KK♡1

36 3 4
                                    

"Ano yan?!" Pasigaw na tanong ng aking bestfriend

"Maverine Corpuz gusto mo bang mabasag yung eardrum ko at kailangan mong itutok yang bunganga mo sa tenga ko?" yan ang bestfriend kong akala mong nakalunok ng mic sa lakas ng boses .

"Ay hehe sorry naman bessy hindi na mauulit. Ano ba kasi yan?" Sus hindi daw mauulit eh araw-araw naman ginagawa at makatanong akala mo hindi alam

"Letter para kay Troye"

kinikilig kong sabi.
Troye Martinez ang nag-iisang lalaki sa puso ko magmula nung first year high school ako hanggang ngayong 4th year na ako ay si Troye lang ang minahal ko ng ganito.palagi akong naglalagay ng mga letters sa locker niya hanggang ngayon hindi parin niya ako napapansin pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na mapapansin rin niya ako not now but SOON.

"Wow!magbibigay ka na naman sa kanya ng ganyan ilang taon mo na yang ginagawa mauubos na pera mo kakabili ng papel at ballpen kagagawa mo ng love letter dun sa lalaki na yun ah pero sabagay marami ka nga palang pera, pero Vanessa hindi ka ba nagsasawa sa ilang taon mong paglalagay ng mga letters sa locker niya pero ni minsan hindi ka man lang niya napapansin hanggang ngayon balewala ka pa rin sa kanya"
concern na sabi ni Mave.

"Ok lang naman sa akin na hindi niya ako pansinin basta nakikita niya ang mga efforts ko sa magbibigay ng mga ganito" nakangiti kong saad sa kanya

"Ewan ko ba kung anong nakita mo sa kanya at ganyan ka kainlove sa mokong na yun, and speaking of the devil ayan na siya oh and take note may KASAMA SIYANG MAGANDANG BABAE oh!ay di pala maganda MALANDI SIYA MALANDING BABAE katulad ng TROYE MO!" Naiiritang turo niya kay Troye kaya ayan tuloy nahila ko kamay niya mamaya makita siya ni Troye nakakahiya baka ano pang isipin niya

"A-aray ang sakit ah" reklamo nya

"Huwag ka nga, baka makita ka niya kung ano pa maisip niya"sermon ko

"Tss.gaga kang impakta ka eh ano ngayon kung makita niya tayo edi mas maganda ng makita naman niyang nageexist pala ang ganyang kagandahan sa mundo!Ewan ko ba dyan sa Troye MO kung bakit hindi ka niya nakikita eh ang ganda ganda mo naman, sexy ka rin naman, mayaman,sikat ka rin dito sa school dahil matalino ka, tanga nga lang sa kanya, at maraming lalaki ang nagkakandarapa sayo duh ikaw kaya si Arielle Vanessa Montaverde na anak ng sikat na lawyer dito sa pilipinas at pati labas ng bansa na si Van Montaverde at sikat na designer na si Tita Ariella! pero bakit ni minsan hindi ka man lang niya tinapunan ng tingin yang lalaking yan huh! Parang perfect ka na sa lagay na yan ah"mahaba-habang saad ni Mave
Natanong ko na rin ang sarili ko dati kung bakit hindi man lang niya ako napapansin eh maganda naman ako hindi naman masama ugali ko mayaman rin naman kami matalino rin ako minsan ako pa ang nagmomodel sa mga gawa ni mommy na damit kaya maraming nakakakilala sa akin at marami ring nakakaalam na ako ang naglalagay ng mga letters sa locker ni Troye kaya alam na rin siguro niya kung sino secret admirer niya pero bakit never niya akong pinansin.

"Baka nahihiya lang siya"muli kong saad

"Sa tingin mo ganyan ang itsura ng nahihiya ah. Vane naman sa dami rami ng naging babae niyan at magiging babae pa niya hindi yun mukhang nahihiya lang SOBRA kamo ang kapal ng mukha grabe!kung ako sayo tigilan mo na ang kahibangang yan dahil sa simula't sapol hindi mga kauri mo ang type niyan kasi malalading babae ang kanyang natitipuha yung magaling sa kama ganun kaya wala siyang pake sayo at sa huli ikaw at ikaw parin ang masasaktan so please tama na ang apat na taong katangahan!"naiinis nyang pakiusap sa akin.

"Tara sa locker room ilalagay na natin ito sa locker niya let's go?"balewala ko sa mga sinabi niya at inabot ang kamay niya para hilahin

"Uhhh!myghad Vanessa I can't believe you!pasalamat ka sa akin at bestfriend kita kung hindi matagal na kita sinampal sa katotohanan tss!" Kinaladkad ko nalang siya at hindi pinansin ang mga sinasabi niya

"Maiintindihan mo ako kapag nagmahal ka na at alam mong siya na ang the one".

"Eww matagal pa yun at sisiguraduhin kong hinding hindi ako matutulad sayo na nagpapakatanga sa isang tao na walang pake sayo at sa isang tao na never ka naman minahal at never kang mamahalin!"

Aaminin ko nasaktan ako sa sinabi ng bestfriend ko kaya nanamihik na lang ako at hindi pinapansin ang mga kaartihan nya.sorry Maverine dahil hindi ako nakikinig sa mga pinagsasabi mo tungkol sa kanya because Im truly inlove with him at gagawin ko ang lahat kahit sabihin na ng mga ibang tao na Tanga ako wala akong pakielam kasi nagmamahal lang nmn ako.

Kahit sinasabi ni Maverine na wala na akong pag-asa iisipin ko parin KAHIT KUNWARI may pag-asa ako sa kanya.

Kahit kunwari mapapansin rin niya ako

Kahit kunwari mamahalin rin niya ako balang araw

Pero hanggang saan kaya ang kunwari na yan?






A:daming kunwari ahh so ano nga mga guys ok ba?

Kahit KunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon