PATAY MALISYA

162 27 0
                                        

I

Sige buhay takbo ikot ka lang

At problema na lang ay tatawanan

Parang Payaso mukha'y nakangiti

Ngunit sa ilalim mayroong nililihim

Koro:

Patay Malisya na lang

Parang wala tayong nararamdaman

Patay malisya na lang

Parang di tayo nasasaktan

II 

Sige tara na pare't mag-inoman

Hayan ang alak na tayo'y tulungan

Na limutin lahat ng kabiguan

At doon tayo tumawang parang buang

Koro II

Patay malisya na lang

Parang wala tayong pakialam

Patay malisya na lang

Parang di tayo nababasa ng ulan

tulay:

Makinig ka naman

Di lang ikaw ang may problema dyan

Dahil sa suliranin ako ang hari dyan

Kaya sundin mo na lang ang payo ko na...

(Ulitin ang Koro I at Koro II)

Pinaghalo-halong LyricsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon