MTT 8

451 6 3
                                    

A/N: Grabi lang. Ako'y nababanas. Anlaking sayang ng effort ko :(( Sorry guys, mas okay yung una kong draft, kaso kasamaang palad, nawalan bigla ng kuryente, hindi ko pa naman nasave :( SAKLAP. Hirap pa naman ako sa paggagawa nun. At feel na feel ko pa. Kaya pagpasensyahan nyo muna tong ud na to. God bless!

Kacareerin ko muna pag uud. Magpeprelims na kasi kami. Wish me luck guys :)

8.

Gino's POV

Oh mga mahal naming readers, kamusta kayo? Kilala nyo na ako? Ako nga pala ang gwapong gwapong si Gino dela Rosa Padilla. Di ko kinakaila na gwapo ako kasi marami na ang nagsasabi. Hahaha. Eto ngang si author kras na kras ako e. Syet ang gwapo ko! HAHAHA.

Tama na nga to, magkukwento na ko sa inyo ha?

 **

Haay. Di ko na talaga to kaya! Ilang buwan na kong parang iniiwasan ni Mika. Takte! Nakakabaliw pag naiisip ko yun. Di ko alam kung anong nangyari at nagkaganito kami. Pero hindi ko talaga to gusto. Mejo hinahayaan ko lang muna sya noon dahil nirerespeto ko ang desisyon nya kahit hindi ko talaga alam ang dahilan? The eff lang!

Kasalukuyan kong hinahanap si Mika. Ang bilis nya kasing nawala kanina. Di ko agad nasundan. Si flash ba yun? Dejoke. Haha.

Kailangan ko na talaga makipagbati sakanya kahit hindi naman ata kami magkaaway. Ah basta! Gusto kong bumalik na kami sa dati. Miss na miss ko na sya. Sounds gay pero totoo.

Lumabas ako ng campus at nagbakasakaling nasa labas din sya. Pero, takte naman oh! Ang lawak kaya netong labas, sang lumapalop ko sya hahanapin?

Bahala na.

Lakad...

Lakad...

Lakad...

Naglalakad ako patungo sa park na malapit sa school namin. Hindi ko alam ngunit dito ako dinadala ng mga paa ko.

Tumpak! Andito sya. Namataan ko sya sa may di kalayuan, nakaupo at may binabasa. Lalapitan ko na sya nang may lumapit sa akin na isang batang nagtitinda ng rosas. Tsk, nasaan na kaya ang mga magulang nito at sa murang edad pa lamang ay naghahanap buhay na sya? Kawawa naman.

"Kuya, bili na po kayo oh. Mura lang naman po eto para sa inyo. Pwede nyo naman po itong ibigay sa taong mahalaga para sa inyo. Sigurado po ako, matutuwa yun!"

Mahalaga? Napatingin ako sa direksyon ni Mika at gayun din ang bata.

"Girlfriend nyo po kuya? Mukang malungkot po. Sigurado po ako kapag binigyan nyo sya nito, ngingiti na po sya."

Aba, magaling mag sales talk ang batang to ah. 

"Oh sige na nga. Bibili na ko nyan. Eto bayad oh. At sayo na din sukli nyan."

"Nako kuya, hindi po, sobra sobra po eto." Akmang ibabalik nya sakin ang bayad pero tinanggihan ko ito.

"Sayo na yan. Napabilib mo ko e. Haha."

"Oh sige po kuya ah, salamat po ng marami! Ibigay nyo na po yan sa girlfriend nyo." Ngiti nitong sabi at ngumuso kay Mika. Umalis na sya.

Pero tumigil muna ulit ito saglit.

"KUYA! Bagay po kayo! Maganda at gwapo! Mabait ka po at muka din naman po syang mabait! Alagaan nyo po sya! Sige po. Paalam!" At talagang may pahabol pa siya? Nakakatuwa lang.

**

Nilapitan ko si Mika pero di nya ako kita.

"Peace offering." Nakita kong mejo nagulat sya sa bigla kong pagsulpot. Inabot ko sakanya ang rosas na hawak ko. Akala ko hindi nya ito tatanggapin pero mabuti na lamang at kinuha nya ito. ^__^

More Than ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon