CHAPTER 9

2.3K 55 0
                                    


"Hindi ka na naman kumain." Tulala paring hindi niya tiningnan si Nana Mayang. Tatlong araw na ang lumipas matapos ang araw na iyon. Hindi rin muna siya pumasok sa opisina. Nagkulong siya sa kwarto niya sa mga araw na iyon. Tiningnan niya ang orasan at nakitang pasado alas otso na nang gabi. Tila tinatamad pa siyang kumain. Napapansin niya rin niyang tila pagod na pagod ang katawan niya.

"Alam niyo rin po ba, Na?'' hindi niya na mapigilang tanungin ang matanda.

''Oo. Noon ko pa alam anak" napapikit siya. Isa na namang mahalagang tao ang naglihim sa kanya. Tila hindi na siya nagulat. Nakakahalata narin naman siyang may alam ito. Hindi pa man siya ipinapanganak ay katulonbg na ito nang pamilya nila. Marami rami narin itong alam kung pagbabasehan ang mga panahong iyon.

"Ganoon ba talaga kahirap na sabihin sa akin, Na? Ganun ba ako kakitid ang utak?"

Tinabihan siya nito. "Magsisinungaling ako kung itatanggi ko." Tiningnan siya nito at muling itinuon ang mga mata sa kalangitan. They were at the terrace. "Naiintindihan ko naman kung bakit ka ganoon kung umakto. Nasaktan ka. Pero hindi mo rin ba nasaktan ang ama mo noong hindi mo siya pinakinggan?" tumulo ang mga luha niya. She was right. Pinagsaraduhan niya nang pinto ang ama noon. Pilit man nitong magpaliwanag sa kanya ay hindi niya ito pinakinggan.

"Anong alam niyo Na? Gusto ko na hong malaman ang mga hindi ko pa nalalaman?" 

"Hindi ako ang tamang tao na dapat mong tanungin sa mga gusto mong malaman noon, anak. Alam mo kung sino dapat ang tanungin mo sa mga ganyan, hindi ba?" she knows who she was talking about. Panahon na rin siguro dapat na harapin niya ang taong ito. Nginitian niya ang matanda at niyakap ito.

"Bakit hindi ka nagalit sa akin nang husto?" takang tanong naman nito sa kanya.

Niyakap niya pa ito nang mahigpit. "Hindi ko ho magawa. Mahal na mahal ko ho kasi kayo." Sinabayan niya pa ito nang kaunting tawa na ikinalungkot naman nang matanda ang sagot niya. Nakakunot noong tiningnan naman niya ito.

"Hindi mo ba mahal si Kristian, ganoon ba?"napawi ang mga ngiti niya. Natigilan siya. Tila tinamaan siya sa tanong nito. Napayuko siya. Tila nahihiya siya sa matanda.

"I don't think I deserve him, Na. Punong-puno ho ako nang galit. Mahirap rin akong magtiwala. Masama ho ang ugali ko." Mapakla siyang ngumiti. "He deserve someone whose sweet. Iyong walang masayadong issues sa mundo." Tama naman siya. Masyadong magkaiba sila nang lalaki. She don't want to be unfair to him. She should set him free. In that way , he would meet that woman he truly deserves.

"Hindi ikaw ang magsasabi niyan kung hindi sya lang. Hindi mo matuturuan ang puso niya. At hindi ka masamang tao anak. Ikaw ang pinakamabuting batang nakilala ko." She was touch. Mabuti na lamang talaga ay nandyan pa ang matanda sa buhay niya. Huminga siya nang malalim. She should do the right thing step by step. Dapat maging malaya narin siya. It should be the right time. Masyado narin namang matagal na ang panahong nakalipas. And when she means of being ready to know the truth, she should be getting ready to meet those persons involve. Sa tuwing naaalala niya ang mga taong iyon ay hindi parin nawawala ang kirot sa puso niya. But she was willing to step aside that, for the sake of truth.


----------


"Nagulat ako nang nandito ka nga" It was Irene. May bitbit itong tray nang pagkain at isang basong juice. Nasa sala siya nang pamamahay nang dalaga. Yes. Funny it may seem but she was the one who went there. Nag-ipon siya nang lakas nang loob para puntahan ito. Pero hindi ito ang pakay niya. Ang ina nito.

Take a risk on you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon