Ang Simula

289 7 4
                                    

Pasok sa school, uwi sa bahay, pasok uli sa school, punta sa internet shop, tas uwi, punta sa simbahan, uwi, pasok sa school, uwi ulit sa bahay. Yan ang buhay ko. Napakaboring. Pero ang boring na buhay kong ito ay magbabago sa isang iglap lang. Nga pala, bago ko makalimutan, ako nga pala si Ray Flor Nayle, 16, may pagka-bookworm, KJ, weird medyo computer addict, medyo tahimik lang jan sa tabi pero maingay pag kasama ang mga kaibigan ko,and medyo may pagka-boyish daw ako. 1st year college na ako, ang course ko ay major in Biology. Di naman ako matalino pero so far ay hindi pa din naman ako nababagsak sa mga subjects namin(Hinihintay ko pa. Hahahahaha!) Ano ba to! Parang ang dami ko nang nasabi ah. Sige na nga... Pumunta na tayo sa kwento ko.

Hapon nun. Katatapos lang ng huling klase namin para sa araw na yun.

" Ray! Pakopya ng assignment mo bukas ah?! Hehe." sabi ni Led( isa kong kaklase) sabay ngisi sa akin.

" Nyek! Ikaw nga ang matalino sa ating dalawa tas sa akin kapa mangongopya ng assignment?!" sabi ko naman sa kanya.

" Ray." tawag ng isang pamilyar na boses sa akin.

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko si Xion, ang kababata at bestfriend ko.

" Oi! Xion! Bakit?" tanong ko sa kanya habang papalapit ako sa kanya.

" Gusto mo bang sumabay sa amin ni Carl pauwi? Ihahatid ka nalang namin pauwi sa inyo." Si Carl ay ang nakababata niyang kapatid. 4th year highschool na ito. At doon din sa University namin nag-aaral. Haha! Computer Engineering pala ang course ni Xion. Matalino sya sa math! Haha! Ang favorite subject ko! XD. Si Carl naman ay matalino sa Math and Science. Wew! Sana bigyan naman nila ako ng utak nila kahit kunti lang. (T.T)

" Hindi na Xiony(pinapalayaw ko sa kanya), may dadaanan pa ako. Baka matagalan ako dun."

" Ah... OK." sabi naman nya, " Sige, aalis na ako." paalam nya sakin.

" Bye! ^_^" paalam ko ng may ngiti.

Tiningnan ko si Xion hanggang sa makaalis na sya. Pagkatapos nun ay naglakad na ako pauwi. Ang too nyan, wala naman talaga akong pupuntahan. Gusto ko lang na maglakad ng mag-isa pa-uwi at ayoko ding abusuhin ang kabaitan sa amin ng pamilya nila. Mayaman na kasi sila kaya may mga sasakyan na sila ngayon. At kahit pa noon kasi, napakabait na ng pamilya nila sa pamilya namin.

Habang naglalakad ako pauwi, sa may highway na kunti lang ang bahay, ay may nakita akong batang babaeng tumatakbo sa gitna ng daan. Parang takot na takot ito. Nang tumingin ito sa akin ay nanlaki ang mga mata ko, tumibok ng mabilis ang puso ko, at nanlamig ang mga kamay ko! Nakita kong duguan ang bata! Tumutulo ang dugo mula sa ulo niya!  Nang makita niya ako ay tumakbo siya papunta sa akin. Umiiyak ito.

" Ate! Tulungan mo ako! May mga humahabol sa akin!" pakiusap niya sa akin, " Ate! pakiusap! Itago mo ako mula sa kanila!" tumutulo na ang sipon nito sa kaiiyak.

Biglang-bigla ako sa mga pangyayari kaya hindi agad ako nakagalaw.

" Ate! Parating na sila! Ate!" sabi niya at iniyugyug ang kamay ko. At dahil dun ay parang natauhan ako.

" Ha?! Ahmm...... Halika! Magtago tayo dun!" sabi ko at itinuro ang isang 2 storey na bahay na tila abandonado na. Wala na talaga akong maisip sa oras na yun kundi ang magtago dun!

Agad kaming nakapasok sa bahay dahil sira ang lock ng pinto nito. Abandonado nga ito at panay maalikabok na ang mga gamit doon. Humihingal pa kami nang may marinig kaming mga yapak na papunta sa pintuan ng bahay. Agad akong naalerto ant agad kong pinatago ang bata sa isang kwarto doon habang pumunta naman ako sa pinto para i-lock sana ang pinto pero sira nga pala ito kaya nang tatakbo na sana ako palayo ng pinto ay bigla itong bumukas at nakita ko ang isang taong nakamaskara ng sad face. Nakaputi ito ng jacket at may kung anong nakamantsa nito! Dugo! Siguro ay dugo ito ng bata kanina! Tumakbo agad ako pero hinabol nya ako! Takot na takot ako nun! tumakbo ako at pumanhik sa hagadan pero nahuli nya ang kanang paa ko at hinatak nya ako papunta sa kanya!

 " Ayoko na!" yan ang naisip ko noong oras na iyon. Gusto kong gumising mula sa bangungut na yun!

Pero bigla nalang niya akong binitawan. Nang tumingin ako sa kanya ay nandun ang batang babae at may dala itong kapiraso ng kahoy. Siguro ang pinalo niya ang taong yun.

" Ate! Parating na ang mga kasamahan nya!" naiiyak nyang sabi sa akin. 

Agad ko siyang binuhat at tumakbo ako sa taas. Pumasok kami sa isa sa mga kwarto doon at inilock ko ang pinto ng kwartong yun.Di nagtagal ay narinig namin ang maraming yapak doon sa baba na para bang may hinahanap sila. Humihikbi pa noon ang bata kayat niyakap ko sya.

" Shhh... Wag kang matakot. Magiging maayos din ang lahat." nasabi ko ang mga katagang yun kahit na di ako sigurado kung makakalabas paba kami dun ng buhay. Ngumiti ng bahagya ang bata at niyakap nya ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang niyakap nya ako. Pero naputol ang pagkagaan ng pakiramdam ko nang may nakita akong  anino sa isang maliit na slit sa baba ng pinto ng kwarto kung saan kami naroon. Kinabahan akong muli. At bigla nalang parang nagkagulo ang mga yapak sa ibaba pero tahimik parin ang lahat. Nawala ang anino sa labas ng pinto. Pero maya-maya pa ay may anino na naman doon. Kahit naka-lock ang pinto doon ay nagawa nya paring e-unlock ito at dahan-dahang bumukas ang pinto.

              ****************************************

!!! Wew! Haha! Sa susunod na naman ang continuation nito! Sana hindi magloko ang internet at ipa-wattpad padin ako nito! Hahahahahaha! XD

Sana nag-enjoy kayo sa part nato! ^_^

Wewow! Haha! Comments or sugguestions sa pagdeliver ko ng story?

Sorry nga pala kung may mga grammatical errors or typings dito... Hehe, nagmamadali kasi ako sa pag-type kasi pumupuslit lang ako... XD


My Creepy Friends and I ( A creepypasta fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon