Chapter two

21 0 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw, pagmulat ko sa mata ko, puro puti lang ang nakikita ko sa bawat sulok ng kwarto, paglingon ko sa kaliwa nakita ko ang isang lalaki sa kabilang kama. Gusto kong tumayo at lumapit sa kanya pero ‘deh ko maigalaw ang dalawang binti ko. “Marco..” bulong ko. Paglingon ko sa kabilang side ko nakita ko ‘yung tita Elaine ko na natutulog. Sunod – sunod na dumadaloy ang luha ko. “Bakit kailangang mangyari sa aming dalawa ‘tu.”

“Shaine, iha? Gising ka na, sa wakas!”tuwang-tuwang sabi ni tita sa akin at agad niya akong niyakap ng mahigpit. “Ano iha? May masakit ba? Gusto mo tumawag ako ng doctor? Gusto mo ng tubig?”

“Tita, si Marco?” tanong ko sa kanya.

“Okey lang siya, iha! Nung isang araw pa siya gising. Wala nmang malalang nangyari sa kanya.”

“Nung isang araw pa po? Eh, ilang araw naba akong natutulog dito?” gulat na tanong ko sa kanya.

“Isang linggo na. Mabuti nalang at nagising kana. Anyway iha, sa amin ka na muna titira pansamantala para mabantayan kita ha? Mag hahired narin ako ng private nurse para sayo, para may mag aalaga sayo pag wala ako sa bahay.”

“Sige po tita, pero bakit hindi ko po maigalaw ‘yung mga binti ko?”

“Ah, eh. Wag mo na muna aalahanin yan iha, ang doctor na magsasabi sayo nyan. Ang importante ngayun, magpagaling ka at mag palakas ka ha. Ibinilin ka pa nman sakin ng mommy mo.” Halatang may tinatago si tita sa akin at natatakot ako kung ano man iyon. Sa kakaisip ko, ‘di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa init na naramdaman ko sa palad ko, hinahawakan pala ni Marco ‘yung kamay ko. Nakaupo siya sa tabi ko at nakatulog. “Marco..” Hinihimas – himas ko ‘yung buhok niya.

Nagising siya at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, “Shaine, I’m sorry.” hinalikan nya ang noo ko at hinawakan ang kaliwang pisngi ko.

“Marco, ‘bat ka ng so-sorry. Wala ka namang kasalanan sa nangyari ‘eh! Aksidente ang lahat ng 'yun, importante buhay tayong dalawa at walang napahamak” naiiyak na ako, lalo na’t ngayo’y niyayakap na niya ako ng mahigpit. “Marco, ano bang nangyayari?”

“Shaine, kung ‘di dahil sa akin, hindi mawawala ‘yung baby natin. At sana hanggang ngayun nakakalakad ka pa. Shaine, sorry. I love you.”pagpapaliwanag niya, hindi ko maintindihan. Anong baby? Anong hindi makalakad. Magiging lumpo naba ako habang buhay? Sunod sunod na tanong ko sa sarili ko. Lalong bumibilis ang agos ng luha na lumalabas sa mga mata ko. Gusto kong magwala sa mga narinig ko. Paano na ako ngayun kung magiging lumpo nga ako, anong gagawin ko sa buhay ko? Naguguluhan na talaga ako.. Bakit? Bakit sa akin pa ito kaylangang mangyari. Bigla nalang nag dilim ang buong paligid at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sugat ng KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon