Chapter 1: Meet the Brat

33 1 4
                                    

Avery's Point of View

"Give that freaking dress to me." Madiin kong sabi sa mukhang gorilla na nasa harapan ko ngayon.

"I saw it first! Ako rin unang kumuha!" Naiinis na sagot ng gorilla sa akin. Yes, siya nga unang nakakita at kumuha pero I want this dress so it's mine.

"Yeah right, ikaw nga una pero bagay mo ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya, mas lalo naman siyang nainis at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa hanger ng damit.

"Bitch!" Akmang sasabunutan na niya ako pero may dumating na guard at pumagitna na sa amin. Maya-maya dumating rin ang manager ng boutique kung nasaan ako ngayon.

"What's happening here? I hope we can fix this as soon as possible, Ma'am." Mahinahon na sabi sa amin ng manager.

"I saw this dress first at gusto niyang agawin!" Pagsusumbong ng gorilla. Tsk, parang bata mukha namang matanda.

"Ma'am, I'm sorry to say but it is her right to get the dress since siya po ang unang kumuha. Pwede pa naman po kayong tumingin sa ibang items namin. That's the last stock rin po kasi." Sabi ng manager, napairap nalang ako sa sinabi niya.

"I'm just concern." Tipid na sabi ko na ipinagtaka naman ng gorilla.

"Concern for what?" Tanong ni gorilla.

"Concern sa brand nila at sa limited item na hawak mo. Baka kasi sabihin ng mga makakakita sa'yo habang suot mo yan, hindi na magaganda ang inilalabas ng brand na 'to at mukha ng cheap." Sabi ko at ngumiti para mas lalo siyang mainis.

"You bitch! You deserve this!" Lintanya niya at sinabuyan ako ng juice sa mukha. It made me laugh, lumapit naman sa akin ang PA ko at inabutan ako ng tissue.

"Kilalanin mo sinong binubunggo mo." Taas noong sabi sa akin ng gorilla, ngumiti na lang ako ng matamis sa kanya.

"Ok fine, I'm sorry for what I said a while ago. Give me the dress you love, I'll pay for it as an apology gift." Narinig ko namang napasinghap na si Allison, ang PA ko. Maybe because I said sorry?

"Huh! Baka naman itakbo mo lang yan?" Tanong pa niya. I'm not that desperate though.

"I promise, I won't. Sumama ka pa sa cashier kung gusto mo." Agad naman niyang inabot sa akin pero tinignan ko lang ito, nagets naman agad ni Allison kaya kinuha na niya ito. Duh? Hinawakan na ng matagal 'yon ng isang gorilla kaya for sure maraming germs na ang kumapit.

Naglakad ako papunta sa cashier with confidence at napangiti ako pagdating na pagdating doon. Binayaran ko ito at inabot naman ito sa akin ng cashier.

"May I borrow your scissors? Aalisin ko lang yung tag." Nakangiti kong sabi at ipinahiram naman ito ng cashier. Agad kong kinuha ang damit na nasa paper bag at laking gulat ng cashier ng hindi lang tag ang ginupit ko kung hindi yung damit mismo.

"What the hell!" Lumapit sa akin ang babaeng gorilla at gulat na gulat sa ginawa ko sa damit.

"Bitch ka talaga! Rot in hell!" Galit na galit na sabi niya at akmang sasabunutan na ako pero napatigil siya sa sinabi ko.

"Yes, I'm a bitch. Huwag mong hintayin dumapo mga kamay ko sa'yo because I promise you, magsisisi ka. Touch me if you want but remember what I said, I'm a bitch. Kung hindi lang rin sa akin mapupunta yang gusto ko mas mabuting walang makinabang. Remember, what Avery wants, Avery gets. Understood? Goodbye, ugly gorilla." May diin kong sabi at bago umalis, hinagis ko sa gulat na gulat niyang mukha ang damit na sira na at hindi na masusuot.

"Avery! My gosh! What have you done sa shop ng pinsan ko?" Salubong sa akin ng kaibigan kong si Hilary, my one and only friend, pagkalabas ko sa boutique ng pinsan niya. I rolled my eyes on her.

Marrying the Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon