{* Raven's POV *}"Raven!Anong nangyari?!" sabi ni mama papunta sakin.
"M-ma." niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit.Sa nakita ko sa box, parang hindi na ako makakatulog at makakakain pa.Sino naman kaya ang magbibigay ng ganon sakin?Kadiri sya ah.
"Bakit?Anong nangyari?"
Umiling lang ako ng umiling.Baka hindi nanaman nya ako paniwalaan.
"Sige na sabihin mo na anak."
"M-ma..Y-yung..Yung box...May..May mga mata..I know you won't believe me..Pero ma..Totoo.Please maniwala ka sakin.Ang daming mata.Tapos..Tapos may sulat.."
"Shh.Wag ka nang umiyak.Anong sulat?" sabi ni mama habang hinahagod yung likod ko.Nakayakap pa rin kasi ako sakanya.
"S-sabi, All eyes on you daw.Tapos yun m-may mga mata sa loob." tapos naiyak nanaman ako.
"Shh.Tahan na anak.Kanino ba raw galing iyan?"
"Hindi ko a-lam ma.Wala ng ubang sulat kundi yun lang." humihikbi na ako sa sobrang iyak.
"Sige na.Itatawag na lang natin to sa mga pulis ok?Ipapahanap natin yung nag deliver nung box sa'yo."
"No.W-wag na ma.H-hindi nila tayo m-matutulungan.P-please ma." ayokong mag sumbong si mama sa mga pulis.Kasi wala silang alam sa mga nangyari kung itatanong man nila saakin.Kaya ko na to mag isa.
"Sigurado ka anak?" tumango-tango lang ako habang umiiyak pa rin.Feeling ko hanggang sa pag tanda ko tatatak sa utak ko yung mga matang nasa box.
"Ate,bakit nag iyak ka?Sino nag away sa'yo?Gusto mo suntukin ko yun?" si James.Kaka baba nya lang sa hagdan.Kagigising nya pa lang ata.Agad akong kumalas sa yakapan namin ni mama at pinunasan ko ang mga luha ko.
"Kaw talagang bata ka!Ok lang si ate.Napuwing lang ako tapos niyakap ako ni mama." sabay gulo sa buhok nya.Ayoko na rin syang mag alala pa.Masyado pa syang bata.
"Sure ikaw?"
"Sure na sure!" tapos nag smile ako ng pilit.Ayoko mag pakita ng lungkot at takot sakanya.
"Balik lang po ako sa kwarto ko." paalam ko.Gusto kong matulog.Pero paranv hindi ata mangyayari yun sa mga nangyari at nakita ko kanina.
"Osya sige at mag luluto na ako para sa hapunan mamaya."
"Ate sama mo ako!"
"Haha sige tara." at hinawakan nya yung kamay ko.Nasa hagdan pa lang kami nang may maramdaman akong malamig sa may batok ko.Ang wierd.Hinawakan ko yung batok ko tapos may naramdaman akong kamay.Ang lamig ng kamay.Napapikit na lang ako sa sobrang takot at kinabig iyon.Lilingon pa lang sana ako nang mag salita si James.
"Ate pwede ba matulog ako sa kwarto mo?" sabay pa ng pag papacute nya.Aay!Ang cute nya!Dahil sakanya mas nawawala yung pinoproblema ko eh.Hindi ko ata kaya pag nawala tong kapatid ko.Masyado ko tong mahal.Pati sila mama at papa.
"Pwede naman.Basta behave ka lang and don't ever touch my things ok?Kung gusto mo,pwede ka mag dala ng ilang favorite mong toys ok?"
"Ok!" sabay thunbs up pa.
Pag dating namin sa kwarto ko,humiga na ako kaagad.Si James naman binuksan yung TV at nanood lang ng cartoons.Binabalak kong matulog pero hindi ko magawa dahil sa mga kababalaghang nangyari kanina.Unang una,dahil sa mga pesteng mata sa mall.Hindi ko alam kung totoo ba yun o design lang sa damit pero sure ako na totoo yun.Pangalawa,dahil dun sa box of eyes!Hanggang ngayon pag naiisip ko yun nasusuka ako.Sino naman kayang mag papadala ng ganong kadaming mata saakin?Bulag ba ako?pangatlo,yung kamay sa batok ko na hindi ko nagawang tingnan dahil baka ma freak out lang ako sa itsura nun.Ihh ayokong isipin.At pang apat,dahil sa pinapanood ni James na cartoons.Ang lakas kasi ng volume kaya rinig na rinig ko yung mga dada ng Teen Titans.
YOU ARE READING
Stella
HorrorA girl who only wants to be happy. A girl who have a normal family and friends. But one day,she found out something--wait "someone" that changes the cycle of her life. Lets figure it out and you'll know EV.RY.THING :>