03.
"Seren, dali! the ceremony's starting soon!" sigaw ni Gannie mula sa sala dahilan para magkandaugaga ako sa pagtatali ng sapatos ko.
"putangina! wait lang! wag moko iiwan!" sigaw ko habang tinatali ang sintas ng sapatos ko na halos magkandabuhol-buhol na.
narinig ko ang tawa nya mula sa sala. agad kong hinigit ang bag ko saka lumabas sa kwarto ko.
hindi parin ako masyadong sanay sa uniform ng school nato, kase putangina sobrang ikli! pero di ko maikakailang maganda ang uniform, itim na long sleeves ang pangitaas na pinangiibabawan ng pulang blazer, pulang skirt, gold na ribbon at badge ng school.
"i've been here for 2 years already yet this uniform never failed to amaze me, ain't this pretty cool?" sambit ni Gannir habang itinatali nya ang kanyang mahabang pink na buhok.
di ko maiwasang mapatitig sa kanya, grabe, ang sexy naman nya. nahiya tuloy ako bigla ng makita ko yung hinaharap nya.
"so big"
"what?" nakakunot na tanong ni Gannie ng matapos na syang mag-ipit, umiling ako at ngumiti ng hilaw.
"w-wala, tara na?" sambit ko nalang at ngumiti naman sya, lumabas n kami sa kwarto namin at ni-lock yun, nagulat ako ng mabilis nyang hinigit ang braso ko at tumakbo kami papunta sa labas.
tumambad samin ang napakagandang garden at isang napalawak na espasyo sa gitna.
"i told you ceremony's coming, Mrs. Billwarts don't accept late attendies. we're gonna get some punishment if we're late" sambit nya habang tumatakbo. ang pink nyang buhok ay pumipitik sa mukha ko habang ang isang kamay ko naman ay busy sa paghahatak ng palda ko pababa.
tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa matanaw ko ang mga nakapilang estudyante sa gitna, sobrang dami nila. dito ba ang ceremony?
hinatak ako ni Gannie papunta sa mga nakapilang estudyante para pumila kagaya nila, habang papunta kami napansin ko ang mga kakaibang tingin nila samin, lalo na saken.
di ko maiwasang makaramdam ng takot at kaba ng ang mga iba sa kanila ay nakasuot ng mga malademonyong ngisi. putangina nyo.
'don't act like a weakling, act like a goddamn killer'
natandaan ko ang sinabi ni Gannie sakin kaya pinilit kong magmukhang matapang kahit na sa loob loob ay gusto ko nang lumabas sa school nato dahil sa matinding takot. shet! ayoko na! di ko na kaya ang mga tingin nila.
sa kabila ng takot na nararamdaman pinilit kong tumingin sa harap at iwasan ang mga matang parang gustong pumatay.
sa sobrang dami ng estudyante ay di ko na masyadong nakita kung ano ang nasa harap, nakapila sila ng tuwid na parang mga robot, mga mata ay walang kaemoemosyon.
gusto ko sanang lumingon sa likod at kausapin si Gannie ngunit hindi ko magawa. natatakot ako sa mga matang makikita ko sakali mang lumingon ako.
parang flag ceremony bato?
nagdilim ang kalangitan na para bang gabi na pero alas otso palang naman. k-kamusta na kaya sila mama? sana hindi nalang ako nagsinungaling. ayoko na rito, natatakot na ak--
"AHHHHH!" napukaw ang atensyon ko ng may narinig akong isang hiyaw.
hindi ko man masyadong maiinag ng mabuti ngunit nakita ko ang isang babae sa taas ng stage, hawak hawak sya ng dalawang mga nakakukay itim at nakatakip ang mga mukha, tanging mata lang ang makikita sa kanila at ang nakakakilabot nilang mga matutukis na ngipin, animoy mga kutsilyo sa tulis.
BINABASA MO ANG
Bloody University
Fanfiction"congratulations you passed. you're officially one of the cthonians now!" - Bloody University