#2: Get to Know Each Other

10 3 0
                                    

Hala...totoo ba yun?? Ay hindi, baka biro lang...oo, tama, it's nothing. Makabalik na nga! Pagalabas ko biglan-

"Ay!!" nabangga ko si Marcus..
"Uy, Cess!" sabi niya
"Oh? M-marcus? S-sorry.." aalis na dapat ako pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko..

Biglang uminit pisngi ko, namumula na ata ako...
"Ba-bakit?"
Galing mo Cess! Utal pa more.
"Recess na. Pwede bang sabay na tayo prinsesa ko?" sabi niya.
"Ah, si-sige, kunin ko lang wallet ko."
"Wag na. Ililibre na lang kita." sabi niya.
Aangal pa dapat ako kaso nahila niya na ako kaya di na ako nakapalag pa.

Andito na kami sa canteen...
"Ano gusto mo?" sabi niya.
"Turon na lang." sagot ko ng matipid.
Nahihiya pa rin kasi ako...
"Ayan na po mahal kong prinsesa." sabay kindat.
"Anong prinsesa ka diyan? Nga pala, bat mo sinabi yung kanina?! Alam ko namang biro lang yon pero sa buong klase talaga!? Pwede namang di mo na sabihin kung sino!" pagsisisigaw ko sa kanya.

Wala akong pakialam kung nakatingin sa amin ang mga tao..naiinis lang talaga ako!!

"Ahh...sorry na. Tsaka di naman biro yun, totoo ang lahat ng yun. Pero sorry talaga, pasensya na." sabi niya

Ang cute niya pala pag nagsosorry..ay! ano ba yang pinagsasabi mo??

"Sige na nga..madali naman akong kausap eh." sabi ko

"So tayo na?"
Aba ang yabang talaga. Kala niya katulad ako ng ibang mga babae na baliw na baliw sakanya.

"Hindi pa noh!" sigaw ko
Bat ba may "PA"?! Hay nako Cess..

"Hindi PA? Ibigsabihin may chance ako?" sabi ng ungas

"Hahaha...bala ka nga.." pumeke ako ng tawa, sana gumana...
"So ano nga?" ay naku namaaaan
"Siguro,...depende,...ewan!" sabay alis ko..
"Anu ba namang sagot yan oh!"sigaw niya..
Nakakatawa siya!!!Priceless yung muka niya ngayon.Hahaha!!

Umaakyat na ako ng hagdan ngayon...Ano Cess? Papayag ka ba? Wag na lang muna, pero aaminin ko..kinikilig ako!! Suko na ako! Lamunin mo na ako o lupa!! Pero di ko muna ipapaalam nararamdaman ko, saka na.

"Cess!"
"Ay kalabaw!" nagulat naman ako kay Ken..
Ehh kasi naman biglang sumulpot!
"Libre kita bukas ah!" sabi niya.
"Sige ba! Aangal pa ba ako?" sabay tawa namin parehas...
"Ahh...asan nga pala sila Sean pati Jess?" si Sean, isa ko pang kaibigan.

"Ah! Ayun oh! Kanina ka pa nga hinihintay, di raw kasi nila kabisado yung steps." sagot niya naman

May show pa kasi kami bukas...activity namin...at kagrupo ko sila..hayy kastress!

Pagdating ng uwian, sabay na kaming umuwi tatlo...nakasakay kami ngayon sa jeep. Sa harap ko si Marcus, katabi ko naman si kenj.
•~•~•~•~•~••~•~•~•~•~•~•~•~••~•~•~
Hi guys!! Uyy kenekeleg eke dete!! Sobra..Pls dont forget to vote po! Love you all!😘😘😘😘

Dancing PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon