Five
Maaga palang dumating na ang sundo namin. Hindi nasunod ang Palawan na sinabi ni South. Nagkaproblema kami sa booking ng hotel kaya hindi na kami tumuloy doon. Ngayon ang byahe namin ay papuntang Zambales. At heto sila ngayon hindi magkasundo sa seat arrangement.Actually nagising nila ang buong bahay dahil sa ingay nila. Nagpaalam din naman ako ng maayos kila Tita at Tito Winston.
Sila kasi ang namamahala ng negosyo namin at iba pang kailangan sa kompanya at bahay. Noong una ayaw nilang pumayag dahil kamamatay lang daw ni Mommy pero lalayo agad ako. I need this I need to unwind somewhere far and somewhere no one knows about issues in life.
"Woi Saffy baby pwede bang tabi nalang tayo? I can be your pillow."-nakangising sungaw ni North sa bintana ng kotse. Hindi pa kasi ako sumasakay at inaantay pa si South na nagpapaalam sa pamilya ko.
"Hindi na.. Mas masarap akong katabi Saffron hindi mo mamalayan nasa Zambales na tayo. Promise.."-taas kamay pang singit ni West sa usapan.
"Tigilan nyo si Saffron mamaya pababain tayong lahat dito ni South kakadiskarte nyo dyan ei."-batok sa kanila ni East kaya isa-isa silang umangal.
Yeah their one of a kind group of friends named under the cardinal direction. Hindi ako masyadong aware sa kwento nilang magkakaibigan pero sapat na ang alam kung mahalaga sila sa isa't isa.
"Ano ginugulo nyo na naman si Saffron? Umayos na kayo aalis na tayo. Let's go.."-baling sakin ni South ng makalapit sya sa amin.
Madami kaming pagkaing baon dahil pinagdala ako nila Tita Ynes. Sila ang punong abala sa pagkain ko ng nalaman nilang aalis ako. Si Xie ayun hindi na kailangan ng baon dahil ilang kaldero ata ang dala ni Xander na as usual tapsilog. Yung mga boys naman magdrive thru nalang daw sila.
Palabas palang ng manila nakatulog na ako sa tabi ni Xie. Nagising ako ng magstop over kami sa isang restaurant para kumain. Yung ibang dalang pagkain nila Xie ay ubos na kasi Manila palang nilantakan na ng boys. Bihira lang daw sila makakain ng ganon kasarap palibhasa mga anak mayaman kaya walang tapsilog sa restaurant. Pabor din naman kay Xander yun para mapromote yung tapsilogan nila. Kumontrata na nga agad si West sa birthday nya dae tapsilogan nila Xander ang kukuning Caterer. Good luck nalang sa mga bisita nyang maatim kumain ng isang libong calories ng mga oras na yun.
Kaming dalawa lang ang babae ni Xie kaya para kaming prinsesa na hindi nila malaman kung paano aasikasohin. Puro kwentohan at asaran ang pinagkaabalahan ng mga boys. Paminsan minsan kumakanta sila South banda kasi talaga sila actually sikat ewan ko ba parang hindi naman halata.
"Woi anong iniisip mo? Namimiss mo naba si so called husband mo?"-nakangising siko sakin ni Xie kaya halos tumirik na yung mata ko sa pagirap sa kanya na ikinatawa nya naman.
"Tigilan mo ako Fhixie baka itulak kita pababa ng coaster na ito."
"Sungit mo. Aba malay ko naman kung nagkaroon na sayo ng impact si husband wannabe. Gwapo naman mayaman at mabango pa maangas nga lang."-pailing iling nya pang sabi.
"At sino naman yung gwapo huh Fhixie?"-biglang dungaw mula sa likod ni Xander.
"Yung magiging Aansjfndkcmgktiv ni xnddjncfkk..."
"Ikaw daw ang pogi mo."-sagot ko kay Xander ng takpan ko ang bibig ni Xie. Ako na ang kusang maglalagay ng filter kasi wala sya noon.
Nakakahiya naman andito pa naman sila South tapos kung anu-anong idaldal ng babaeng ito. Nahihiya din akong ipaalam sa kanila yung sitwasyon ko.
"Alam ko naman yun babe. Matagal ko naring alam na patay na patay kayong magkaibigan sakin. Pero sadyang kay Fhixie baby lang tumibok ang puso ko."-napangiwi ako ng ginawa nya pang heart ang kamay nya at kunwari ay pinapatibok-tibok ito.
"Kahit kilan ang lakas ng gapak mo sa ulo. Pano mo sinagot ang lalaking ito Xie?"-iiling iling kong sabi dito at binitawan na si Xie dahil muntik nya na akong kagatin.
"Alam kuna kung paano nya napasagot si Fhixie, Saffy baby. Pag ikaw ba naman araw-araw may rasyon ng Tapsilog ewan ko nalang kung di kapa mabusog sa pagmamahal."-tawanan na ang inabot dahil sa mga kalokohan ding lumalabas sa bibig ni North. Natawa nalang din kami ni Xie dahil nakabusangot na si Xander at hindi na nakahirit pa.
Ilang stop over pa at nakarating na kami sa resort na pag-aari nila South. Medyo malayo at private sya pero habang binabaybay mo ang papasok dito ay mapapanganga ka nalang. Hindi sapat ang salitang maganda para dito.
"Wow ang ganda naman dito South. Sana noon mo pa kami niyaya dito."-hindi magkandamayaw si Fhixie kung saan babaling sa ganda ng lugar. Kahit ako naamaze ng makita ko ang kumikinang na dagat sa di kalayuan.
Si South ang punong abala sa pagaasikaso sa amin. Kahit sa kanila na itong tinutuluyan namin inaalala nya parin kami kung wala ba kaming problema. Mabait din ang mga Tito at Tita nya na namamahal dito sa resort. Wala ng masyadong tao ang beach ngayon dahil tapos na ang summer vacation. Merong pailan-ilan pero halos pamilya at magkakabarkada lang.
"Gusto nyo bang mamasyal sa lugar o maliligo na kayo?"-nakangiting bungad ni South matapos naming magtanghalian. He really make sure na magienjoy kami sa bakasyon namin dito.
"Ikaw Saffy? What do you want to do first?"-balik tanong sakin ni Fhixie. Andito kami ngayon sa sala ng cabana na inuukupa namin.
Pinalaan daw talaga ni South ito sa samin. Malaki kasi ito parang isang buong bahay na kumpleto na ang kagamitan. May mga kwarto lutuan at sariling pool. Medyo malayo din sya sa mga hotel nila at iba pang cabana. Kaya malaya kaming gawin ang gusto namin kagaya ngayon. Dahil halos pagod pa naman kami sa byahe napagdesisyonan nalang naming manatili dito at tumambay nalang.
Si Fhixie hindi magkandaugaga kakaaya sakin na magpicture daw kami. Kaya eto kasama pati ang mga boys lahat ng sulok ng cabana ginawa naming theme ng photoshoot ni Xie. She's really into photography hindi nya lang masunod kasi walang magaasikaso ng business nila.
"Hay.. Nakakapagod naman ito samantalang nasa cabana palang naman tayo."-reklamo ko habang itinataas ang dalawang paa sa upuang nasa harap ko. Bahagya ko pa itong hinilot kasi parang nanigas na kakatayo at kakasunod ng pwestong inuutos ni Xie. Andito aq ngayon sa isang resto naghahahanap ng maiinom.
"Masyadong natutuwa ang kaibigan mo sa lugar. Akala ko ba sanay kang napapagod?"-iling-iling nyang akala ko aalis na sya ng bigla syang tumayo. Pero umupo ito sa upuan na pinapatungan ng paa ki at hinilot ang mga binti ko. Hihilahin ko sana pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang hawak doon. "Stop that South.. I can manage nangalay lang siguro dahil lagi akong stress at pagod."-hila ko sa mga binti ko.
"Let me.. Makakatulong to para hindi pulikatin yang paa mo. Gusto mo mamayang hapon namasyal tayo sa tabing dagat?"-halok nya habang seryosong pinipisil pisil ang binti ko.
Bigla naman akong nailang sa posisyon namin. Para kaming magjowang naglalambingan. Mamaya biglang hilahin ni mommy yung paa ko sabihin nun kamamatay lang nila naglalandi na ako. Sabagay sila nga day after nilang ilibing may pakakasalan na ako ei so patas lang din pala.
"Ayan.. Kailangan mo din magrelax wag puro stress. Nandito lang naman ako.. kami pala para sayo hindi mo kailangang solohin ang lahat Saf."-nakangiti nyang sabi sabay kuha ng kamay ko feeling ko biglang namula ang mukha ko. "Alam kung di kapa handa pero nandito lang ako. Alam mo kung ano yung nararamdaman ko para sayo pero hindi ko ipipilit ito. Im just here to be your friend tutulungan ka namin sa healing process kahit buong pilipinas pa ikotin natin."-biro nya Natatawa kung hinila ang kamay kung hawak nya.
"Hindi na ako suicidal adik.."-natatawa kung hampas sa kanya. "Medyo nakakarecover na ako malungkot oo pero ayoko din naman silang malungkot kung nasaan man sila. Tsaka siguro may iba pang purpose si God kaya kinuha nya sila Mom sakin."-paliwanag ko habang nakatingin sa mga kaibigan naming naghaharutan sa gilid ng pool.
"Yeah.. Madami ka naman purpose talaga kailangan mo pa akong pasayahin at mahalin."-seryoso nyang baling sakin. Inantay kung sabihin nyang joke pero walang dumating kaya napangiti ako ng mapait.
"Baliw..."-bato ko dito ng kinakain kung tacos. "Oh diba napangiti naman kita. Malay mo kailangan ko Lang magsipag para naman magimprove ako sayo."-kindat nya sakin may pahampas hampas pa ng dibdib.
"Thank you.. Ayokong mangako sayo South pero salamat. Thank you for always being their for me."-akap ko dito.
Matagal na syang nanliligaw kaya nakakapagtakang hindi parin sya sumusuko. Matagal ko na rin naman sinabing hindi pa ako handa. Hindi pa handa ang puso kung magmahal kahit ipilit ko.
"Alam mo naman kahit saan pwede ako basta ikaw.. Kahit nga dyan sa batuhan pwede na ako Saf ei.."-baling-baling nitoo sa paligid na may pahimas himas pa ng baba.
"Ano tinira mo? Nagaadik kana namang lalaki ka."
"Oo.. Nagaadik sayo..."-nakangisi nyang flying kiss sakin bago nagtatakbo palayo sakin.
"Walang hiya ka talaga Southerio. Wag kang makakabalik-balik dito ah. Bwesit ka talaga.."-habol kung sigaw dito pero tawa lang ito ng tawa.
Lagi syang ganito kahit noong hindi pa kami close. Pag nakita nya akong nakasimangot lalapit na sya para lang asarin ako. Noon naiinis ako pag ginagawa nya yun pero ngayon it helps a lot pala para madivert ang attention ko sa lahat ng problemang kinakaharap ko.
"Woi anong iniisip mo dyan? Lalim ah namimiss mo yung kinabukasan mo?"-nakangising siko sakin ni Xie pero napakunot naman ang noo ko dito.
"Anong kinabukasan pinagsasabi mo dyan? Nagaadik kana naman?"-batok ko dito. Lumayo ako sa kanila kasi ayoko muna ng manggugulo. Pero tung adik kung kaibigan nakabuntot na naman sa akin.
"Hoy ganon daw yun pag seryoso at malalim ang iniisip."-sagot nya sabay walang sabing kuha ng iniinom ko. Di man lang nahiya diba hindi pa nagpaalam yan.
"Te uso magpaalam. Pwede ka ring umorder ako naman magbabayad."-bawi ko dito ng inumin ko nakangisi lang syang nagpeace sign sa akin. "Naniwala kana naman dyan sa boyfriend mong nalunod sa mantika ang utak."- Tinawag ko nalang ulit ang waiter para magorder pa ulit ng isa pang set ng pagkain.
"Woi grabi ka kay Xander.. Minsan lang naman nagiging talinghaga sya."-muntik ko nang mabuga ang iniinom ko sa sinabi nya. "Bes anong talinghaga? Hindi matalinghaga magsalita yang boyfriend mo sadyang madami lang alam."-ingos ko dito. Pero hindi nya na ako pinansin at nilalantakan na naman ang inorder naming ceasar salad.
"Maam eto na po yung order nyo."-lapag ng waiter sa pizza at pasta. Napabaling ako kay Xie para tanungin sana kung umorder sya nun pero umiling lang sya.
"Kuya hindi po kami nagorder nyan."-sabi ko dito para ibalik nalang yung pagkain. Pero napaatras sya sa sinabi ko at yumuko. "Naku maam pinapabigay lang po yan maam. Hindi daw po kasi nakakabusog yang kinakain nyo. At hindi narin po yan pwede ibalik kasi bayad na po. Enjoy your food maam."-paalam nito sabay lakad pabalik sa counter nila.
"Kainin nalang natin hindi naman masamang tumanggap ng bigay minsan. Tsaka take note ah favorite mo pa ang binigay pinaorder kaya to ni South?"-usisa ng bruha habang nilalantakan na ang pagkain. Inikot koo ng tingin ang buong resto baka mahanap ko ang nagbigay pero wala akong makitang pamilyar na mukha.
"Sino kaya nagbigay nito?"
"Naku wag mo ng alamin yun. Baka ginogoodtime lang tayo ng mga boys. Infairness naman sa nagbigay ah nakikialam pa kung mabubusog ka o hindi."-natatawa nyang sabi. Napailing nalang din ako oo nga naman mas marunong pa sa kakain.
Naubos namin ni Xie yung pagkain na hindi ko man lang nalaman kung sino ang nagbigay nito.
"Bakit?"-tanong ni Xie ng huminto ako sa paglalakad at luminga-linga sa paligid. "Hinahanap mo parin sya?"-ulit nyang tanong.
"Hindi pero parang may nakatingin sakin kanina pa."-sagot ko dito habang palinga-linga padin.
"Baka naman guni-guni mo lang yun. Halika na baka nagaantay na sila satin."-hila ni Xie sakin.
Pero nakakailang hakbang palang kami ng mabunggo ko ang isang lalaking nagmamadali maglakad palabas. Hihingi pa sana ako ng paumanhin pero nakaalis na agad yung lalaki.
"Ang bastos naman nun nakashades at sumbrero pa kasi kaya hindi na ata nakikita ang nasa harap nya. Halika na nga Saf baka nagaantay na ang mga boys."-hila nito sa akin palabas.
Pero habang lumalayo sinusundan ng mga mata ko likod na nawawala palayo sa amin. Hindi ko alam pero gusto kung magsorry ng lumingon sya saglit sa akin nakita ko ang paggalaw ng panga nya. Hudyat na nagpipigil nya hindi ko alam kung para saan pero parang gusto ko syang aluin ng mga sandaling yun.
Minsan iniisip ko nagiging sensitive na ata ako sa paligid ko simula ng mamatay ang mga magulang ko. Nakakatawa hindi naman ako ganito noon halos wala nga akong pakialam sa mga taaong nakapaligid sa akin. Pero ngayon parang konting kilos o reaksyon lang ng mga mata naapektohan na agad ako. Parang ayoko silang nadidisappoint o nasasaktan. Ayokong maramdaman nila aang nararamdaman ko ng mabigo ako ng tadhanang pinaniniwalaan ko noon.
**********
Hi @JeorgeDominique yan lang po muna sa ngayon. Thank you sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
My Collateral Wife (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED Saffron Elisse Guevarra or Saffron lost her family months before her birthday on a plane crush. Sa gitna ng pagluluksa darating ang isang lalaking magpapabago ng malungkot nyang mundo. Isang lalaking ni sa hinagap ay hindi mo pa nakikita o...