"Alex... Hayaan mo naman ako makapag paliwanag." Pagmamakaawa niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko at nakaluhod.
Ang sakit para sa akin na nakikitang ganyan ang taong mahal ko. Parang may unti-unting tumutusok sa puso ko habang nakikita ang mga mata niya na puno ng mga luha ng dahil sa akin. Puro ako! Palagi nalang ako! Ako nalang palagi ang puno't dulo! Ayaw ko na ng ganito. Gusto ko nang magpahinga pagod na pagod na ako. Palagi nalang akong umiiyak at nasasaktan.
"Ayaw ko na... Pagod na pagod na akong umiyak at masaktan. Ayaw ko na nang ganito." Sabi ko sa kanya at kinalas ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad
"No! Alex!" Sigaw niya ramdam ko na hinabol niya pa ako.
Nang maabutan niya ako ay yinakap niya ako patalikod. Mahigpit na mahigpit. Lalo lang bumuhos ang mga luha ko.
"Kaya mo yan. Kaya natin to. Isa lang to sa mga pagsubok na kailangan nating lagpasan..." Sabi niya saka humikbi.
Kinakalas ko ang mga braso niyang nakapalupot sa akin pero hindi ko magawa dahil nanghihina na ako. Nanghihina ako dahil ramdam ko sa tono niya na talaga nasasaktan siya. Lalo na at nadidinig ko na humihikbi ang lalaking pinakamamahal ko nang sobra...
Iniharap niya ako sa kanya. Hindi ako tumingin sa kanya. Ayaw kong tumingin sa mga mata niya. Hinuli niya ang mga mata kong malikot, hindi ako nag-iwas ng tingin kahit walang tigil ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Ganun din ang sa kanya. Linabanan ko ang tingin niya
"Wag kang sumuko Alex... Kaya natin to. Mahal na mahal kita. Ayaw kong mawala ka sa akin dahil di ko alam kung anong gagawin ko pagnawala ka sa tabi ko..." Pumiyok siya habang sinasabi ang mga huling kataga. Napapikit ako ng mariin. Ang sakit pakinggan at makita na nasasaktan siya ng sobra sobra ng dahil lang sa akin.
Nagdilat ako ng mata. Pagmulat ko, bakit ang labo ng mukha niya? Ano ang nangyayari? Ginala ko ang paningin ko sa buong lugar pero malabo pa din. Huminga ako ng malalim dahil nahihirapan na akong huminga. Kinalas ko ang mga kamay niya na nakahawak sa mga braso ko at hinawak sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga!
Unti-unti na akong napapaupo sa sahig.
"Alex! Alex! Anong nangyayari sayo?!" Sigaw niya sa pag-aalala. Hinawakan niya ang magkabila kong siko at unti-unting itinatayo.
Nahihirapan pa din akong huminga. Wala akong makita. Napahawak na ako sa mga braso niyang naka-alalay sa akin ng dahil sa takot. "Alex... Dahan dahan ang paghinga. Inhale.... Exhale..." Pina-ulit ulit niya iyon sinunod ko naman pero napa-iling nalang ako dahil hindi gumagana. At mas lalong napaiyak.
Ayaw kong makita niya ako na nagkakaganito. Dahil mas lalo siyang mahihirapan.
Inalalayan niya ako para maglakad patungo sa kotse niya. Pero nakaka-ilang hakbang pa lang kami nang mas lalong bumigat ang paghinga ko, malabong malabo na ang paningin ko "A-a-sh, m-mahal n-n-na mahal k-kita"
"Mahal na mahal din kita Alex..." Unti-unti nang bumibigay ang katawan ko. Parang gusto nang bumagsaka. "Alex?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pagod at ipinikit ang mga mata "Alex!" Hindi ko na kinaya. Tuluyan na ngang bumagsak ang katawan ko sa mga bisig niya.
BINABASA MO ANG
The Sacrifices
Teen Fiction[A T T E N T I O N ❗❗] P L E A S E R E A D Hope you like it guys!! Promise ma-eenjoy niyo. Alam kong 'promises are ment to be broken' pero iba na kapag ako ang nag promise. Tinototoo ko lahat ng promise ko. Taglish itis😂