PAUL'S POV
Lumapit sa'kin yung dalawa sina tyra at coline.Kahit papano ,naging close ko din tong dalawang magkasintahan nato ,matapos ng pag.uusap namin sa canteen kahapon.
Para nga kaming magkakaibigang tatlo dahil sa nagtatawanan kami at nagbibiruan.
"bro ,kumusta katabi mo?" tanong ni coline bago tumawa.
tss.
ang tinutukoy nya eh yung hanna ,wala kaming teacher ngayon dahil sa meeting nila.
wala din yung katabi ko na si hanna.
" tss ! ayun ! wala." sagot ko sa kanila.
" lumipat ka na kasi ng upuan ,para di ka naboboring !" sigaw ni coline sakin.
tumawa lang ako sa sinabi nya.
napatingin ako bigla sa likod nina coline,hindi ko pala namalayang andito na pala si hanna.
agad namang tumahimik yung dalawa pagkakita nila kay hanna.
si hanna nmn ay wala man lang pakealam at umupo lang sa upuan nya na katabi ko.
tiningnan nya yung dalawa at ilang minuto lang bigla syang nagsalita.
" bumalik na kayo kung saan kayo nakaupo " malamig nyang sabi kina tyra at coline..
"ahh.. sige bro , balik na kami ha !mukha atang may isang weird na nagpapaalis sa'min eh " bulong ni coline tyaka bumalik sila sa kinauupuan nila.
Tiningnan ko na naman si hanna ,nakatingin na naman sya sa labas ng bintana.
ano ba talaga problema nito ?..
" ano bang problema mo ?"
hindi ko napigilang magsalita dahil sa curiousity ko.
dahan dahan syang lumingon sa'kin.
" no pakealam mo ?" yun lang sagot nya at bumalik na naman sa pagtingin sa labas ng bintana.
tss. grabe tong babaeng to ..
suplada talaga.
kulitin ko kaya to araw araw ?
baka magbago pa to.
tama ! yun na lang ang gagawin ko ,ang kulitin to araw araw para di boring ang araw ko.^__^
HANNA'S POV
Natapos na ang meeting ng mga teacher at bumalik na nga yung subject teacher namin at nagsimula ng magturo.
Hindi ako nakikinig sa teacher namin at nakatingin na nmn ako sa labas ng bintana.
Nakasanayan ko na talagang tumingin sa labas ng bintana.
"hoy ! hoy ! grabe nmn ! seryoso mo talaga ano ? suplada mo pa ! pinaglihi ka siguro sa mangga ano ? maasim kasi mukha mo palagi eh !"
sabi ng katabi ko at habang kinakalabit yung balikat ko.
nakakabwesit talaga to.
hindi ko na lang sya inintindi.. iniinis lang nya ako eh ..
"hoy ! hanna banana ! tss ! boring mo talaga katabi ! menupos ka na siguro !" tuloy nyang sabi sa'kin.
tss! bahala ka dyan.
kahit magsalita ka ng magsalita ,wala akong pakealam sa'yo.=___=
PAUL'S POV
Peewws !=__=
pagod na ako ..
kahit anong gawin kong pangungulit dito sa babaeng to ,waepek ! hindi man lang lumingon sa'kin.
grabe ! wala nga talaga tong pakealam.
ano kaya gagawin ko ?..
akitin ko kaya to ?
siguro naman maakit ko to ,gwapo naman ako at cute ..
ay ? baka hindi .. hindi nga namamansin ,maakit ko pa kaya.
aish.
"ok class ... may ipapagawa ako project sa inyo at dapat dalawa kayong gagawa nito.. guguhit kayo ng isang lugar na pinakamaganda para sa inyo at dapat kayong dalawa ang magkakagusto sa lugar na iyon.." sabi ng guro namin.
"at.... ang partner ninyo ay ang mga katabi ninyo .. at ibibigay nyo ito sa'kin pagkatapos ng buwan na ito" patuloy na sabi ng teacher namin.
so ibig sabihin, itong katabi ko ang partner ko ngayon ?
si hanna..
naku.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya.
at nagulat na nmn ako ng nakatitig na pala sya sa'kin..
Nagkatitigan lang kami..at ilang minuto lang ay iniwas na din nya yung titig nya sa'kin.
anyare dun?=__=
psh.
HANNA'S POV
Ano bang nangyari sa dibdib ko kanina?
Parang ang bilis naman ata ng tibok..
nung narinig ko kasi yung teacher namin na magkakaroon daw ng proyekto at ang partner daw ay yung katabi namin eh parang nagulat ako..
sa totoo lang ngayon lang ako nagulat.
dahil nga,wala pa akong naging kasama o partner sa isang proyekto.
ako lang talaga mag.isa ang gumagawa .
dahil nga,wala din nmn akong katabi simula pa noon.. walang sino man ang lumalapit sa'kin.. at kahit grupo man..
Hindi ko namalayang tinitigan ko na pala sya sa mga oras na yun.
Pagkatingin na pagkatingin nya rin sa'kin..
bigla namang tumibok yung puso ko.
dugudugudugudugudug..O__O
ilang oras din kaming nagkatitigang dalawa.
pero ng mapansin kong matagal na pala akong nakatitig sa kanya agad ko ng iniwas yung tingin ko.
ngunit andun pa rin yung bilis ng puso ko..
hinawakan ko na lamang ang dibdib ko..
ano ba nangyayari sa'kin?
sa tanang buhay ko ,ngayon lang tumibok ng napakabilis itong puso ko ..
———————————————
waaaaahhhhh ! ano ?
sina hanna at paul muna ang magpopov ha !
sila kasi muna ang pinagtuunan ko eh !
wag kayong mag.alala,may ibang karakters pang sisingit dyan..
at hindi talaga mawawala doon ang kontrabida .. hihihihi !
pero,siguro sa ibang chapters ko na sisingitin pag.may maisip na nmn ako..
follow nyo po ako pls.:)