At the Manor

69 2 2
                                    

Iginapos ako ng lalaking yun ang mga kamay ko sa likod. At tinutukan niya ako ng kutsilyo sa likod at itinulak papunta sa mansion o manor ba yun. Basta! Yun na yun! Luma na ang mansion na yun o manor o kung ano man yun. Gawa sa kahoy ito, may tatlong floor ang manor at parang isang pitik ko lang, ay babagsak na ang manor na yun. Ang creepy talaga! (>.<) Fufufu! Dito na ba ako mamamatay? Si nanay! Pano na siya? Hindi naman siguro siya pababayaan ni Tanda. Si Xion. Malulungkot yun! Pati na din si Carl. At nakita ko ang sarili ko na nakalutang sa sapa. Putlang-putla, nakatirik pa ang mga mata, duguan ang damit, sinaksak ng maraming beses, at wala nang buhay! (T^T) Hanggang dito nalang ba ako?! Lord! Patawarin po ninyo ako sa mga kasalanan ko! (T^T) Tanda! Ikaw na ang bahala kay nanay! Ok lang ako.

"Oi, anong pinagdadrama mo jan?" tanong sa akin ng lalaking yun,"Ang pangit mong umiyak! Para namang nanganganib ka." sabi niya ng may pagka-cold. Wow! So ganun? Sa state kong 'to hindi pa ako nanganganib?

Nasa harap na kami ng manor nang dahan-dahang bumukas ang pinto kaya napatigil ako sa paglakad.

"Oh, bakit tumigil ka?"

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? (T^T)" nag-smirk sa akin ng nakakatakot ang lalaking yun at tiningnan ako mula ulo hanggang paa,"Wag nalang. Masasayang oras ko sayo."

Eh?! O_O Hindi ko alam kung ikasasaya ko ba yun o ika-iinis. (>.<) Ano yun? Sinabihan niya ako ng... Aaaaaah! >.< Crap! Ano ba tong pinag-iisip ko!

"Pasok na!" sigaw niya sa akin at itinulak ako papasok ng manor.

Nang makapasok na ako ay nakita ko ang loob nito. May TV, DVD player, sopa, carpet, computer, upuan, marami pa. Parang bahay din naman siyang tingnan. Medyo madilim nga lang sa loob.

"Nandito na kami." sabi ng lalaking yun.

Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay patakbong bumaba ng hagdan ang isang pamilyar na batang babae. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap niya ako.

"Salamat naman at nandito ka na ate! (^_^) Masaya akong nandito ka na!"

"E-eh?! O_o" ito ang tanging nasabi ko habang nakayakap sa akin ang batang yun.

"Maligayang pagdating dito sa manor namin anak." ani ng isang pamilyar na boses mula sa taas.

Napatingin ako sa taas nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na dahan-dahang bumaba sa hagdanan ang isang nilalang na walang mukha! Wala as in blank talaga! Naka-tuxedo ito at kahit na wala itong mga mata ay pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin.

"Isarado mo nga yang bunganga mo." sabi sa akin nung lalaking dumukot sa akin. Hindi ko napansin na nakanganga pala ako.

"Wag kang matakot sa amin. Nandito ka sa amin ngayon para protektahan ka." patuloy na wika nung nilalang na yun nang makababa na siya at nasa harap ko na, "Ako nga pala si Slenderman." pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

"Ako naman si Sally." wika ng bata habang nakatingin sa akin. Nakayakap padin siya sa akin.

"At siya naman si Jeff." sabi ni Slenderman habang nakalahad ang kanyang kamay sa lalaking dumukot sa akin.

"Ano nga pala ang pangalan mo ate?" tanong sa akin ni Sally habang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin.

"A-ako nga pala s-si R-Ray."

"Mabuti naman ngayon at hindi ka na hinimatay babae ka." sabi ni Jeff sa akin.

Hindi ko sinagot si Jeff kasi natatakot ako sa kanya at kay Slenderman.

"Wag kang matakot sa amin. Tulad nga ng sinabi ko ay hindi ka namin sasaktan." sabi ni Slenderman.

"Kayo lang." bulong ni Jeff.

"Anong sabi mo Jeff?" galit na tanong ni Sally kay Jeff, "Hindi mo pwedeng saktan si ate Ray!"

Sinipa ni Sally ang paa ni Jeff at tumakbo at nagtago sa likod ni Slenderman.

"O-ow! Ow!" sabi ni Jeff habang hawak ang paa niya at nagtatalon-talon.

"Ikaw talagang bubwit ka!" galit na sigaw ni Jeff.

"Waaaaaah!" matinis na sigaw ni Sally at tumakbo habang hinahabol sya ni Jeff.

Humarap sa akin si Slenderman at nagsalita.

"Sumunod ka sakin Ray. Ihahatid kita sa magiging kwarto mo dito sa manor.", tumalikod sa akin si Slenderman nang magsalita ako.

"Teka." wika ko.

Humarap si Slenderman sa akin, "Hmmm?"

"Pano ko naman kayo mapapagkatiwalaan? Hindi kaya mga masasamang tao kayo?"

"Hindi kami masasamang mga nilalang. At hindi mo kami  dapat pagkatiwalaan dahil wala kang ibang magagawa kundi ang magtiwala sa amin." sagot ni Slenderman sa akin.

May gusto pa sana akong sabihin pero naputol ang pag-uusap namin sa pagdating ng isang lalaking naka kulay berde. Parang pang duwende ang damit nya at mas matangkad sya sa akin. Kasin tangkad siguro sya ni Carl.

"Slendy! Masamang balita! Nandito si The Rake!"

"Ano?!" bulalas ni Slenderman.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Fufu, after a year naka-update din. Fufufu~ I really missed these stories! Waaaaaah!!! TOT


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Creepy Friends and I ( A creepypasta fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon