{*Raven's POV*}Tapos na lahat ng klase ko, same as Zaylee and Jinx. Medyo kinakabahan pa dahil may 'iuuwi' akong lalaki sa bahay. At take note, palihim pa talaga. Mom and Dad will going to kill me if they knew about this. Pero bahala na si Wonder Woman.
"Tara na?" tanong ni Jinx saakin pag kalabas namin sa room kasama si Zaylee. Tumango lang ako sakanya upang tugon.
"Beshybells, bili muna tayo ng kwek-kwek oh." sabay pa-cute. Wala na rin naman akong nagawa pa. She already drag me papunta sa may gate. Si Jinx naka sunod lang. Jinx is a lazy person. He doesn't run. He doesn't talk fast. He's just so calm. Hindi naman sa nag mamayabang pero, nag iiba lang ata ang expressions nya kapag ako na ang kaharap nya. Ngumingiti sya na para bang wala ng bukas. Masaya lang sya.
Nang makarating kami sa may nag titinda ng kwek-kwek, agad akong kumuha nag order kay manong vendor. Pati rin sina Jinx at Zaylee.
"Libre ko na kayo." suhestyon ni Jinx. Sunod-sunod na iling naman ang tinugon ni Zaylee. "No. I insist guys, ako na mag lilibre sainyo. Ako naman ang nag ata eh. Hihi." usal nya. Tumango tango na lang kami ni Jinx. Nang ibigay na saamin ni manong ang binili namin, agad na binayaran ni Zaylee ang lahat at tumambay kami sa malapit na tindahan sa school. Umupo kami sa maliit na upuan na kakasya ang tatlong tao.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo besh? Pano 'pag nalaman ng mother earth na nag uwi ka ng boylets sa houesey ninyo?" Zaylee asked as she sat down beside me. While Jinx just stood in front of us.
"To be honest, i'm still not sure. Bahala na si batman." tugon ko. Kung malaman ni mommy, wala na akong pake. Kung hindi, edi good.
"Hays." sambit nya at saka napa buntong hininga at ipinag patuloy ang pag kain ng kwek kwek na binili namin.
Nagulat ako nang may nakita akong bottled water sa harap ko habang naka tingin sa kinakain ko. Tiningala ko ito at nakita ko si Jinx na hawak ang bottled water."Oh. Drink this, baka mauhaw ka." bigla naman nag init ang mag kabila kong pisngi. Kaya agad akong nag iwas ng tingin at kinuha ito. "T-thanks."
"Hoy ako rin yung tubig ko Jinx." napatingin ako kay Zaylee na nakalagad pa ang kamay kay Jinx na parang nanlilimos.
"Go buy yourself." ani nito. Natawa na lang ako. "Ang sama mo! Sya binilhan mo ng tubig, ako hindi! Bwisit ka." inis na usal ni Zaylee.
"Just kidding." natawa sya at bumili ng isa pa. Humarap naman saakin si Zaylee. "Kelan mo sasagutin yang si Jinx ha? Kanina pa ko nilalanggam sa sobrang ka-sweetan nyo eh." sambit nya at umakto pang nangangati. Abno.
"Che! Sa tamang panahon Zay. And don't worry, mag kakaroon ka rin ng lalaking magiging sweet sayo hanggang sa langgamin ka pa lalo." sambit ko sabay halakhak.
"Ewan ko sayo besh!" sagot nya at nag patuloy sa pag kain. Nang matapos na kaming kumain ng kwekwek, nag paalam na si Zaylee na uuwi na. 4:30 na kasi. 4:15 ang labasan namin. Kami na lanv ni Jinx ang naiwan habang nag lalakad papunta sa waiting shed. Habang nag lalakad, nagulat ako nang bigla nyang in-intertwined ang mga daliri namin. Bumilis bigla ang puso ko at parang ang daming kung anong lumilipad sa tyan ko. Kaya naman agad ko syang tiningnan.
"Hayaan mo na muna ako, please?" wala na akong nagawa at pumayag na lang ako.
"Makikitulog ka rin naman sa kwarto ko, so bakit pa?" natatawa kong sambit.
"Minsan lang 'to, kaya naman mas sinusulit ko pa." sabi nya at ngumit ng wagas. Nakaka hawa ang mga ngiti nya.
"Nga pala, kelan pa nag paparamdam sayo yung babae?" bigla nyang tanong kaya natahimik ako. Matagal bago ako nakasagot.
YOU ARE READING
Stella
HorrorA girl who only wants to be happy. A girl who have a normal family and friends. But one day,she found out something--wait "someone" that changes the cycle of her life. Lets figure it out and you'll know EV.RY.THING :>