MTT 10

418 6 0
                                    

A/N: TGIF! :)

Yes, wag tayong mabv na puro JaoMik this week. Stay positive KNs. :) Ako kahit anong mangayari, navavibes ko na MiGi ang endgame :) And besides, matuwa na lang tayo kasi alam nyo yun, super may sense na ang character ni bave. Grabe diba ganun nya kamahal si Mikay. Talagang, "Kahit anong mangyari, pupuntahan kita. Gagawin ko lahat." si Gino. Bihira na lang talaga ang lalaking ganito and panigurado halos lahat ng babae, hinihiling na magkaron sila ng isang Gino na magmamahal sa kanila. :) nuxx, syempre ako din! Hihi.

Si Gino ang taong ginagawa ang mga sinasabi nya. Hindi puro salita :)

KAYA LOVE NA LOVE NATIN SYA :)

----

10.

Ella's POV

Hi guys ;) I'm Ella, Mika's sister. Guys, wag kayo magalit sakin kung naging kami man ni Gino ha. Napamahal din kasi sya sakin.

Wala na nga pala kami ni Gino. Masakit man, pero alam ko di naman ako ang kailangan nya sa buhay. Pinakawalan ko sya kasi mahal ko sya. At mahal ko din ang kapatid ko.

Alam ko naman na may gusto sya kay Mika noon pa lang e. At nasesense ko rin na gusto rin sya ni Miks. Para san pa't naging kambal nya ko kung hindi ko alam ang mga nararamdaman nya. Actually, nung una talaga kaya ko sinagot si Gino ay para matauhan na ang dalawa sa totoo nilang nararamdaman sa isa't isa. Pero ang kaso, anong magagawa ko, babae lang din ako. Nahulog ang loob ko kay Gino.

Fourth year kami noon nung naging kami ni Gino. Ang totoo nyan, di naman talaga kami close ni Gino nung naging bahagi sya ng barkada e. Kumbaga, tama lang. Pero nung 4th year nga namin nung high school, nagbago yun. Naging super close kami. Pano nga ba?

Isip....

Isip....

Ah! Alam ko na. kwento ko sa inyo.

>FLASH BACK<

1st quarter ng 4th year high school namin ngayon. Ang dami naming ginawa kasi malapit na ang foundation day ng school namin. Dahil member ako ng dance troupe, after class kami may practice. Bali, next week na ang foundation day and ngayon pa lang kami magbubuo ng bagong sayaw. 

Isip ng choreo..

Sayaw...

Turo...

Sayaw...

Sayaw....

Haaay nakakapagod. Di na namin namalayan ang oras, 7pm na pala.

"Pack up na tayo guys. Gabi na oh. Ingat kayo pag uwi." Sabi ni Mommy Dhi, ang adviser ng dance troupe. Mommy na ang tawag namin sa kanya kasi super close sya samin.

Pagkasabi nun ay agad kaming nag-ayos para makauwi na. Isa isa na silang nag-alisan. ako, narito pa din kasi may hinahanap ako.

"Aaah. Hala. San na ba yun?" :((

"Oh Ella. Halika ka na. Tayo na lang andito oh. Ano ba hinahanap mo dyan?" Mommy Dhi.

"Ah mi, sige po una na kayo. Alam ko malayo pa inyo e. May hahanapin lang po ako."

"Nak, bukas mo na lang hanapin yan. Lika na."

"Mi, di po pwede e. Mahalaga po kasi sakin yun. Sige na po, kaya ko naman po sarili ko. Text ko na lang po kayo pag nakauwi na ko."

"Sure ka Ella?"

"Opo mi. Sige na alis ka na po. Ingat!" At nagbeso na ako sa kanya.

More Than ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon