Nakalimot tayo sa kabutihan
Hangga't kaya'y ula'y nilalabanan
Ating gimik ay di mapigilan
At tila mata natin ay di na mabuksan
{koro}
[At/Dahil] Nalaman na lang natin na tayo'y nagkamali
Ito'y ng masugatan tayo ng malalim
Kung kailan tila tayo'y wala ng pag-asa
Doon lang tayo nagsimulang - manalangin
Di ba satin noo'y walang makalaban
Bakit ngayo'y tila tayo'y naghahanap ng sandalan
Di ba noo'y wala tayong pakialam
Ngunit ngayon tayo'y nagmamakaawang mapagbigyan ng minsan
{Ulitin ang koro}
May silbi pa ba itong daing
Kaya pa bang paputiin ang itim
May silbi pa ba itong panawagan
Mayron ba ang sa atin ay nakikinig
{Ulitin ang koro}
Huli na ang pagsisisi
May halaga pa ba sa kanyang pandinig
Ewan ko kong may silbi pa
Gagawin ko kahit ito'y isang nahuling panalangin
{ulitin ang koro}
Kung kailan tila tayo'y wala ng pag-asa
Doon lang tayo nagsimulang - MANALANGIN....
written: Aug.2, 2001 at 12:15 PM
Mysterious Aries
