STIEVIER'S POV
" so stiev.. kumusta na ang sister mo ? happy ba sya ng dumating ka dun sa bahay nyo kahapon ?" tanong ni uncle mula sa sala ng bahay nila..
dinalaw ko sina auntie dito sa kanila,nagtxt kasi si uncle na gusto daw akong makita ni auntie..
Ngumiti ako ng matipid sa kanya..
" ayun ! mataray ! " sagot ko sa tanong ni uncle..
Tumawa ng malakas si uncle,bago sya nagsalita ulit..
"uuwi ka na ba ? anong oras na din ngayon..gabi na"
" ahh.. opo uuwi na din ako uncle.. baka hinahanap na ako ni mommy dun " ngiti ko sa kanya..
"ok then, magiingat ka sa pagmamaneho iho "sabi nmn ni auntie..
tumayo ako sa kinauupuan kong sofa bago nagkiss sa pisngi ni auntie..
" sige po .. alis na ako ..bye"
lumabas na nga ako ng bahay nila at sumakay sa kotse ko na kakabili ko lang din kanina.. at umalis na nga dun..
madilim na din ang gabi..at nagmamaneho ako sa gitna ng daan..
pero ,napahinto ako ng may makita akong 4 na tao..sa kalsada..
isang babae at tatlong lalaki..
mukha atang di maganda ang gagawin ng 3 lalaking to sa babae ah!..
bumaba ako sa kotse at lalapit na sana sa kanila..
ngunit ,nabigla ako ng sumigaw yung babae ..
" ahhhhhh ! bitawan nyo akoo !"
sigaw ng babae..
"bitawan nyo syaa! " basta basta ko na lang iyong sinigaw..
Napabitaw silang tatlo sa paghawak sa balikat ng babae at hinarap nila ako..
"hoy bata .. wa'g ka ng mangealam dito ".sabi ng isa sa kanila..
mga lasing ang mga lalaking to ha.
Tiningnan ko yung babae,halatang nanginginig sya..
" wa'g ? eh kung mangealam ako ? anong gagawin nyo ? tss. " mayabang na sabi ko sa kanila..
Tumawa silang tatlo na parang mga baliw lang.
kadiri ang mga mukha ng mga to.
ang papangit.=__=
"e di ,bubugbogin ka namin !" sigaw ng isa..
Ngumiti ako sa kanila..
sige lang..
kung kaya nila ang gwapong katulad ako..
magaling ako sa bakbakan na ganito..
this is my favorite..
"really ? me first !" sabi ko ,bago ko sila binugbog isa isa..
*suntok doon*
*suntok dito*
*sipa doon*
*sipa dito*
dahil sa wala na silang laban agad silang kumaripas ng takbo papalayo..
psh.
mga mahihina..
Napansin kong uminit yung gilid ng labi ko kaya hinawakan ko ito gamit ang thumbs ko at tiningnan ito,may dugo na pala..
hindi ko pala namalayan kanina na nasuntok pala ako sa baba ng isa sa kanila..
ay !
yung babae pala..
tiningnan ko yung babae at ganun pa rin sya..
nanginginig pa rin ..
nilapitan ko sya..
"ahm.. miss ? are you ok ?" tanong ko sa kanya..
ngunit di nya ito sinagot samantalang nanginginig pa rin sya.
"miss.. gusto mo ihatid kita sa inyo ?" tanong ko uli sa kanya.
"g-gusto ko ng u-umuwi " nginig nyang sabi..bago sya naglakad papuntang kotse ko..
yss.
ayos din tong babaeng to.
Sumakay na din ako sa kotse at umalis na nga kami dun..
HANNA'S POV
Hindi ko alam kung bakit ako basta basta na lang sumakay sa kotse ng lalaking to.
ang gusto ko lang ay umuwi sa bahay..
di ko talaga sya kilala..
at di din nya ako kilala..
pero,bakit nag.effort pa syang tulungan ako ??
dapat sana ,pinabayaan na lang nya ako dun..
kaya ko nmn sila eh..
pero,
kaya ko nga ba sila ?
aaminin ko,natakot ako kanina.. naalala ko kasi bigla ang nakaraan ko..
kinalimutan ko na yun..
napapikit na lang ako para kalimutan yung nangyari..
pls.
kalimutan mo na yun ..
hanna ..
medyo nawala na yung panginginig ko ngayon pero andoon parin yung takot..
"hinto " sabi ko ng mapansin kong malapit na yung tinitirhan ko dito..
"hinto ? saan ba bahay nyo ? hindi ka kasi nagsasalita kanina pa eh " sabi nya sa'kin..pero hininto naman nya yung kotse..
hindi ko sya sinagot samantalang bumaba ako agad sa kotse nya..
hindi ko dapat to kausapin,
at mas mabuting dito na ako bababa ..
"uyy sandali lang miss ! hindi ka ba magpapasalamat sa'kin sa pagtulong ko sayo ?" sabi nya..sa pagkakataong din yun ,bumaba na din sya ng kotse..
tinitigan ko lang sya at ilang minuto din bago ako sumagot..
"hindi.. at hindi ko sinabing tulungan mo ako.." malamig kong sagot sa kanya.
Doon din nawala yung ngiti sa mga labi nya.
psh.
bahala ka dyan.
at lumakad na nga ako papaalis doon..
————————
TO BE CONTINUED.
HAHA..
AYUN..MEET NA DIN SILA NI STIEVIER AT HANNA..
ANO NA KAYA ANG KAHIHINATNAN SA STORYANG TO ?
follow nyo po ako pls.