Crystal's POV
Umalis na kami ng office para makapag ayos ng room kasi birthday ng Vice President naming si Michaela.
"Edward, ako na mag aayos nito. Tawagan mo sila kung nasaan na tsaka pakausap na rin."
"Okey okey."
Pumasok na ako at narinig kong nagriring na yung phone ni Aliyah.
"Hello, Aliyah. Nasaan na kayo???"
"Nandito na kami sa gate. Nakapasok na kami ng premises."
"Osige. Kausapin ka daw ni Crystal."
Binigay sa akin ni Edward ang cellphone niya.
"Hello, Aliyah."
"Yes Madame speaking."
"May plano na ako."
"Sige maam sali kami dyan. Maliban kay Michaela."
"Ganito. May scarf ba kayo diyan."
"Yes maam ako po meron. Kulay dark pink."
"Osige, i blindfold mo kay Michaela tsaka kayo dumerecho dito sa room. Wag na kayo mag alala sa mga pagkain. Sagot ko na."
"Sige po maam thanks. Babush!!"
Inend na ni Aliyah yung call. Then isinoli ko na kay Edward yung phone.
"Abangan mo sila dyan sa hagdanan. Ako na bahala dito."
"Okey." tapos pumunta na siya sa hagdanan. Sinarado ko na yung pintuan at nilock.
"Time to start."
Pumikit muna ako habang iniisip ang magiging decor ng room. Pink and violet ang theme. Pagkatapos kong isipin, dumilat na ako then nakita ko na sa totoong buhay ung lahat ng nasa imagination ko. Pink chairs for girls and violet for boys. Tapos yung upuan ng celebrant, may flower sa sandalan tapos kulay pink tapos yung teacher's table, may telang kulay violet. May banderitas din na nakalagay, 'Happy 14th Birthday, Michaela' na kada words, iba yung kulay. Bali alternate ang pink and violet. May cake narin na double deck pabilog. Tapos sa taas may nakalagay 14 tapos sa baba may nakalagay na Happy Birthday. Tapos ang handa, syempre favorites naming lahat. Shanghai, Strawberry Gulaman, Fried Rice, isang buong Lechon, Roasted Chicken, Lechon Paksiw at Bulalo. Ok na lahat. Nabigla ako ng may kumatok kaya binuksan ko. Sila Aliyah pala, kasama ang nakablindfold na celebrant. Sinenyasan ko sila na tumahimik
"Aliyah mamaya mo tanggalin ang blindfold niya. Tatawagin ko yung mga teachers natin." bulong ko sa kanya
Nagthumbs up siya kaya umalis na ako. Si Edward yung ginawa kong look out kasama yung mga lalaking clasamate namin. Tumakbo na ako para mabilis.
Nakaabot na ako sa faculty room. Kumatok muna ako bago buksan yung pinto.
"Uhmm, excuse lang po sa inyong lahat. Pwede po ba? Kung hindi naman po kayo busy."
"Baket? Busy kami. May ginagawa kami oh." sabi ng mataray na si Maam Athena.
"A-ano kaba, Athena. Ikaw lang kaya busy at saka baka mahalaga yung sasabihin sa atin." pagpigil naman ni Maam Clare.
"Che! Bahala kayo dyan. Umalis kayo kung gusto niyo." pagtataray ni Maam Athena. Hay nako gusto lang kasing magpapansin kay Dad eh.
"Sige na nga. Bahala ka dyan. Tara na." saka sila nagtayuan at umalis sa lugar nila.
"Tara na, Madame??" sabi ni Maam Criselda.
"O-osige po."
Tapos lumabas na kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Since I Found You || Still Editing
Teen FictionThis story is a fiction ONLY!!! Any events that can't happen in the real is only a result of imagination of author. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ She ia Crystal Stanford. A gorgeous and popular student. She is the campus crush. Her life was complete...