KK♡2

26 2 3
                                    

Nandito na kami sa tapat ng locker nya para ihulog yung ginawa ko kaninang love letter.

"Tss bilisan mo na malalate na tayo sa first class nako naman bat ba kasi ako nasama sayo dito!"tuloy parin ang pag-aalburoto ni Mave dito sa tabi ko ang arte lang.

"Kasi Bestfriend tayo"
painosente kong sagot kaya inirapan niya ako.

"Yeah right, were Bestfriend since birth kaya bilisan mo diyan kung ano pa ang gagawin mo sa locker ng mokong mong crush dahil baka makalimutan ko kung bakit kita naging bestfriend!at baka mahuli tayo dito duh ayokong pag-usapan nila ako na baka isa rin ako sa inlove na inlove dun sa mokong na yun!"

"Correction Troye is not my crush"pagtatama ko sa maarte kong Maverine

"Eh ano naman aber Mahal mo ganun?tss puppy love lang yan maglalaho rin yan!" Pinal niyang sabi sabay cross arm.

"Right MAHAL ko nga siya at sinisugarado kong hindi na ito maglalaho pa" at tinignan ko siya sa mata para malaman niyang seryoso aki sa mga sinasabi ko pero tinaasan niya ako ng kilay.

"Hey!"

Sabay kaming napatingin ni Mave sa sumigaw at nataranta ako nang makita kung sino ang kasama ni Mark pangalan ng sumigaw kanina kasama niya si TROYE MARTINEZ.

"Uhhhh" natatarantang sabi ko.

"Ano ang ginagawa niyo dito mga nag gagandahang binibini?"nagtatakang tanong ni Mark.

"And hi Maverine baby!" malanding bati ni Mark kay Mave pero irap lang ang nakuha niyang sagot.

"A-ah w-wala may nilagay lang kami na libro sa locker namin"nauutal na pasulot ko kasi naman first time akong tinitigan ni Troye nakakailang kaya hindi ako makatingin sa kanya.

"Nagring na yung bell kanina pa" paalala ni Mark sa amin

"My ghad Vane di natin narinig lagot tayo nito Let's go!"

Sabay hila ng kamay ko kaya tinanaw ko nalang si Troye hanggang sa hindi ko na sya matanaw.

"Yan na nga ba yung sinasabi ko Vanessa!oh god were late!"
Inis na saad ni Mave.

"Hindi natin narinig yung bell dahil salita ka ng salita.pero nakita mo ba yun kanina tinitigan niya ako!"kinikilig kong sabi ko kanya sabay yugyog ng kaniyang braso.

"A-aray naman, gaga ako pa yung sinisi mo ah! at Oo kitang-kita ko kung paano ka niya titigan ng masama for sure alam niyang nagsisinungaling ka kasi nga alam niyang meron ka na namang nilagay sa locker niya"

"H-uh"

Nagulat ako kasi may biglang humila sa kamay at kinaladkad ako

"What the-----" mumurahin ko na sana kung sino man ang humila sa kamay ko pero umurong yung dila ko dahil sa taong kumakaladkad sa akin habang hawak ang aking kamay na walang iba kung di si Troye

"B-bakit T-troye may k-kailangan ka?" Nauutal kong tanong sa kanya kaya huminto siya at tinignan ako ng masama ito na ata ang pinakamasamang tingin na nakita ko sa buong buhay ko.

"Alam ko kung ano yung pinaggagawa mo sa loob ng apat na taon" nagulat ako sa sinabi niya.

"H-huh?" Naguguluhan kong tanong.

"Huwag kang magmaangmaangan alam kong alam mo ang sinasabi ko kaya pwede bang tumigil ka na kasi hindi ka na nakakatuwa mas lalo mo lang aking iniinis dahil sa mga pinaggagawa mo at nagmumukha ka ng desperada dahil sa pinaggagawa mo kasi kahit kailan hindi ako magkakagusto sa katulad mong pinapakita kung gaano siya kadesperada at gaano kadaling makuha" Saad niya sabay bitaw sa kamay ko at tinalikuran ako.

Naestatwa ako dito sa kintatayuan ko dahil ni minsan walang nagsabi na desperada ako at madaling makuha except kay T-troye na mahal ko na gagawin ang lahat makuha lang siya,kahit si Maverine never niya akong sinabihan ng ganun

Ganun na ba ako kadesperada sa tingin niya?









A: ang harsh ng Troye natin kay ateng Vanessa ah. Lame ba?

Kahit KunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon