Hugot 143

150 13 1
                                    


                    LARO TAYO

Tagu-taguan kabilugan ng buwan,
Wala sa likod,
Wala sa harap,
Magbibilang ako ng sampu
At mag tatago na ako
Isa... Dalawa... Tatlo...

Teka... Teka...
Magtatago pa ba ako?
Eh, kahit nasa harapan mo na ako
Hindi mo pa rin ako makita

Ahhh... Oo, naman pala
Pano mo ako makikita
Kung sa iba ka naman
Nakatingin

Aanhin ko naman ang
liblib na Lugar
Kung wala naman sa balak mo na
Ako'y matagpuan

Ayaw mo ba sa laro?
O, sadyang ayaw mo lang sa kalaro
mo Kaya ka nag
Bubulag bulagan?

Kung ayaw mo sa laro
Pwede naman natin palitan
Ahhh! Alam ko na!

Laro tayo ng habol habulan
Huwag Kang mag alala
Kasi this time ako naman ang taya

Hahabulin kita
Habang hinahabol mo siya

Bakit ganun?
Nandun lang naman ako sa likod mo
Pero bakit di mo ako makita?
Kaya pala...

Paano mo ako makikita kung ayaw
mo naman akong
Lingunin

Laro tayo ng Tumbang preso
Kung minamalas ka nga naman
Dahil ako ang lata
At ikaw naman ang tsinelas

Na naging sanhi
Ng pagkatumba ko

Nagkaroon ako ng kaunting tyansa
Nung naglaro tayo ng
Patintero

Kasi akala ko
Ito na ang pagkakataon para mag
Papansin sayo

Hinarang kita ng hinarang
Pero anong ginawa mo?
Nilagpasan mo lang ako

Lumulubog ang araw
Sa dinami rami ng nalaro natin
Kahit isa hindi ako nanalo

Kaya itaas mo ang iyong kamay
At maglaro tayo ng

Bato bato pick
Kasi dito walang dayaan
Bawal ang parehas na bato
Bawal ang parehas na gunting
Bawal ang parehas na papel

iisa lang ang dapat manalo
At iisa lang ang uuwing sawi

At ako yun!
Dahil ako ang gunting
At ikaw naman ang manhid na bato

Uwian na, hindi na masaya
Sa dinami rami ng nilaro natin
Isa lang ang natutunan ko

SA LARO NG PAG-IBIG, MALABO MO AKONG MAHALIN💔

Ctto.

Hugot LinesWhere stories live. Discover now