2

57 1 2
                                    

"Rei!!!!" nagising ako bigla ng may sumigaw ng napakalakas sa aking tenga. Napatingin ako ng masama kela Leah na ngayo'y naka peace sign.

"Kamusta?" tanong ni Chloe Lamentia sakin habang may kinakalikot sa phone niya. Hindi ko siya sinagot dahil halata naman na okay na ako.

"Alam mo ba Rei, nag-alala si Hadrien sayo!!" kinikilig na sabi ni Lily. Tumalon ung puso ko. Ano daw?

"Well, sino ba namang hinde? Ke bago-bago niya lang tapos yung katabi mo na infirmary." natatawang sabi ni Leah.

"Psh, sorry ah." mahinang sabi ko na ikinatuwa nila.

"Ang cute mo talaga Rei!!!" sigaw nilang tatlo sabay yakap sakin. Takte papatayin ba nila ako sa higpit nilang yumakap.

Pinakawalan lang nila ako nung naramdaman nilang hindi na ako makahinga! Hindi ko alam kung bakit ko naging mga kaibigan to eh.

"Ah nga pala, bukas may election na ng mga officers for this year. Yun lang naman ang pinaka importante sa lahat ng nangyari. Mostly introductions lang ang nangyari." pag-explain ni Leah sakin.

Biglang bumukas ang pinto at nakita namin si Nurse Myles na pumasok. Sinabi niya na pwede na daw umuwi since uwian naman na talaga.

Pupunta muna kami kela Lily dahil birthday ng kuya niya. Nathan Hacile, Lily's older bro is someone I'm actually close with.

Huminto muna kami sa isang gift shop na malapit lang kela Lily. Tumingin tingin muna kami at may nakita akong regalong tama para sakanya.

Pagkatapos namin bumili ay dumiretso na kami sa bahay nila. Sinalubong kami ni Tita Lei. As usual, may cake na may nakasulat na 'Happy 20th Bday!' at mga iba pang pagkain.

Lumabas na rin si Nathan sa kwarto niya. Mukhang nagulat siya na nandito kami since ngayon na lang ulit kami nagkita.

Lumapit siya sa amin at kinantahan ng Happy Birthday. Nahihiya pa ang loko. For some reasons, napansin ko na lahat sila ay umalis sa hindi malamang dahilan at naiwan kami ni Nathan dito.

"Uhm, its been awhile." pagsimula nito. Hindi ako sumagot sakanya dahil di ko alam ang sasabihin.

Ang tahimik ah..

"How's life?" pambabasag ko ng katahimikan. Ayaw ko ng tahimik kahit tahimik ako. Ang gulo ko noh?

Mukhang nagulat ata siya sa biglang pagsalita ko pero naka-recover naman kagad. Ngumiti siya sakin at kung sa anong dahilan ay napangiti rin ako ng unti.

Naalala ko na may regalo pala ako sakanya at kinuha iyon. Nag-excuse muna ako at lumabas sandali.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko sila Lily kasama pati si Tita Lei na kabado. Sinamaan ko lang sila ng tingin pero umakto lang sila na parang wala lang.

Kinuha ko na lang ang regalo ko at ibinigay kay Nathan. Binuksan niya ito at isa siyang keychain. May design itong chibi na lalaki na kamukha niya.

Mukhang na dissapoint siya... Bakit kaya? Mukhang iba ata ang ine-expect niya...

"What am I even thinking?" sabi niya while shaking his head side to side...

"Well, bye." paalam ko na sakanya at dumiretso na sa labas.

#

"Hindi mo ba talaga napapansin?!!" pasigaw na tanong ni Leah.

Kumunot ang itsura ko sa sinabi niya. May dapat ba akong mapansin?

"That kind of face your making... Its saying that you don't know anything." sabi ni Chloe at napa facepalm. Lahat sila parang may pinoproblema... Ano naman kaya iyon?

"Ang manhid mo." sabay-sabay nilang sabi. Ako? Manhid? Kelan pa? Hindi kaya!

"Aish! Magkita-kita na nga lang tayo bukas!" frustrated na sabi ni Lily.

"Eh torpe rin naman ang Kuya mo eh." natatawang sabi ni Leah kay Lily na nakabusangot ang mukha.

"Una na ako." paalam ko sakanila at tsaka naglakad na papunta sa bahay. Hindi na kasi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nila eh.

#

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at sinasagutan ang ilang questionaire na hindi ko pa nasasagutan. Pampalipas din ng oras since hindi mawala sa isip ko yung transferee...

Hadrien Cameo, ano bang meron sayo at nagkakaganito ako?

Innocent MaidenWhere stories live. Discover now