Simula

19 1 0
                                    

Home

"Imogen!bumangon ka na diyan!nakahanda na ang almusal"nasilaw ako ng buksan ni Manang Luisa ang bintana ng kuwarto ko.

"Five minutes,manang!"inaantok na saad ko.

"Bumangon ka na diyan o bubuhusan kita ng tubig"pananakot nito na agad kong ikinabangon.Knowing Manang Luisa,she can do that to me!

"Babangon ka rin pala!dalian mo at para makakain ka na!"saad nito at lumabas na ng kwarto ko.

Bumangon ako at tumakbo patungong bintana at dumungaw.Napangiti ako ng humampas sa akin ang preskong hangin.Pumikit ako at dinama ito.

"This is Brescia,this is life!"

Nakangiting saad ko habang tinatanaw ang iilan sa aming mga trabahador namin na abala sa ilalim ng tirik na araw.

Hindi pa ako nakakapasiyal sa lupain namin dahil gabing-gabi na ako nakarating rito.Kung hindi pa nga  magbi-birthday si Ittaly ay hindi pa nila ako papauwiin rito.

Almost ten years na akong hindi nakakauwi rito sa Brescia.Nakakauwi naman ako rito sa pinas,pero laging sa bahay lang namin sa Manila dahil madalas rin doon si Mom at Dad dahil sa pag-aasikaso ng kumpanya namin roon.Saglit lang din naman ako roon at agad din akong pinababalik sa London.

Ang Dad ko ay si Francisco De Vera,pag-aari namin ang malaking lupain rito sa Brescia,ang hacienda,hanggang sa rancho.

Ang Mom ko ay si Briana Esguerra De Vera at ang aking pinakamamahal na lola ay si Lola Isabel Esguerra.And my ate,Ittaly Esguerra De Vera,she's four years older than me and today is her birthday,she's now 23.Magkakaroon mamayang gabi ng salo-salo na gaganapin sa aming garden kaya abala—

"Imogen!"napapitlag ako ng marinig ko na naman ang sigaw ni Manang Luisa,manang luisa came from my dad's family so manang luisa is that important and a part of us.

"Ito na ho!"sigaw ko at dali-daling nagtungo sa banyo ko para maligo ng mabilisan.

Isang sleeveless Floral Dress na above the knee ang isinuot ko.Minasdan ko ang sarili sa full length mirror ko,im gorgeous,tall,white skin,slim body with my rosy cheeks and down to my pinkish lips.I do not need any make up!I fix my elbow length brown hair with its semi curl ends.

Nang maiayos ko na ang pagkakalugay ng buhok ko ay agad na akong lumabas ng kuwarto at patakbong bumaba ng hagdan at tumakbo papuntang kusina.

"Good.....morning!"nawala ang sigla ko ng makita na tanging ang nakahalukipkio lamang na si Manang Luisa ang naroroon at ang pagkain ko sa lamesa.

"Where are they Manang?"i asked slowly as i sat down quitely.

"Si Francisco at Briana maagang lumuwas ng maynila,ang lola mo ay nasa mga Alcantara para kumbidahin sa salo-salo mamaya.Si Ittaly kaaalis lang para mamigay ng imbitasiyon,si Xander nasa Rancho parin!"paliwanag ni manang at lumabas ng kusina.

So,iniwan nila ako dito.Ng mag-isa!

Nagbuntong hininga na lang ako at kumain.

"Manang.Bakit hindi niyo ako ginising nang maaga para man lang nakasama ako kahit kay Ittaly man lang"hindi na bago para sa kanila na hindi ko tinatawag na 'ate Ittaly' ang ate ko sa halip ay 'Ittaly' lamang ang tawag ko sa kanya.Ayoko siyang tawagin na ate,i don't want to look any younger!i hate being called young!

Sinundan ko sila matapos kong ilagay sa sink ang plato ko.

"Hinayaan ka na muna nila para makapagpahinga"saad nito habang bitbit niya ang isang basket kasama ang iba naming katulong na may dala ring basket.

When The Young Lady's Fall Inlove :Where stories live. Discover now