Dahan-dahang bumukas ang pinto at tumambad ang ulo ng isang lalaking sumilip sa loob ng kwarto kung saan kami naroon ng batang babae. Kinuha ko ang isang basag na tasa na nasa sahig malapit sa amion. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang nakakatakot nyang mukha. Itim ang buhok niya, napakaputi ng balat, nakangisi ang kanyang mga labi, at nakakatakot ang mga nakatirik nyang mga mata! Para siyang killer! Napapikit na lamang ako at~
" Bogsh!"
May tinamaan ng kung ano. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang lalaking yun na nakahandusay sa sahig. Hindi ko namalayan na binato ko pala siya ng tasa at tinamaan siya sa ulo!
" Jeff!" tawag ng bata sa lalaki nang makita niya ito at agad na tumakbo papalapit doon sa lalaki.
" Jeff! Jeff! Gumising ka!" sabi niya habang sinusubukang gisingin ang lalaking yun.
" E~" sabi lamang ng lalaki dahil hilong-hilo pa ito dahil sa ginawa ko. @_@
" Bata? Kilala mo siya?"
" Opo! Siya po si Jeff! Kasamahan ko po siya!"
" Kasamahan?!" sabi ko sa sarili ko, " Ibig bang sabihin nun ay parang~"
" Hindi kami masasamang mga nilalang." ani ng isang tinig mula sa labas ng kwartong yun.
" Huh?"
Mula sa labas ay pumasok na naman ang isang tao. Teka! Tao nga ba?! Wala itong mga mata at labi. Pero may makikita kang parang hugis ng ilong sa mukha nya. Naka-tuxedo ito at may mga parang galamay ito sa likod na kulay itim. Nahirapan na akong huminga at hinahabol ko na ito. Hinawakan ko ang dibdib ko. Napaka lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko na kaya ang lahat ng mga bagay na nangyayari dito! Unti-unti ay nanlabo ang paningin ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
________________________________________________________________________________
" Ray! Anak! Gising na. Malelate kana sa trabaho mo." tawag sa akin ng isang boses. Boses iyon ni nanay!
Ibinuka ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid ko. Nasa kwarto ko pala ako at nakahiga sa sarili kong kama. Hinawakan ko ang ulo ko na para bang naguguluhan.
" Anak! Gising na." tawag ulit ni nanay.
" Opo nay. Gising na po ako." tugon ko kay nanay at umalis na sa kama ko. Pag tingin ko sa orasan na nasa isang dingding ng silid ko ay nakita ko na 5:30pm na pala.
" Ano?! 5:30 na?!" (O_O) " Kyaaaa! Kailangan ko nang magmadali! Malelate na talaga ako!" sigaw ko.
Agad akong lumabas ng kwarto at agad kumain ng hapunan ko. Tapos nag-tooth brush, nagbihis, at dali-daling umalis ng bahay.
" Alis na po ako nay!"
" Sige! Mag-ingat ka anak ah?!"
" Opo!"
________________________________________________________________________________
" Male-late na ko! Male-late na ko! Male-late na ko!" ani ko sa sarili ko habang nagmamadaling naglalakad sa tabi ng daan.
" Kyaaa! >.< Nakakainis talaga! Bakit ba ako nakatulog! (TOT) Teka! Yung panaginip na yun. Parang totoo." sabi ko at napahina ang paglakad ko. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita ko na 6:09pm na.