Chapter 6: Boys

2 0 0
                                    

It feels a lil weird wearing this dress, I mean yeah the dress is soooo lit but I don't think bagay sakin to, hay nako. Bakit ba kasi hindi ako skinny gaya ng ibang girls?

"By the way, you look perfect and stunning."

FFFFFFFFFFFFF!
Heeeeell no! Stop thinking about what Axel told you! Binobola ka lang nya! Pero maganda naman talaga ako, pero... Kasi naman eh! Sige na nga, oo na maganda na nga ako. *Sigh*

I am Zofia Gabriella Acosta, and I am a confident lady, and I need no man just to prove them how beautiful I am.


Wait

What the f am I trying to say? Gabby you are now being sooo confident, AND ITS A BIG BIG NO! Aattend ka lang ng birthday party te ha? Paalala ko lang, wala ka sa pageant!

"You look so pre-occupied, what's bothering you?"

Ano banaman 'tong taong 'to! Bigla bigla nalang nag sasalita, nakakagulat palagi.

"Uhm, wala to Nathan. Uh ano kasi, gutom nako."

Napakagat labi nalang ako, nag sinungaling ako sakanya. Kakakain ko lang kaya, wala na, sira na diet ko. Mukang mapapasabak ako neto sa kainan ah!

"Waiter!" Tawag niya habang nakatingin parin sakin. Wow ha? Parang resto lang?

Agad namang may lumapit na mga waiter sa table namen. May dala silang mga pagkain, akala ko ba catering to? Ano to? Diba dapat self-service?

"Hmmm, let me check what dishes you have prepared for her."

For her? For me? Anong for her? Sakin lang lahat yan? Eh halos sampung dishes ata yan!

"Garlic Chicken, Carbonara, Beef Steak, Corn Soup, Donuts, Hawaiian Pizza, Special Fried Rice, Leche Flan, Ube Halaya, Deep-Fried Shrimp at Fries. Asan yung cookies and cream na ice cream?"

Woah, shems wait, birthday party paba to? Or resto? Ansasarap naman ng kinuha ni Nathan para samin! Puro mga favorite ko, how can I say no to foods kung ganyan sila kasarap?

"Sir, hindi pa po kasi sya ganun ka tigas kaya dipa po siya available, pero siguro po pag tapos niyo kainin yung mga dishes panigurado, okay na po siya."

Abay malamang, sa dami banaman ng dishes nato, baka pag labas ko dito mukha nakong buntis!

"Matatagalan talaga kaming ubusin to, sa dami neto. Tsk, sige na ilapag niyo na yan dito."

Agad nilang inilapag ang mga dishes sa lamesa. Makautos talaga 'to, akala mo sa una introvert, shy type, may kakapalan din pala tong lalaking to pero in a good way naman, for foods naman eh.

"Now, eat em all." Namilog ang mata ko sa sinabe niya. "What?" Dagdag niya pa.

"Ako lang mag isa? Tingin mo ba kaya ko ubusin yan?" Saad ko habang nakatingin sa lahat ng pagkain sa mesa.

"Sus, inubos mo nga yung dalawang malaking plastic ng pagkain kanina, ayan pa kaya." Sabay tawa ng nakakaloko.

"Yun na nga eh, busog na busog nako!"

"Sus, kunyari kapa! Nahihiya ka lang kumain sa harap ko eh, siguro crush moko?" Inilapit nya yung muka nya sa akin habang nakangiti. Nag papacute pa sya! Kala nya naman madadala niya ako sa ganyan niya. Syempre oo! Ay, este hindi!

"Bakit ako mahihiya sayo? Gusto mo pati ikaw lamunin ko ng buo eh." Inis kong sabi na ikinatawa nya lang.

---

Ilang oras na nakakalipas inaantok nako. Tsaka anong oras na nga ba? 11:40 na?!? Ang bilis naman ng oras, owemji I need to go home na before ako mapagalitan.

Tumayo ako at hinanap si Gabriel. Asan na ba si Gabriel?

"Gabriel!" Para akong baliw na sinisigaw pangalan nya.

"Wala na si Gabriel, kakaalis lang." sabi ng lalaki sa likod. Si Axel

"Kakairita talaga yung lalaking yun, makauwi na nga..."

Biglang sumulpot si Nathan sa harap ko.

"Hatid na kita/ sabay ka na sakin"  sabay nilang tanong dalawa. Ang sama ng tinggin nila sa isa't-isa, parang thug of war tapos ako yung lubid pero mata gamit nila. Ughh nakakaloka silang dalawa.

"Ahh kaya kong umuwi mag-isa. Thank you nalang. Bye" pumunta ako kay Chloe para magpaalam and diretso na uwi nako. I am a strong independent woman na kayang umuwi mag-isa HAHAHAHAHA.

End gameWhere stories live. Discover now