CHAPTER 2

52 3 0
                                    

I hailed a taxi to take me back to our building after Alex drove to pick Samantha. He insisted to drive me back but i shood him away. It's 6:30 already and the traffic in Manila is really crazy at this time. He might get late for his date.

I have to get my car.

While sitting on the passenger seat of the taxi, my eyes took a glimpse of the city lights in Manila.

A different sight from the quiet province I used to live in. Doon sa Negros,ay ganitong oras nasa bahay kana at maririnig mo nalang ang mga kuliglig sa tubuhan at palayan. Tuwing umaga, ang pupukaw sayo ay ang huni ng kawayan at ng ilog na malapit lang. Dito, ang pupukaw sayo ay syempre alarm clock at busina ng mga motoristang walang kapaguran.

A sense of nostalgia and  homesickness striked me.

It's been 5 years now since I left my hometown and ventured in this strange land, alone.

I left my town in search for a new life. Umalis ako upang kalimutan ang nakaraang bumalot sa akin ng sobrang sakit at sobrang panghihinayang. 

"Nice, may assignment kana sa Physics?"

"Wala pa nga Pao eh. Di ko naintindihan ang topic n Ma'am kahapon."

Nahihiyang tugon ko kay Paolo. Sabay hawi sa magulo at makati kong buhok dahil sa kuto. Minsan lang niya ako pinapansin. Madalas kasi, mga varsity ang kasama niya. Pogi si Pao at lihim ko siyang crush simula pa nung Grade School kame. Pero alam ko namang walang pag.asang mapapansin niya ako dahil bukod sa maitim ako, magulo at kutuhin ang kulot kong buhok ay ako ang feeling kong pinaka mahirap.

Madalas akong nagtatago sa library tuwing recess dahil wala akong pambili ng pam pam, (ang tinapay na may palamang pula na sobrang sarap lalo na pag basa) at ice water. 

Ano kaya ang nakain niya at pinansin ako?

"Eto, kopyahin mo nalang ang assignment ko. Basta pa kopyahin mo ako ng assignment sa English ha. Di ko naintidan ang poem na binigay ni Ma'am eh"

"Talaga? Tenkyu ha. Tenkyu talaga. Sige gagawan kita ng Literary Criticism para hindi mahalata ni Ma'am na kinopya mo lang."

"Ayos! Sige kita nalang tayo mamaya. Diyan nalang muna sayo ang notebook ko. Eto pala ang Creative Writing ko."

Inabot niya sa akin ang kanyang dalawang notebook. Ang isa, kokopyahan ko ng assignment, ang isa, gagawan ko ng assignment. Ayos din ano.

" Uy Nice, assignment naman diyan oh. Nadudugo na ang utak ko sa kakaintindi ng Science natin, ayaw talaga"

Reklamo ng kaibigan kong si Ysai na kararating lang sabay tapon ng backpack niya. Ysabelle ang tunay niyang pangalan at pareho kaming bonak sa Math at Science at Economics at lahat ng may numbers.

" Eto Sai, binigyan akong assignment ni Paolo"

Someday I'll Get HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon