Ynah's Pov
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang magandang bahay. Hindi na nga ito bahay e, mansion na. Ito na siguro yung sinasabi ni gago na magiging bahay namin. Magandang tirhan ang bahay na 'to pero hindi ko nakikita ang sarili ko na dito nakatira at hindi siya ang nakikita kong mapapangasawa ko.
"Nagustuhan mo ba yung magiging bahay natin?"
Lumapit ako sa kanya at pinulupot ang braso ko sa leeg niya. "Sobrang ganda." At sabay binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
Yuck Ynah! Hindi ko talaga masikmura yung ginagawa ko ngayon.
Nakareceive ako ng message kay Farrah. Okay na daw ang lahat. Pasimple akong nagreply sa message habang busying busy si Jun sa pagpapasok ng maleta.
"Ahm, Jun?" Kailangan ng simulan ang plano.
"Yes?" Mabilis niyang sagot sakin.
"Pwede bang magikot ikot muna tayo? Kahit sandali lang, please?" Tangina nandidiri na ako sa pagpapacute na ginagawa ko.
"Sure, basta ikaw." Sabay kindat saakin.
Nang makalabas kami ay natanaw ko na yung sasakyan nila Farrah at ambulansiya sa di kalayuan. Mukhang hindi naman napapansin ni Jun kaya sinasabayan ko nalang yung trip niya.
Actually ideal boyfriend sana 'to si Jun e. Gwapo siya, mas gwapo pa kay Hoseok. Matalino, mayaman, mabait (kapag nasa katinuan) except nga lang sa pagiging psycho niya kaya it's a no no.
~*~
Nakareceive uli ako ng message kay Farrah. This time ang sabi niya sa text is ready na. Kami nalang ang hinihintay. Pasimple uli akong nagreply.
[Through message]
Farrah: nasan na kayo bi?
Farrah: ready na lahat dito sa bahay niyo kuno
Farrah: kayo nalang kulang
Ynah: pabalik na kami
Farrah: sige, mag ingat ka ah
"Jun, uwi na tayo. Bigla akong nahilo, e."
"Sige, tara na." Nauna na siyang maglakad saakin. Kanina ang sweet sweet, bipolar amp.
Malapit lang naman yung pinuntahan namin kaya makakarating agad kami sa bahay.
Hindi ata nangungulit si gagong Jun, ah. Bahala nga siya diyan, binubugnot ata si gago.
Tiningnan ko uli yung nakaparadang sasakyan. Mukhang wala tao sa loob, andon na nga ata sa bahay.
Laking gulat ko ng hablutin ni Jun ang buhok ko.
"Kanina pa kita napapansin na tingin ka ng tingin diyan sa kotse na yan! Akala mo hindi ko napapansin 'no?! Sino bang andiyan, huh?! Yung tarantado mong boyfriend?!" Shit!
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo!" Lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa buhok ko habang hila hila parin papunta sa bahay.
"Bitawan mo nga ako! M-masakit Jun!" Hindi naman ganon kasakit. Kailangan ko lang talaga umacting.
"Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ako sinasaktan?!" Syempre kailangan na natin careerin 'to. Binitawan niya ang buhok at hinawakan sa pisngi.
"I-im sorry. Baka kasi iwan mo ako, e. Natatakot lang ako, Ynah." Oh diba, galing ko umacting. Sandali siyang nanahimik.
"Hindi! Hindi niya ako iiwan! Akin lang siya!" Bigla siyang nagsisisigaw. Baliw talaga amp.
Sinampal niya ako ng pagkalakas lakas. "Akin ka lang, tandaan mo yan!" Aba't gago 'to, ah. Namumuro na siya sa pananakit saakin! Gantihan ko 'to, e!
Mahigpit niyang hinawakan yung braso ko papunta sa bahay niya. Tiis lang, Ynah. Matatapos na rin 'to.
Pagkapasok namin ay sumalubong saamin ang maraming nurse.
"Gotcha." Sabay suntok sa kanya.
Mabilis siyang nahawakan ng mga nurse.
"Anong nangyari sayo?! Bakit may dugo yang labi mo?!" Nginuso ko yung deriksyon ni Jun.
"Gago ka talaga, Jun!" Sinampal niya si Jun. Serves him right.
"A-akala ko ba mahal mo ako, Faye?!" Baliw na nga si gago. Si Faye naman uli ngayon.
"Paki dala na po yan. Masyado nang maraming napeperwisyo." Binitbit na siya ng mga nurse.
Sigaw lang ng sigaw si gago ng 'Mae, mahal kita' habang bitbit bitbit siya, kaya no choice yung mga nurse kundi turukan ng pampatulog.
Seriously, si Mae naman ngayon? Malala na talaga yung sapak niya.
"Tara na?" Aya ko sa kanila.
Wala na si, Jun. Wala ng manggugulo samin ni Hoseok. Ang problema na nga lang pano ko ieexplain kay Hoseok 'tong nangyari.
—
Yehet wala na si Jun!
BINABASA MO ANG
stalker | jung hoseok
Fiksi Penggemar+ Hoseok just chatted you, ❝Ngayon lang ako nagka-lakas ng loob na sabihin sayo 'to. Ang ganda ganda mo.❞ bangtanga series #4• highest rank achieved: #48 in short story• started: 092217• status: completed• Copyright © 2017 by wonhaemonie All rights...