Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Kinusot kusot ang mga mata at tumayo na. Naligo na ako at naghanda na sa pagpasok.
Clara Rei Krosser 's the name.
Nasa loob na ako ngayon ng school bus kung saan katabi ko nanaman ang kaibigan kong si Leah Bion. As usual, ang boyfriend niya nanaman ang topic niya.
"Rei, wassup? Nilo and me are still the same. He's so sweet!" and she keeps blabbering so much about how cool and awesome and how lucky she is.
Ito naman ako, nakatulala sa bintana at pinagmamasdan ang paligid. Natigilan ako sa pagmamasid ng may nakakuha ng atensyon ko..
Isang lalaki na matangkad, itim na buhok at naka-uniform na katulad sa amin. Pero mukhang bago siya...
Huminto ang school bus at pumasok siya. Tumingin-tingin siya at nakitang may libreng upuan sa may gilid na upuan namin. Sinundan ko siya gamit ang aking mata at parang may kakaiba sakanya...
"Rei? Rei!! Reii!!" bigla akong nabalik sa aking pag-iisip ng yug-yugin ako ni Leah. Napatingin ako kay Leah na naka-ngisi.
"Type mo?" bulong niya sakin na ikinabigla ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinignan niya lang ako ng nakakaloko. Type ang puta.
"Tch." hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na sa pagtititig sa tanawin..
#
Nakarating na kami sa school at nakita ko na ang iba ko pang kaibigan. Napahinga ako ng malalim dahil alam kong ta-targetin na ako ni Leah.
"Lily, Chloe, may nakakuha na ng atensyon ni Rei!" excited na sabi nito. Napa- facepalm nalang ako sa sinabi niya.
Nagning-ning ang mga mata nila at tinanong pa lalo si Leah na sinagot sila. Sinabi niya ang mga pangyayari kanina, katulad ng pagsunod ng tingin ko sakanya at pagkatulala dito.
"Oh my gee, sino naman ang swerteng lalaki na ito?" tanong ni Lily Hacile kay Leah. Ngumisi muna ito bago sinagot na isang transferee ito. Lalo silang na-enganyo sa mga pangyayari.
Napairap na lang ako at niyaya na silang pumasok sa classroom... Malate pa kami eh.
Saktong pagdating namin ay ang pagpasok ng guro namin. Umupo na kami sa kanya-kanyang upuan at pinagsalita na siya.
"So, another school year again. Welcome back." simula nitong bati na ginantihan din namin ng bati. Sinabi niya rin na ang seating arrangements ay ganoon parin kaya nandito ako sa may tapat parin ng bintana at walang katabi. As usual, ayaw nilang tumabi sakin, tahimik ko daw kasi. Sila Leah gusto pero ayaw ng guro, tch. Makatulog na nga lang.
"Bago ko makalimutan, may transferee tayo ngayon." napintig naman ang tenga ko at napasilip sa harap. Nakita ko nanaman siya. Yung kaninang lalaki sa school bus!
"Hi. Hadrien Cameo, nice to meet you." mabilis niyang sabi pero naintindihan naman namin sa lakas ba naman ng boses niya. Maraming mga kaklase ko, mostly sa babae, nagpapacute! Letche, lahat na lang ata eh!
"Take the seat next to Ms. Krosser." sabi ng guro namin na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata... Ngunit mukhang napansin ng mga kaibigan ko dahil nagpipigil sila ng kilig! Napairap ako sa mga ginagawa nila.
Umayos na ako ng upo at ngayon ay nasa gilid ko na siya. Ninakawan ko siya ng tingin ngunit mukhang mali ata ang ginawa ko. Nakita niya ako at ngumiti sabay kaway ng kamay niya.
Dug. Dug. Dug. Dug
Napaiwas na ako ng tingin at napahawak sa may kaliwang dibdib ko. Ang bilis naman ata nito? Ano bang nangyayari sa akin? Ibig sabihin ba ganun kadelikado ang lalaking ito para kabahan ako? Yun lang ang rason diba?
Aaghhh! Ano bang nangyayari sakin. Hindi ko namalayan na ginugulo ko na ang buhok ko dahil sa frustration. Napansin ata- Napansin ako ng guro namin at pinadala sa infirmary. Kahit ayoko, mas okay na siguro kung malayo ako sakanya.
#
Nakahiga na ako ngayon sa isa sa mga kama at hinintay si Nurse Myles. Nakatulala nanaman ako sa ceiling at inisip ang mga pangyayari kanina.
Ano ba talaga ang nangyayari sa akin?!
Biglang bumukas ang pinto ng infirmary at iniluwa nito si Nurse Myles. Nakita niya ako at agad lumapit sakin.
"First day na first day andito ka na ulit?" medyo natatawang sabi nito na ikinalukot ng mukha ko. Kasalanan ito nung transferee eh.
"So, bakit ka nandito?" pagsimula niya. Tinignan ko siya at hindi sumagot. Hindi ko rin naman alam eh. Akala lang siguro ng guro na masakit ulo ko.
"Ano bang nararamdaman mo?" tanong nito sakin habang may sinusulatang papel. Nararamdaman?
"Yung... puso ko... Ang bilis... Di naman ako tumakbo..." mukhang nagulat ata siya nung nagsalita ako. Minsan lang talaga kasi ako magsalita eh. Maya't maya ay ngumisi siya ng nakakaloko katulad ng kay Leah. I don't like this feeling.
"Gwapo ba?" biglang sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Takte pati ba naman siya? Ano bang problema ng mga taong ito?
"Tch." hindi ko na lang siya pinansin kahit pa tawa ng tawa. Idadaan ko na lang ito sa tulog para walang maingay.
YOU ARE READING
Innocent Maiden
Teen FictionAno nga ba ang pakiramdam na mahulog para sa isang tao? [Updates every month..]😛 Start: 5/16/18