“Hey, can I buy you a drink?” masiglang bati ng isang lalaking may katangkaran at mukhang half pinoy. Umupo ito sa katabing stool, at matamang nakatingin sa kanya, naghihintay ng isasagot mula sa alok nito. Mas pinili na nga nyang sa counter na lang umupo dahil nag iisa lang naman sya sa cafe na madalas nyang pinagtatambayan gabi gabi at ngayon mukhang may gusto pang makisurot sa katahimikang pansamantalang tinatamasa nya.
“Hey miss?” untag ng nangungulit sa kanya, mukha yatang hindi oobra ang pagiging unresponsive nya dito.
Umismid lang si Juli at nagpatuloy sa pagkukulikot ng tablet nya, kasalukuyan syang gumagawa ng lyrics ng kanta at sa kanyang pag mumuni muni ay bigla na lang may surot na bubulabog sa kanyang pagcocompose. At isang pinoy na hilaw pa ang magkakainterest sa kanya ngayong gabi.
Sa sulok ng mga mata nya ay nakatingin pa rin ito sa kanya talagang desperado yatang makipag usap. Nasa Germany na nga sya ay may susunod pa rin palang kalahi nya dito na hilaw. Tiningnan nya ito saglit.
“I don’t talk to strangers. So back off.” Angat na kilay na sabi nya.
Natigilan naman saglit ang gwapong lalaki sa pagiging masyadong snob nya.
“woaahhh, what’s with the attitude miss? I’m just trying to be friendly. Why so harsh all of the sudden?” sagot nito na kahit nabigla pa sa naging pagtataray nya ay mukhang naaamuse na rin sa nakikitang reaksyon nya.
Sa nakita nya ay nag init pa lalo ang ulo nya. Kanina pa sya nagbibilang para maalis ang nag uumpisang irritasyon nya dito.
“Pwede ba wag mo nga akong mamiss miss dyan. Magtagalog ka na dahil di oobra sakin yang pa English English mo. Ka Pinoy mong lalaki eh talagang ako pa yang pagtritripan mo sa kati mo.” Maanghang nyang na banat. Buwisit talaga mukhang makakatikim ito ng mainit na litany sa kanya. Nawala na tuloy ang mga lyrics na kanina pa nya gustong idugtong sa kanta.
“Geez, I’m sorry.” Napakamot pa ito ng batok. Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito ngayon at talaga namang nahantad sa kanya ang pantay at mapuputi nitong ngipin, maganda rin ang hugis at kulay ng mga labi nito, medyo malaman ang ibabang bahagi at mamula mula na bihira mo lamang makita sa karamihan ng mga lalaki ngayon dahil sa iba’t ibang bisyo kagaya ng yosi at alak.
“Stupid. Stop admiring him like a teenage!.” Asik nya sa sarili. Mukha yatang maaattract pa siya sa pagpapacute ng lalaking ito.
“But I am not a Filipino.” Dugtong nito.
Saglit syang natigilan. Napataas ulit ang kilay niya. Di yata at tinatanggi pa nito ang sariling lahi. Kahit sabihin pa nito na half lang pagiging pinoy nya dahil nakapag asawa ang nanay nya ng isang dayuhan ( na mas maaring manyayari ). Halata naman sa itsura na kayumanggi ito.
“And what are you trying to tell me? That you are denouncing your mother’s identity? Being embarrassed to say your mother was been some sort of an opportunist once? Pag iinteroga nya dito.
BINABASA MO ANG
Phryne: The Secret Diary of a Prostitute ( Love and the Cosmic Joke )
RomanceShe is a certified tramp, yes, but is it possible to find her one true love despite the bitter past? This is one promising story of a woman in the struggle of her haunted past and the unconditional and unsurprising love story that awaits her in a wa...