Chapter 24

653 32 3
                                    

Chanyeol's Pov



"Baekhyun?" Laking gulat ko ng makita ko na nasa harapan ko si Baek at umiiyak to.




"Sino sya?" Tanung ni Nana




"Nana siya si..." pero di pa ako tapos magsalita ng magpakilala si Baekhyun.




"PARK BAEKHYUN.... ASAWA NG LALAKING KASAMA MO. " halata sa boses nya ang galit. Pinunasan nya yung luha sa mga mata nya.




"Oh hi im Nana... Chanyeol's ..."




"Ex-girlfriend right?" Ngumiti lang si Nana bilang pag sang ayon




"And you are?" Tanong ni Nana kay Kasper. Teka bakit magkasama silang dalawa.




"I'm Kasper... Baekhyun's friend..."




"Nice meeting you too. Join us."






"Nako wag na baka maistorbo namin kayo." Sabi ni Kasper
Pero biglang umupo si Baekhyun




"Dito na lang tayo kumaen Kasper. Gusto kong makilala si Nana. "At umupo silang dalawa. Tahimik lang kami at ng dumating yung pagkain saka lang nabasag yung katahimikan.




"Love... Try..."





"LOVE????" Tanong ni Baekhyun




"Sorry nasanay lang ako na tawagin sya ng ganun. Iba na pala yung sitwasyon ngayon."





"Buti alam mo." ramdam ko yung tensyon sa kanilang dalawa.




"Tara kain na lang tayo." Pagkasabi ko nun parehas silang may ilalagay sa plato ko. Yung kay Nana carbonara samantalang yung ilalagay ni Baek yung spicy noodles.





"Ay Baekhyun di kumakaen si Chanyeol ng spicy foods. Hate nya yun. Etong carbonara eto yung gusto nya diba Chanyeol?" Wala na akong nagawa kasi nilagay na ni Nana yung carbonara sa plato ko.






"Baekhyun akin na lang yan favorite ko yan." Sabi ng epal na si Kasper.


Maya maya dumating na yung wine na inorder namin. Sinalinan ako ng wine sa baso ni Baekhyun. Pero pinigilan akong inumin ito ni Nana.



"Dont drink that may peaches na ingridents tong wine baka atakihin ka ng allergy mo."






Baekhyun's Pov




"Dont drink that may peaches na ingridents tong wine baka atakihin ka ng allergy mo."





"Allergy??"





"My God di mo alam? Chanyeol di mo sinabi sa asawa mo?" hindi na lang ako sumagot.




"Hindi naman importante yun eh.  Ang mahalaga inaalagaan akong mabuti ng Asawa ko." Sabay hawak sa kamay ko.




"Alam mo ba Baekhyun dati nakainom si Chanyeol na may peaches namula buong katawan nya. Magang maga yung mukha nya para syang si Jolibee sa taba ng mukha nya hahaha"





"Eh hindi ko naman alam na may halong peaches yun. Dapat sinabi mo hahaha kaya dati ang tawag sa akin ng mga kabarkada namin eh Jolibee...." At nag patuloy lang sila sa pagbabalik tanaw sa nakaraan nila. Parang walang ibang tao silang kasama.





"Excuse me...." Nagpunta ako sa cr at dun ko binuhos yung luha na kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko.






"Ok ka lang?" Biglang sumulpot si Kasper sa tabi ko. Di ako sumagot at umiyak na lang sa balikat nya.






Mga ilang sandali lang at nagbalik na kami sa lamesa. Pero di na maganda yung pakiramdam ko gusto ko nang umuwi.







"Uuwi na ko."






"Hatid na kita "offer ni Kasper





"Bakit ikaw ang mag hahatid?" Inis na tanong ni Chanyeol






"Si Kasper na lang ang maghahatid sa akin. Mukhang marami pa kayong paguusapan. Alam nyo na catching up. Mga balik tanaw sa mga nakaraan. Tara na Kasper"
Paalis na ko ng hawakan ni Chanyeol yung kamay ko.





"Uuwi na tayong dalawa sa BAHAY NATIN. " at tumayo na sya at hinila ako palabas ng cafe.





"Aray ko. Nasasakatan ako!!" Sigaw ko binitawan naman nya yung braso ko at sumakay na ako sa sasakyan. Buong byahe pauwi sa amin tahimik lang ako. Ayoko na kausapin sya baka kung anu pa ang masabi ko. Hahawakan nya sana yung kamay ko habang nagdridrive pero iniaalis ko ito.  Kinuha ko yung cp ko para tawagan si Kasper para sabihin na kukunin ko yung mga pinamili ko.



"Ako na ang kukuha ng mga grocery kay Kasper bukas."


"Bahala ka."




"Babe sorry. " pero di ko sya pinansin bagkus tinuon ko na lang yung tingin ko sa labas. Hanggang sa makatulog ako sa pagod ngayong araw na ito. Maya maya may humahalik sa lips ko. Pagkamulat ko si Chanyeol pala. Pero imbes na matuwa ako mas lalo pa akong nainis. Kaya dali dali akong inialis yung seatbelt at umakyat sa taas. Pagkatapos ko maligo at makapagpalit ng pantulog humiga na ko sa kama at nagtakip ng kumot. Alam kong pumasok sya sa kwarto at nag punta sa cr. Maya maya narinig ko yung pagsarado ng pinto ng cr at tumabi na sya sa akin. Niyakap nya ako pero inialis ko yung kamay niya sa pagkakayakap sa akin.



"Ano ba! Di mo talaga ako kakausapin!? " at sya pa ang may ganang magalit. Dahil sa inis ko hinarap ko sya.





"Anong gusto mong sabihin ko?"





"Kung ano yang nasa loob mo. At bakit kasama mo kanina yung Kaspes na yun?"






"Alam mo kung bakit??? Kasi yung magaling kong asawa may ibang ginagawa! May ibang kasama."





"Nagkita lang kami ni Nana for old time sake."





"For old time sake??? Wow halos nakalimutan mo na may asawa ka. Di mo man lang naisip yung mararamdaman ko. Ang sakit sakit na makita mo yung asawa mo kasama yung ex nya." Hindi ko na kinaya nag break down na ko. Niyakap nya ako pero pinagsusuntok sya.




"Im sorry babe.. Sorry kung naramdaman mo yun. Si Nana bahagi na ng past ko yun pero ikaw at si little peanut kayo na ang present and future ko. "




Nanghina na ako sa pagsuntok sa kanya at niyakap sya. Pag dating sa kanya nanghihina ako. Mahal na mahal ko tong lalaking to. Sya ang buhay ko.





"Bati na tayo?" Tanong nya habang pinupunasan yung mga luha ko. Tumango ako bilang pag sang ayon at hinalikan nya ako sa labi. 




Pag mahal mo talaga ang isang tao nagiging tanga ka o nagiging martir. Bahala na ang mahalaga mahal namin ang isa't isa.


Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon