Hayys....ehto na, june 10 na at ehto na ang unang araw ko bilang isang grade 9 student sa Cainta Catholic University. (Inulet) Toh na ko... pagpasok ko ng gate nakita ko yung mga katrops ko na naghihintay saken.
"Uy besh! Namiss kita!!" sigaw ni jane
"Oo nga besh! Musta na kayo ni Kenj?" sabi naman ni jessProblema ba ng dalawang to? Alam naman nila magkaibigan lang kami.
"Ano ba guys? Friends lang kami nun."
sagot ko"Anong pinaguusapan niyo? Hmm?" nandito na pala si Kenji
"Wala, wala." sabi naming tatlo ng sabay.
Pagkatapos ay dumiretso na kami sa classroom, at habang wala pa si sir, siyempre, chiakahan at cellphone muna kami........
"Cess...uy! Gising na, kanina ka pa tinatawag ni sir." sabi ni jane, magkatabi kasi kami.
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako...nakakahiya, first day pa naman.
"Ah, si-sir sorry po..ano po yun?" sabi ko
"Tell us about yourself, ano yung mga hobbies mo o ginagawa mo nung bakasyon?" sabi ni sir ramos
Hala di ako ready! Ano sasabihin ko? Ehto na. Go Cess go!!
"A-ano po sir...nagpeperform po ako minsan sa barangay namin at maging dito rin po sa skul. Mahilig din po ako magpaint at magdrowing. Yun lang po." sagot ko
Yes! Nagawa ko. Buti nalang.
"Anyone else who would like to share? Kahit ano pwede!" sabi ulit ni sir ramos
May nagtaas ng kamay. Sino kaya tong mokong na to? Malabo kasi mata ko eh kaya hindi ko makita. Baka taga ibang section lang dati.
"Yes Mr. Tuazon?" tawag ni sir
Ahh oo nga pala...siya nga po pala si Marcus Tuazon. Ang pinakamatalino, pinakamasipag at pinakagwapo sa buong section 3 dati noong grade 8.
"Ahh...may gusto lang po sana ako sabihin...may isang tao po kasi dito na gustong - gusto ko.....
(Hala, sino kaya yun? Ay Cess wag magassume! Stay calm and love yourself)
si.....si ano po... si Princess po. Hindi ko po kase masabi ng harapan kaya dinaan ko nalang dito." sabi ni Marcus
"Okay Mr. Tuazon, nakakakilig naman." sagot ni sir
Naghiyawan na ang lahat. Ako? Hindi ko na keri! What shall i do?
"A-ahmm, sir? Pwede pong mag-CR?"tanong ko habang tinatakpan ang magkabilang pisngi ko
"Sure. Go ahead." sabi ni sir
Buti na lang pumayag, nasa CR na ako...hala wait! Ano yung sinabi niya? Gusto niya ako? Ay hindi pala...GUSTONG- GUSTO!!~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
hi guys! mejo pinahabaan ko tong chapter na to kase baka matagalan akong mag update....dont forget to vote po....love u all!!❣️❣️❣️💙❣️❣️❣️
BINABASA MO ANG
Dancing Princess
RandomSabi nila, bawat tao may tinatagong talento...Tungkol ito sa mga simpleng magkakabarkada lang...at sa tropa, siyempre hindi mawawala ang mga famous at madadaldal. Dalawa ang makikilala ninyong famous at artistahin dito. Tunghayan natin ang kwento n...