3

67 2 2
                                    

So nasa school bus na ako ngayon at may nakakabit na earphones dahil nakaka-rindi na ang boses ni Leah. Nakatingin lang ulit ako sa tanawin ng makita ko ulit siya.

Tinitigan ko ulit siya at sinundan ng tingin. Umupo siya dun sa upuan na pwesto niya nung isang araw.

Nang mapako ang tingin ko kay Leah ay nanlumo ako. Nakangisi nanaman ang bruha! Hindi ko na lang siya pinansin hanggang makarating kami sa school.

#

"Okay class, time to vote." sabi ng guro at sinulat ang mga positions na kailangan.

"Start with President then Vice President." nagsitaasan ng kamay ang mga kaklase ko at nabigla ako nung nagtaas ng kamay si Leah.

"I nominate Clara Rei Krosser to be President!" masayang sabi ni Leah. Again?!! Last year ako rin napagtripan niya eh!

Kailangan ko bumoto ng iba! Ayaw ko na maging President!!

Nagtaas ako ng kamay na ikinataka nila Leah. Hindi siguro nila inaasahan na mag-tataas ako ng kamay at buboto sa iba.

Tinuro ko si Hadrien na ngayo'y gulat at takang-taka kung bakit ko siya pinili. Sinulat ng guro ang pangalan niya sa board.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang botohan sa President at Vice President.

(Nakasulat sa board)

" Klara Rei- 12 votes
   Hadrien - 13 votes
   Garnet - 1 vote
   James - 0 vote      "

"So si Hadrien ang President at si Klara Rei and Vice. Onto the next one, Treasurer."

Nagulat pa ako sa mga boto. Ano bang iniisip mo Klara? Syempre maraming boboto sayo kasi alam nilang kaya mo din yon! Ughhh!

#

"Class dismissed."

Lahat kami ay nagsitayuan na at inayos na ang mga gamit. Lalabas na sana ako ng may humawak sa wrist ko.

"Wait!" rinig kong sigaw.

Teka, ang boses na iyon.... Napalingon ako at nakita sa Hadrien na medyo nahihiya?

Sinamaan ko na lang siya ng tingin.. Anong trip nito? Bakit bigla niya akong pinigilan?

"Uhm, c-can we be f-friends?" medyo nakayukong sabi niya. Nagulat ako sa tinanong niya.

Dug. Dug. Dug. Dug.

"H-hindi naman sa pinipilit kita.. I mean, bago lang ako dito, so pwede ba?" medyo ngumiti na siya sa akin.

"Uhhh..." di ko alam ang sasabihin ko!! Papayag ba ako? Hihindi ba ako? Ngayon lang may gustong kumaibigan sa akin na lalaki!

Tumango na lang ako sakanya at mukhang natuwa siya dahil bumulong siya ng 'Yes!' sa ere.

Medyo natawa ako sa ginawa niya na ikinabigla niya.. Napahinto ako dahil dun.

"A-alis na ako... Bye!" sabay takbo ko palabas ng classroom.

#

Hadrien

Paglabas niya ng classroom ay napaupo ako.

Damn, ang ganda niya lalo pag ganun. Shit, ano bang iniisip ko? Kakakilala ko palang sakanya pero ganto na kaagad?

Hayy... I need to get her out of my mind ...

Remember why you got here Hadrien!That's right, I still need to find her, she's only the one for me...

Anyways, kailangan ko muna pumunta sa Grocery. May pinabibili nga pala si Mama na kailangan para sa karinderya namin.

#

Teka..... San ba dito yung grocery? ⊙_⊙

Ughhhh... Nakalimutan ko na hindi na ito ang dating tinitirahan ko! Takte naman..

'Meron ba akong kakilala dito?'

Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala talaga eh, kahit classmate ko man lang Lord! Patuloy lang ako sa paghahanap ng...

"aray...." rinig kong sabi ng nabunggo kong tao. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya..

"Uh... Uhm.. Sorry Miss!" tinulungan ko siyang makatayo pero tinanggihan niya at tumayo siya mag-isa.

Nung tumingin siya sakin na may halong galit na ekspresyon ay tsaka ko lang napansin...

"Klara?"

Innocent MaidenWhere stories live. Discover now