CHAPTER 3

2.7K 50 0
                                    


"What the hell Kristian! Ano na naman ba itong binabalak mo?" Parang sasabog na sa inis si Jai ng tawagan niya ang kaibigan nang araw na iyon. Nanggagalaiti siya rito ng malamang may kikitain na naman siyang "prospect" na lalaki na i-senet up sa kanya nito. Pang-ilang beses niya na itong ginagawa at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya natutuwa. Naiinis na siya rito lalo pa't busy rin siyang tao at wala siyang panahon i-intertain ang mga lalaking pinapa-blindate nito sa kanya. At ni hindi man lamang siya nito magawang pagpahingain man lang. Sukat ba namang may ipapakilala ito sa kanya nang sunod-sunod na mga araw. Kung nasa harapan niya lang siguro ang binata ay kanina niya pa ito nasabunutan.

"What's wrong with a little help in searching? I told you to find one but knowing you, it might take forever." katwiran na naman nito. This man, really. Narinig niya pa sa kabilang linya ang bahagyang paglalim nang paghinga nito. Pamilyar sa kanya iyon. Marahil ay nasa gym na naman ito. Sabado nang araw na iyon. It was his scheduled to go there. Isa iyon sa mga weekly routine na ginagawa nang kaibigan. Masyado naman kasi itong conscious sa katawan nito. Katwiran niya ay araw-araw ba naman siya nakakatakam nang pagkain kaya di malabong tumaba raw siya sa mga ito. Mahirap na raw mawala ang mga inaalagaan niyang pandesal sa katawan. Ang hilig talaga nitong magbuhat nang sariling bangko.

"Will you please leave this out. I can handle it, ok? I don't even like those men you flaunt with me." I know it's kinda harsh but it was true. Nakakailang "prospect" na ang nakaharap niya pero ni isa sa mga ito ay di niya magawa-gawang magustuhan. Nakakitaan niya agad ang mga lalaki nang mga kapintasan na pinaka aayaw niya agad. Kesyo masyadong mayayabang, malalandi at ang pinaka ayaw niya ay ang pagiging self-centered ng ilan sa mga ito. A date should involve both person to talk and know each other pero ang ilan sa mga lalaki ay kulang na lang atang gawin siyang si Maam Charo para ipa-MMK ang mga buhay nang mga ito. Ni hindi man lang siya nagka-oras na magkwento. At ang mas nakakaimbyerna pa ay ni hindi man lang siya magawang tanungin tungkol sa buhay niya. And that irritates the hell out of her.

"Napakachoosy mo naman, ineng.'' Mahihimigan ang sarkasmo sa tinig nito sa kabilang linya. "Fine. Just this last one, Jai. I have a sense that you will like him. He's a cousin of a friend of mine and I think both of you will be a match." Pangungumbinsi naman nito sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi mapasabunot ng sariling buhok. This man really. Ang kulit talaga nang lahi nito. Tiningnan niya ang mga tambak na pipirmahan niya sana nang araw na iyon. Tila hindi naman ito mababawasan. Napapikit siya. Ito na talaga ang huli.

"This will be the last one, please. Sumasakit na ang ulo ko sa pinanggagawa mo eh."

"Yes! Update me after, alright?" She can sense the happiness in his voice.


----------


True to his words ay totoong nga ang sabi nito na magugustuhan niya ang huling lalaking nirereto nito. They were currently in a Chinese restaurant having dinner. Naimpress din siya at nauna pa ito sa kanya na kalimitang hindi nangyari sa mga nakaraang lalaking isenet-up sa kanya. Nagulat din siya sa sarili ng mapagtantong tatlong oras na sila nitong nag-uusap. She was enjoying his company. His name is Ivo Henares. He was an architect who also owns an architectural firm. Hindi niya ito makikitaan nang paglalandi sa kaniya. Sa tatlong oras nilang pag-uusap ay hindi ito gamahan sa pagsasalita. He would always make sure that she will also share her story and vice versa. He was witty and has a sense of humor too. One thing that really distracts her is her phone that keeps on vibrating on her bag. Alam niyang si Kristian iyon.

"So, did you know Kristian personally?" tanong niya sa binata. Tapos na silang kumain at kasalukuyan nang umiinon nang red wine.

Take a risk on you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon