Chapter 22

663 35 4
                                    

Luhan's Pov

Nanginginig ako habang nasa byahe ako papunta sa ospital. Tumawag yung pangalawang kapatid ko para ipaalam na nasagasaan yung bunso naming kapatid. 5 years old lang sya. Actually anak ako sa unang asawa ni mama. Chinese yung papa ko kaya Xi ang apelydo ko. Masagana yung buhay namin dati kaso nagkamalas malas nung naaksidente si papa. Bumagsak yung kumpanya na tinayo nya at nagkabaon baon sa utang. Kaya ang ginawa namin ni mama lumipat dito sa Pilipinas. At di kalaunan nakapag asawa sya ulit pero Pilipino na. Mabait naman ung stepfather ko nung una pero di nagtagal nag loko. Nagkaroon ng kabit at iniwan kami. Di nakayanan ni mama yung matinding sakit at na depress sya. Kaya nagpakamatay sya. 3 mos palang yung bunso namin nung mga panahon na yun. And im only 15 that time.

Hirap na hirap akong pagsabayin lahat. Ang pag aaral, pagtratrabaho at pag aalaga sa mga kapatid ko. Pasalamat ako sa Diyos at di pasaway yung mga kapatid ko. Napaka bait nila. Matagal akong natigil sa pag aaral nag focus ako sa pag tratrabaho at pag aalaga sa mga kapatid ko. Ng medyo lumaki laki na yung pangalawang kapatid ko nag aral ulit ako. At sa awa naman ng Diyos nakatapos ako at nagkaroon ng magandang trabaho.

Nagpapasalamat ako at biniyayaan ako ng matulungin na mga kaibigan. Sila yung tumulong sa akin para makapag aral ako. Sa isang apartment kami tumira syempre kasama ko yung mga kapatid ko. Pero nung nagpakasal si Baekhyun bumalik kami sa dati naming bahay.

Kaya hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala isa sa mga kapatid ko. Sila ang yaman ko. Kaya kinabahan ako ng sabihin sa akin na nasagasaan yung bunso kong kapatid.
Pagdating ko ng emergency room sinalubong ako ng kapatid kong babae.

"Yeri nasaan si Mark? Ok lang ba siya?" At nagtungo kami kung nasaan si Mark. May cast yung kanang binti nya.

"Mark ayos ka na? Masakit pa?"

"Hindi na po hyung. Im strong."

"Ikaw wag mo nang gawin yun ah wag kang basta basta tumatawid. Pinag alala mo ako, alam mo naman na mahal ko kayong dalawa."

"Sorry hyung hindi na po mauulet."

"Teka nahuli ba yung sumagasa kay Mark?"

"Hindi pa po kuya. Pero nakuha namin ung plate number nya."

"Sino ang nagdala sa inyo dito sa ospital?"

"Si kuya pogi"sambit ni Mark

"Huh? Sinong kuyang pogi?"

"Sya..." Sabay turo sa lalaki na kausap ng doktor. Laking gulat ko kung sino yung lalaking yun. Walang iba kundi si Mr. Oh Sehun.

"Teka dyan muna kayo ah pupuntahan ko muna sa para makapag pasalamat."

Habang palapit ako kinakabahan ako. Crush ko kasi si Mr. Oh.

"Excuse me Mr. Oh"

"Ow Mr. Xi? Ikaw ba yan?" My gwad kilala pa rin nya ako.

"Opo ako nga po."

"Bakit ka andito? May dinadalaw ka bang pasyente dito?"

"Ako po yung kapatid ng inihatid nyo na nasagasaan."

"Ah si Mark. Teka bakit di kayo magka apelido?"

"Magkaiba po kami ng tatay."

"I see. Ok na sya, may bali yung binti nya pero naka casts na yun at ilang linggo lang magiging ok na sya. Kinausap ko na yung doktor kanina."

"Naku maraming maraming salamat po. Tatanawin kong utang na loob yun. Yung mga kapatid ko kasi ang tanging yaman ko sa mundong ito. Di ko alam ang gagawin kung mawala isa sa kanila."

"Napakaswerte naman ng kapatid mo sa iyo."

"Wala na kasi kaming magulang kaya ako na ang tumatayong ama't ina sa kanila. Teka po babayaran ko na muna yung bill dito." Paalis na ako ng hatakin nya ako pabalik kasi may dumaan na pasyenteng nakawheelchair. Kaya napayakap sya sa akin. Amoy na amoy ko yung manly scent nya.

"Ok ka lang Mr. Xi?"

"Opo salamat."

"Yung tungkol sa bill wag ka nang mag alala. Na ayos ko na yun kanina. "

"Hala malaking abala na po yung nagawa namin sa inyo. Babayaran ko na lang po yung bill sa inyo."

"Wag na ok na yun. Besides ako naman ang may ari ng ospital na to kaya ok lang. Libre na yun" nagulat ako ng sabihin nyang sya ang may ari ng ospital na to. Ganun sya kayaman.

"Pero....."

"Walang pero pero mr. Xi ang mahalaga ay ok na yung kapatid mo. Pwede mo na syang iuwi."

"Salamat po talaga." Sabay kami pumunta sa puwesto ng kapatid ko.

"Pagaling ka ha Mark" sabay tap sa ulo ni Mark

"Salamat po kuya pogi." At ilang sandali lang at nagpaalam na kami kay Mr. Oh

Pagkalabas namin ng ospital di kami maka book sa grab. Di din kami makakuha ng taxi di naman pwedeng isakay sa jeep si Mark dahil naka casts yung paa nya. Paano kaya kami makakauwi nito.

Maya maya may pumaradang sasakyan sa harap namin at ng bumaba yung bintana si Mr. OH pala

"Hi po kuya Pogi." Masayang bati ni Mark

"Halika na hatid ko nalang kayo."

"Nako wag na po. Makakahanap din po kame ng taxi."

"Mahirap makahanap ng taxi at grab ngayon malakas ang ulan. At saka mahihirapan kayo sa sitwasyon ni Mark."

"Sige na kuya. Kanina pa tayo dito nag aabangang eh. Baka gusto na magpahinga ni Mark." Sabi ni Yerin.Sana nga. PAra sa kapatid ko.

"Sige na po." Kaya  lumabas si Mr. Oh para tulungan na buhatin si Mark. Sa harap na ako sumakay. Kasi magmumukhang driver namin si Mr. Oh pag sa likod pa ako naupo.

"Okay na ba ang lahat?"

"Opo."

"Paturo na lang saan ang bahay nyo." Tumango bilang pag sangayon.

Medyo traffic sa dinaanan namin kaya pagkalipas ng 1 hour nakarating na kami sa aming lugar. Pero habang palapit kami sa bahay namin may mga lalaking nag lalabas ng gamit namin kaya dali dali akong lumabas ng sasakyan.

"Teka teka sino kayo?? Bakit nyo kinukuha yung mga gamit namin? Teka..." Mukhang di nila ako naririnig at patuloy pa din sila sa pag buhat palabas ng bahay namin. Habang pinipigil ko yung isang lalaki nasanggi nya ako. Akala ko matutumba ako pero isang matipunong dibdib at mga matitigas na braso ang sumalo sa akin. Pag angat ng mukha ko si Mr. OH pala ang sumalo sa akin.

"Okay ka lang?" Tanung nya sa akin.

"Hoy Luhan!!" Isang nakakarinding boses ang tumatawag sa akin yung landlady ko.

"Aling Taeyeon naman bakit nyo naman pinahakot yung mga gamit namin."

"Malamang Luhan apat na buwan na kayong di nakakabayad ng bahay at may karapatan ako na paalisin kayo."

"Diba po ang sabi ko babayaran kita ngayong katapusan?"

"Nako matagal pa yung katapusan kailangan ko na ng pera kaya may uupa na dito simula bukas at bayad na yun. Kaya umalis na kayo dito."

"Saan kami titira ngayon."

"Aba ewan ko sa inyo bahala kayo dyan." At umalis na sya. Napaupo na lang ako sa sulok at naiyak. At lumapit sa akin si Yeri akay akay si mark

"Kuya paano na yan saan tayo titira?" Wala akong maisip na paraan. Di naman kami pwede dun sa dati naming dorm nila Kyungsoo kasi naibenta na ng may ari yun. Di naman kami pwede makitira kayla Baekhyun nakakahiya kay Mr. PARK. Naiyak na lang ako sa problemang hinaharap namin.

"LIVE WITH ME.." Sabi ni Mr. OH.

Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon