KK♡4

17 3 0
                                    

Tapos na ang klase uwian na pero kami ni Mave ay dadaan muna sa Music room kung saan ang room namin kapag may meeting o kapag may practise kami so pagdating namin doon ay kumpleto na sila.

"Huy! Maveng long time no see ah and Vane musta?namiss ko kayong dalawa ah itong dalawang ugok dito hindi ko namiss eh palagi ko namang kasama tong mga to"saad ni Erik De jesus ang drumer namin haha isa rin siyang bungangera na akala mo nakalunok ng mic katulad  ni Mave .

"Mabuti naman kaming dalawa ni Mave and of course namiss ko rin kayo" masayang sagot ko sa kanya.

"Hoy kupal ka anong Maveng kadiri ka talaga Mave nga diba hindi Maveng yuck ano ako manang tsaka hindi kita namiss si Kyle at Kris lang ang  namiss ko hindi ka kasali doon pangit ka kasing kupal ka tse!"
Yan kasi maveng ka ng maveng yan tuloy pero close naman yang dalawang yan ganyan lang talaga sila at si Kris Montero ay electric guitar naman ang kapatner ni Erik sa pambwibwisit kay Mave natutuwa silang bwisitin ito dahil nga mabilis itong mapikon at yung si Kyle Montero electric at accoustic guitar siya minsan lang yan magsalita hindi gaya ng kambal niyang si Kris na madaldal  yes kambal sila pero magkaibang- magkaiba sila ng ugali minsan nakakaduet ko rin tong si Kyle maganda namn kasi ang boses niya malamig.

"Yow Vane namiss kita ah" Kris

"Namiss rin kita kayong tatlo haha"masayang sumbat ko kay Kris.

"Ano napansin kana ba niya?"  Curious na tanong niya.

"Hindi pa eh pero nararamdaman kong malapit na" nakangiti kong saad sa kanya

"Suportado ako sayo Pres!" Wika niya sabay saludo.

"Sira!" Natatawa kong sabi sa kanya sabay tapik sa kanyang balikat.

"Uy!Maveng musta bakit hindi man lang nagbago niyang pagmumukha mo bakit pangit parin eh si Vaneng araw-araw atang gumaganda ah!?" Haha sira talaga sabihan ba si Vane ng pangit hay mas lalo tuloy siyang napikon at Vaneng rin tawag nila sa akin hindi ako nagrereklamo kasi cute namn siya diba?
Pinuntahan ko nalang si Kyle sa kinauupuan niya kesa naman doon sa tatlo na sobrang ingay

"Hey musta?"bungad ko sa kanya sabay agaw sa  gitarang hawak niya .

"Fine" haba ah ni hindi man lang mag effort na tanungin ako kung kamusta ako haystt ano ka ba Vanessa hindi ka pa ba nasanay diyan eh daig pa ng yelo yan kung umasta .

Kaya inatupag ko nalang ang gitara nagsimula na akong magstrum

"Kamusta ka naman?Matagal rin tayong di nagkita-kita ah dahil doon pa sa kabilang building ang section namin" nagulat ako kasi ang haba ng sinabi niya.

"Wow I can't believe na si Kyle Montero nagsalita ng ganyan kahaba yiiee lumelevel up ka na ah!" Natatawang saad ko pero di nga first time kong narinig na magsalita siya ng ganun kahaba except syempre kapag kumakanta siya.

"Tss"

"Im fine naman.Kung bakit ba kasi ang layo ng napunta yang section ninyo haha"

Ngumiti nalang siya at hindi na ulit nagsalita kasi meron na yung tatlo.

"Vanessa simulan na natin itong meeting para matapos na" nakasimangot na sabi ni Mave.

"Oh anyari sayo?" Tanong ko pero sinimangutan lang niya ako kaya alam ko na ang nangyari talo na naman siya sa asaran, palagi naman eh buti nga hindi nila ito napapaiyak.

"Tama ba itong naririnig kong kumakalat na tsismis Maveng na kayo na raw nung Mark Chavez na taga kabilang section?" Inosenteng tanong ni Erik  limang section kasi ang meron kami IV-A kami ni Mave tong tatlo sa C sila si Troye naman  sa B kasama ng mga kaibigan niya

Kahit KunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon