinayo. Alam mo naman ung usapan ng mga elders. If you want i seset up kita ng date sa mga apo ng mga amiga ko."

"its okay mamita. Alam ko naman po yun hindi ko nakakalimutan.  "

"So you better to do something apo."

"Yes po mamita."

……………………………………………

To be continued.......

Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon