Kabanata 2

11 1 1
                                    

Are you...

Tanghali na nang magising ako.Gabing gabi narin kasi ako nakatulog kagabi.

Bumangon ako at agad na dumiretso sa banyo.Nagsuot ako ng isang high waist fitted ripped jeans at isang simpleng white V-neck shirt na naka tack-in.Isinuot ko ang combat boots at nagpabango.

Ibinulsa ko ang phone ko at lumabas na ng kwarto.

"Imo,buti naman at nagising ka na!"nakangiting saad ni Ittaly ng makasalubong ko ito sa hagdan.

"Tinanghali na ako ng gising,kumain ka na?"tanong ko habang naglalakad kami papuntang kusina."Hindi pa,hinintay kita para sabay na tayo"natawa ako dahil sa sinabi niya at naupo kami matapos ihain ng isa sa mga katulong ang aming almusal.

"Si manang?"tanong ko kay Ittaly.

"Isinama ni lola sa mga Alcantara"napatango ako dahil doon,si Xander ay malamang nasa rancho at si mom at dad ay nasa Manila at may inaasikaso.

"Kailan ang balik mo sa London?"i pouted when Ittaly asked that!
"Don't get me wrong,baby.I'm just asking it's not that i don't want you to be here,hindi ba ay may pasok ka parin?"Ittaly explained.

"Yah!don't call me baby!—ayoko nang bumalik roon!"malungkot na saad ko."Why?"marahang tanong ni Ittaly.

"I'm all alone there!i just want to be with all of you,here.Gusto ko na dito na lang din ako kagaya ninyo ni Xand,pero—"

"Hayaan mo at tutulungan kitang kausapin si Mom at Dad tungkol sa bagay na iyan!"napangiti ako dahil doon."Really?"i asked.

"Oo naman no—sige na kumain na tayo!"natapos kaming kumain ni Ittaly ng masayang nagkukwentuhan.

"Sumama ka sa akin doon sa lupain na ipinapaayos sa akin ni Dad!"saad ni Ittaly ng maupo kami sa sofa.

"Kailan?ngayon?"tanong ko.
"Maya maya,wala pa si Bullet!"napahinto ako dahil roon,medyo nakaramdam ng kirot ng maisip na susunduin siya ni Bullet.

"Ittaly,gaano na kayo katagal magkaibigan ni Bullet?"tanong ko na ikinangiti niya at tila may inalala.

"Since nung first year College ako,pareho kaming tatlo nila Xander ng kurso,simula noon mas naging close na kami hanggang sa naging mag bestfriends na kami.Si Dad at ang dad ni Bullet ay magkaibigan kaya malapit talaga sa atin ang pamilya nila.Habulin talaga noon si Bullet ng mga babae at heartbreaker pa nga siya noon,pero ngayon sa tingin ko ay nagbago na siya"nakangiting pagkukwento niya.

"Nagbago na?how did you know?boyfriend mo na ba siya?"nakangiting tanong ko kahit na may pait akong nararamdaman.

"Ano ka ba!hindi no,magkaibigan lang kami,as in.I knew it because we're friends diba,kaya masasabi ko na nagbago na siya"tumatawang saad ni Ittaly.Napatango na lang ako dahil roon.

"Ah ano nga bang gagawin natin doon sa lupain?"tanong ko.

"Kailangan nating linisin.Ayos lang ba sayo?"natawa ako dahil roon.
"Parang sinabi mo naman na hindi ako marunong maglinis!"nagtawanan kami dahil roon.

Nagkukwentuhan kami ng pumasok ang isang lalaking nakasuot ng isang itim na V-neck,it was Bullet and i can smell his aftershave and his tangy smell.

Tumingin ito saglit sa akin at ibinaling na ang tingin sa nakatayo ng si Ittaly.

"Bullet,kanina ka pa sa labas?"tanong ni Ittaly,ngumiti si Bullet at umiling.

"Hindi,kararating ko lang!"nakangiting sagot nito kay Ittaly,habang ako rito ay nakaupo lang at pinagmamasdan silang mag-usap.

"Kumain ka na?"tanong uli ni Ittaly,napailing ako dahil nakaramdam na naman ako ng medyo pagkaselos—they're bestfriends Imo!isip isip ko.

"Oo,tapos na.Tara na?"tanong nito at binalingan naman ako ni Ittaly at hinila patayo."Tara na!isasama ko si Imo"nakangiting saad ni Ittaly habang naka angkla sa aking braso.

Nag-taas ng kilay si Bullet na para bang hindi makapaniwala.I almost rolled my eyes at him,bakit hindi na lang siya ngumiti sa akin,hindi yung tataasan niya lang ako ng kilay!

Kainis!

Kahit naiinis ay ngumiti ako ng malaki sa kanya."Ittaly sa tingin ko ay ayaw niya akong ipasama sayo!"nakangising saad ko.

Nagulat ako ng tumawa si Bullet sa harapan ko.Even his laugh is sexy,i really like this man!

"Huh?ano bang sinasabi mo,Imo?"matawa-tawa ring saad ni Ittaly.

"Is that what you think so,young lady?"nakangising saas ni Bullet na mas ikinaasar ko.

Damn that 'young lady'.Talaga bang inaasar niya ako?

"Ah mabuti pa,umalis na tayo!"aya ni Ittaly at hinila na ako palabas ng bahay habang kasunod namin si Bullet na narinig ko pang tumawa.

Binuksan ni Bullet ang shotgun seat ng Sedan niya at pumasok na roon si Ittaly—i almost cursed outloud when i get the idea that,that seat is Ittaly's seat.Isinara ni Bullet ang pinto at kami na lang ang naiwan sa labas.

Lumapit siya sa akin at medyo tumungo para abutin ang pintuan ng backseat,kung saan ako uupo.Dahil doon ay tumama ang ulo ko sa matigas niyang dibdib,mas lalo ko siyang naamoy dahil doon.

Umatras ako dahil ang bilis ng tibok ng puso ko."Get in"pabulong na saad nito kaya dali dali na lang akong pumasok at isinara niya na ang pinto.

Binuksan ko ang bintana ng kotse niya at dumungaw roon.

Fresh air kissing my face,ang buhok kong nakalugay ay hinahangin sa likuran ko.Inilabas ko ang kamay ko at ngumiti sa mga trabahador namin na nadaanan namin sa biyahe papunta sa lupaing sinasabi ni Ittaly.

"Magandang umaga po sa inyo!"ang mga trabahador ay napatingin dahil roon,ang iba ay bumati pabalik,at ang iba naman ay kumaway.

Naging abala ako sa pagtanaw sa labas ng maging mabato na ang daan kaya naman ay nauntog ako.Malakas iyon kaya napahawak ako sa ulo ko.

"Aray ko!"daing ko.May narinig akong mura pagkatapos ay huminto ang sasakyan.

"Are you hurt?"isang iritado at nag-aalalang si Bullet ang dumungaw sa akin.Napatitig lang ako sa kanya dahil doon.Narinig ko naman na nagsalita si Ittaly pero hindi ko iyon pinansin.

Nagulat na lang ako ng bumaba sa sasakyan si Bullet at umikot sa kinaroroonan ko at ibinukas ang pintuan.Nakakunot ang noo niya na isinandal ako sa upuan ko at ikinabit niya ang seatbelt ko.

"Bakit hindi mo kasi isinuot yan?Just sit here quitely and stop being so feisty!"saad nito at isinara na ang pintuan at bumalik na sa Driver seat.

Biglang uminit ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ayos ka na,Imo?"marahang tanong sa akin ni Ittaly.

"A-ah oo,Ittaly!ayos ako!"mahinang saad ko at itinuon ko na lang ang pansin ko sa labas ng bintana,habang nakahawak sa seatbelt ko at sinunod ang sinabi ni Bullet na umupo lang ako ng tahimik dito.

Is he worried at me?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When The Young Lady's Fall Inlove :Where stories live. Discover now