Maaga ako nagising kinabukasan, hindi ko na sila ginising dahil masyado pang maaga para bumangon sila. Alam ko din naman na napuyat sila kahapon dahil sa panonood.
Naka v-neck t-shirt na black lng ako at leggings. Pababa na ako sa parking lot ng building nang mapatalon ako sa gulat sa ringtone ng cellphone ko.
/Lala lalala lalalala~ lala lalala lalalala~/ wag kayong ano yan yung tunog ng cp ko
'Mga berat talaga na yun! Palitan daw ba yung ringtone ko. At ang pinalit pa talaga ay yung intro sa Ice Cream Cake ng red velvet! Yun pa naman ang pinaka kinatatakutan ko!huhuhu
Inis na hinanap ko sa bag ko ang cellphone ko para matigil na yung creepy na tunog. Mag isa pa naman ako sa elevator. Nung makita ko na, pinatay ko kaagad sa inis. Alarm lng pala!
Nang makarating na ako sa parking lot ng building, kinapa ko na ang susi ng aking MIO sa bulsa ko. At saka nagdrive papunta na sa school.
Walang pang masyadong sasakyan kaya mabilis lng ang byahe ko. Pinapasok naman na ako ng guard pagkarating ko sa gate ng university. Di pa naman ganun kadami ang mga estudyante, kase nga maaga pa.
Nilapitan ko si manong guard, "kuya, andyan na po ba si sir Jacob?"
"Wala pa siya alex, eh. Pero baka malapit na siguro yun. Sabihin ko nlng na nadun ka na sa practice room kapag pumasok na siya."
"Sige po. Salamat!"
"Sige, you're always welcome." sabi niya saka ngumiti. Grabe si manong ahhh may pa-english kay aga-aga eh...
Dumeretcho na ako sa pr, pansin ko namang wala pang tao. Hinanap ko yung susi ng pr sa bag ko at pumasok na.
Deam lights lang ang binuksan ko, dahil ayaw ko ng masyadong maliwanag. Niconnect ko na yung cp ko sa bt speaker sa pr at nagpatugtog para naman marelax ako at makapag warm up.
Pinatugtog ko naman yung isang kpop song na Don't Wanna Cry ng kpop group na seventeen. Kasama pa rin ito sa pag wawarm up ko, dahil hindi ito kasama sa sasayawin namin para sa intrams.
Nang matapos na ako sa pagsasayaw sa kanta ng seventeen, lumapit ako sa bt speaker kung saan nandoon sa tabi ang cp ko. Ililipat ko na sana sa kanta ng momoland na Bboom Bboom nang biglang may nagsalita sa likod
"Mas magaling ka pa palang sumayaw 'pag malapitan."sabi ni Tristan saka lumapit ng bahagya. Nginitian niya ako na sinuklian ko din ng mlawak na ngiti. Hindi ko napansing pumasok pala siya kanina
"Salamat..." sabi ko, nalaglag naman ang panga ko ng makita kong may hawak siyang bouquet ng bulaklak. Natikom lng ito ng binalik ko na ang tingin ko sa mukha niyang malaki ang ngisi na nagpapalitaw sa kanyang dimples.
Tiningnan niya muna ang bulaklak saka siya lumapit sa akin "flowers, for you. Alex..." tinanggap ko naman ito habang nakatingin ng diretcho sa mga mata niya.
"Para saan ang mga bulakalak?"
"Wala lng..." sabi niya sabay kamot sa kanyang batok, at pansin ko ding namumula ang mga pisngi niya. 'Haha how cute...'
"Ahh okay, salamat." Sabi ko sa kanya sabay ngiti, ngumiti naman siya ng pagkalaki-laki kaya mas lalong lumiit ang mga mata niyang maliit na talaga.
"Bakit nga pala ang aga mo? Mamaya pang seven ang classes ah... Six palang ngayon." Sabi ko habang nilalapag ang bouquet ng flowers sa tabi ng mga gamit ko.
"Uhm kasi... G-gusto kita...'' putol nya sa sinasabi nya ''makita ng malapitan habang sumasayaw..." Dagdag niya pa ng 'di makatingin sakin ng diretch
BINABASA MO ANG
The Sacrifices
Teen Fiction[A T T E N T I O N ❗❗] P L E A S E R E A D Hope you like it guys!! Promise ma-eenjoy niyo. Alam kong 'promises are ment to be broken' pero iba na kapag ako ang nag promise. Tinototoo ko lahat ng promise ko. Taglish itis😂