Chapter 11 (Siblings)

580 10 1
                                    

Zues POV

Simula nong mangyari kay beb yon diko na siya hinayaan na malapitan ulit ni Ronnie.

Sobrang sakit na makita ko siya nong mga oras na yon. Wala siyang dalang sasakyan non kasi nga hatid-sundo na lang siya ni Ronnie. Pero binigo niya ako. Pinabayaan niya si Loisa.

* flashback *

Party

Sinundo ko si Dawn sa kanila.

Kampanti din naman ako na si Ronnie kasama ng kapatid ko kaya okay lang. Kilala ko naman yong gago na yon.

"Beb, pwede ba dina tayo umattend sa party ngayon? Tinatamad na kasi ako tapos sama din kasi ng pakiramdam ko" Dawn

"Oo naman okay lang. Labas na lang tayo para di naman masayang damit ko oh"

"Oo naman. Btw pala si Loisa okay lang ba? Sino ba kasama niya ngayon don?"

"Okay naman siya. Si Ronnie naalala mo? Siya kasama niya ngayon. Don't worry hatid-sundo naman siya non"

"Ah oo si R2. Sige mag aayos nako at alis na tayo" Dawn

Pagkatapos niya mag ayos umalis na kami. Kumain na lang kami sa labas at nanood ng sine. Maya-maya lang non inihatid ko na si Dawn at masama nga raw pakiramdam. Pinagpahinga kona.

Sayang di siya nakita ni Loisa tiyak matutuwa yon. Close sila eh.

--

Pauwe nako nong parang nakita kong nadaanan ko si Ronnie. At hindi si Loisa kasama niya? Si Sue?

Aba!

Hihinto sana ako pero umalis din sila kaagad.

Diko matawagan si Loisa. Umulan na din ng malakas.

Tumawag ako sa bahay pero wala pa raw si Loisa don. Iniwan nga siya ni Ronnie. Lintik na lalaki yon! Pinagkatiwala ko sakanya si Loisa tapos ganito gagawin niya.

Asan na kaya yon? Anlakas na ng ulan.

Nandito ako ngayon sa school. Tinanong ko sa guard pero lumabas na raw.

Tangina Ronnie! Ano ginawa mo sa kapatid ko.

Nagmaniho ulit ako at yon nakita ko si Loisa. Basang basa! Naka hills pa naman siya. At tube pa na red dress ang suot niya. Buti di siya binastos.

"Beb!"

Nagulat siya nong tinawag ko siya. Ilang oras na din siguro siyang na uulanan at naglalakad.

Gabi na din kasi non mga 2 or 3am kaya madalang na yong taxi dumaan.

"Beb! Thank you dumating ka. Nilalamig nako! At basang basa. Uwi na tayo please!"

Iniuwe ko na siya.

Tawag naman ng tawag si Ronnie pero diko na pinansin.

Nagkasakit si Loisa. Isang linggo din siyang may sakit non.

Bumalik din yong hika niya.

Buti na lang talaga walang nangyaring masama sakanya. Pero diko na hahayaan na malapitan pa siya ni Ronnie.

* end of flashback *

Nandito na kami sa school ngayon. Simula nong nangyari yon ngayon pa lang papasok si Loisa.

Sinigurado muna namin na okay na talaga siya. At baka din kasi hikain siya.

Kasabay ko siya sa sasakyan at napag usapan na din namin na sabay kami bababa don na sa school mismo.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon