CHAPTER 2

3.6K 50 0
                                    


Hindi mapigilang hindi mairita niJai sa lalaking kaharap na kanina pa nakatulala sa babaeng tatlong mesa ang layo mula sa kinauupuan nila. They were having  lunch that day. Sinadya pa siyang sunduin ng huli para sabay raw silang kumain nito. Sumama na'rin siya lalo pa't nagtatatalak na naman ito dahil pasado ala-una na nang malaman nitong hindi pa ito kumakain. She was eyeing him intently to catch his attention but he was really concentrating to the woman. Kaya walang pag-aalinlangang binatukan niya ito.

"Aray! What was that for?" Sinalubong siya nito ng magkasalubong na kilay. His face shows annoyance. Marahil narin sa pagkagulat.

"Pasensya naman po, mister. Gusto lang po kitang pagsabihan na tutulo na iyang laway mo. And will you please stop ogling her? Para ka'ng tanga d'yan." She can't hide her irritation

"Jesus Jai! I'm not ogling her! Admiring is the right term there, mind you." She can't help not to roll her eyes. Hindi na siya nagtaka sa katwiran nito. If there's a crown to be awarded for best in being opinionated, he will surely win. Lahat na yata ng bagay ay may katwiran ito, kahit nasa tama man o mali. So much for being such an ass.

"Admiring my face. Ilang beses ko na ba iyan narinig sa'yo?" Ilang beses na nga ba? Kulang ata ang sampung daliri nya para mabilang ito. His bestfriend was one of those men who loves to collect and select women. Hindi niya naman masasabing sobrang playboy ito to the point na he was like those men who really craves women just for pleasure pero isa ito sa papalit palit ang nagiging nobya. Nagseseryoso naman ito sa nagiging relasyon pero ang ikinaiinis niya lang ay ang mabilis nitong pagkasawa. If he was bored with the relationship, he will surely make a way to possibly end it. Ang ikinakatwiran niya ay nawala na raw ang "sparks" na naramdaman niya ng una niyang nakilala ang babae. Katwiran nga naman nitong baluktot.

"I think this is the girl I'm looking for, Jai. Look at those curves and face, it looks like I have won the lottery. I must definitely know her." Not again. Tiningnan niya ang babaeng tinutukoy. Maganda nga pero mukhang disente at di makabasag pinggan ang babae. She looks sweet. Mukhang ito ang mga tipong babae na hindi dapat paglaruan at pagsawaan.

"Spare her this time, Tian. Kung wala ka namang plano na seryosohin at patagalin ang relasyon niyo, might as well not start it." Isa iyon sa pinaka-ayaw niya sa ugali ng lalaki. Kaya as much as possible ay siya na mismo ang nagsasabing huwag na pumatol sa kung sino sino. Babae rin naman siya kaya ayaw niya ring may masaktan na naman na kapareha niya sa mga kalokohang pinanggagawa ng kanyang kaibigan. Minsan na kasi niyang nasaksihan ang ilang mga naging nobya nito. Mukhang ang babait naman ng mga ilan sa mga ito. Pero ang ilan naman rito ay hindi makain ng aso ang mga ugali. Kaya sa mga nobya niya na ganoon  lamang siya masaya kapag nalalaman niyang wala na nga ang mga ito.

"Grabe ka naman d'yan, Jai. Para namang ang sama-sama ng dating ko n'yan. Why are you so against with this matter?" saglit itong natigilan na may naisip. "Or was it because you were afraid that I might settle with this girl?" That was a sudden question. Where the hell was that come from?

"And why will I be afraid? Para namang magugunaw na ang mundo kung magpapakasal ka. At isa pa, iyon na nga ang matagal ko nang gustong gawin mo. Nang matigil na iyang mga kalokohan mo, 'no. " She intently looked at him, making sure that she was not affected by his question. And why the hell it will affect her?

"Because you will definitely be left out, which of course it could possibly happen knowing how man hater you are." Isinangga nito ang dalawang braso ng akmang babatukan niya naman ito. Arggh! This man!

Take a risk on you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon