PARA KANINO NGA BA TO?

39 4 0
                                        

Sana ito ay mabasa mo
Isang tula para sayo
Oo, ikaw na nagbabasa nito

Pasikat na naman ang araw
Oo, ngayon ay madaling-araw
Sana okay ka araw-araw

Ano daw? Nawala na tuloy ako
Hindi naman ito ang sasabihin ko
Ang tanong, gusto mo ba ako?

Hala, nasabi ko na
Ay este, natanong pala
Naguguluhan ako, akala mo ba

Gusto kitang kausap palagi
Ewan ko ba, magulo kasi
Wag na nga, baka ako pa'y masisi

Di naman ako umaasa
Baka lang kasi may pag-asa
Ay oo nga pala, ika'y paasa

Atras abante, urong-sulong
Gawain ay sigaw tapos bulong
Magulo ka, hoy, tulong!

Wala ng kwenta to
Pero ano ba kasi masasabi mo
Gusto mo ba ako?

Hay naku, alas-tres na pala
Wala na ring magagawa
Pero sana sagutin mo ng tama

Sana totoo ang sabihin mo
Tanggap ko kung hindi o oo
Basta wag magsinungaling, iho

Gusto kita, yun ang totoo
Ay ewan, nalilito ako
Pero ano... Gusto mo ba ako?

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon